Campaign

481 18 0
                                    

Chapter 9

Me and Simon remained friends kahit na sa kabila nang pambabara ko sa kaniya. We remained strangers in public para makaiwas dagdag tensyon na rin. Napapadalas na rin ang palitan ng messages namin sa messenger at kung minsan... kapag nag-aaral ako, tumatawag siya o kaya video call hanggang sa pareho kaming dalawin ng antok.

"I need to rest now. Sasama pa ako sa campaign ni Daddy bukas," he said. I don't know what he's doing pero malikot ang camera niya. Naglalakad ata siya hanggang sa marinig ko ang pagbukas niya ng pinto and realized that he's now at his room.

Ngumuso ako. "Matulog ka na dahil kailangan kong magmemorize muna." I even raised my modules to let him see that I'm really studying. "May oral recitation ulit kami bukas."

He nodded tapos humiga pa siya sa kama niya. Nainggit tuloy ako dahil napagod na rin 'yung utak kong walang laman. Humikab ako kaya nagpaalam na siya at tuluyang binaba ang tawag.Bumalik ulit ako sa binabasa ko. Alas dyes na ng gabi pero halos wala paring pumapasok sa utak ko! Kailangan ko pa namang isaulo ang scientific terms para kahit papaano ay makabawi ako sa Poultry and Horticulture Crop Production ko. Pero kahit isang term ata ang basahin ko, walang pumapasok... kaya sa huli, nagdesisyon nalang din akong matulog at isabahala ang mangyayari bukas.

My parents went to some parts of Visayas para sa campaign nila. Dahil sa klase ko, hindi ako nakakasama. Palagi akong absent at si Vina na ang tumutusob sa akin. Pero kahit absent naman ako sa rally and campaign nila, hindi naman absent ang media para sa akin.

Palapit na palapit na ang eleksyon kaya mas lalong maraming media ang nangungulit sa akin. My parents decided to get me some bodyguards to keep me safe. Hindi man gaanong kahigpit pero atleast, may didipensa sa akin kung sakali. Hindi ko rin naman inisip iyon dahil mas nagpokus ako sa pag-aaral ko.

Kaya nang tuluyan silang makabalik at plinanong magkakaroon ng campaign sa ilang parte ng Matanao, nang mabakante ay nag volunteer na rin akong sumama para makatulong.

"Vote Julio Graciano po for Governor," I said to the old woman as she reached for the flyers.

Tumango ang matanda at matamis na ngumisi bago lumapit sa isa pang ka-alyado ni Papa.

Kumuha pa ako ng iilang flyers and merchandise nang maramdaman ang pag-vibrate ng phone ko. I thought it was just a piece of notifications or messages na galing sa group chat but I saw Simon's name in my notification bar. It's been how many days mula noong huling chat niya sa akin. Ang sabi niya sasamahan niya ang Daddy niya sa pangangampanya.

Simon:

Kakarating lang namin sa headquarters. Pahirapan makakuha ng signal dito. I heard you're having your campaign somewhere in Matanao? Nandito pa rin kami sa Brgy. Buri. I think we will stay more nights here.

Naibaba ko muna 'yung flyers bago nagtipa ng reply. Hindi ko alam pero kahit papaano, gumaan ang pakiramdam ko. Matitigil ako sa kakaisip ng kung ano-ano.

Me:

Yes! We're in Brgy. San Vicente and I'm also helping Papa in his campaign.

Kumunot ang noo ko nang mapagtantong mahirap nga talagang makalagap ng signal. I even raised my phone para lang ma-sent lang 'yun kaya nahagip kong napatingin si Vina sa akin. She looked confuse why I'm doing it like an idiot.

"Mahirap makakuha ng signal dito," she whispered.

I pursed my lips and checked my phone. Luckily, nasend naman kaya binalik ko ulit 'yung phone ko sa bulsa and back in campaigning again. Kung saan-saan pa kaming barangay lumibot para lang makapagbigay lang ng flyers. Some LGU's welcomed us. Pero sa kabila ng pagtanggap, ramdam mo talagang hindi lahat. Lalo na't sinasabi nilang ang iilang barangay ay balwarte ng mga Florendos. But Papa still tried, though.

In the Middle of Nowhere (Love Boundaries Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon