Family

503 11 1
                                    

Chapter 33

"Joyce, please..."

Simon held my hand to stop me. Hindi kasi ako sumang-ayon sa gusto niya. Gusto niyang sumama pa ako na ipakilala si Cezara sa mga magulang niya and I don't like that idea. Pumikit ako. It was just... wrong. Parang hindi ata tamang humarap ako sa kanila ngayon.

"They will welcome you," he said.

"Alam ko naman... pero nakakahiya. Alam mo kung anong ginawa ni Mama sa pamilya mo, Simon. And I will understand if they hate me—"

"Hindi sila galit sa iyo," he cut me off. "Damn, hindi sila nagtatanim ng galit."

That made me stop. Siguro iyon ang dahilan kung bakit walang problema si Simon sa pamilya niya. Na baka pamilya ko talaga ang may problema. Hindi naman sa binabalewala ko ang galit ng pamilya ko... but after what happened, parang ang sobra na. Sobrang lala na. The deep hatred...

Hindi ako nakumbinse ni Simon na sumama sa kanya at gaya ng ginagawa niya, nirerespeto niya ako at ang desisyon ko. Hinatid niya lang ako sa mall kasi kailangan kong mag-grocery. Nakapag-usap na kami ni Cezara tungkol sa pamamalagi niya sa mga Florendo and she's okay with that. Alam ko ring makaka-adjust ang anak ko sa nangyayari. Makakatulong din sa kanya para makilala ang pamilya ni Simon. Nag- promise naman kami sa isa't- isa na tatawagan niya ako tuwing gabi para makibalita.

"Be a good girl to daddy ha. To lolo and lola... and everyone in the house too," I told her before giving her a peck. "I'll call you, sweetie."

"Yes po." She answered and kissed her head bago ako bumaling ulit kay Simon.

"What?" because he's looking at me weirdly.

Ngumuso siya at napahawak sa pang-ibabang labi niya. "What about me? Tatawagan mo rin ba ako?"

Umiling ako at biglang kinalas ang seatbelt ko. I heard him laughed a bit before clicking the lock to open it for me. Umismid ako at humarap ulit sa kanya.

"Why don't you call me instead?"

He looked at me again... at dahan-dahang natawa. Natawa na rin ako at isinara ang pintuan niya. Bumusina pa siya ng tatlong beses bago humarurot papalayo. I sighed. Alam kong magiging okay na ang lahat. Well, I hope so.

It wasn't easy... for us and for my family. Galit pa rin si Mama sa akin kaya mas nag-focus nalang ako sa trabaho. I worked things on my own. I even sent my message to Miguel to tell what happened. I discussed things with him at gaya ng inaasahan, hindi niya ako naiintindihan. Alam ko naman kung saan nanggagaling ang galit niya but... he knew I can't give him what he want and need from me. Klaro na iyon, no'ng una pa.

Papa supported me, kahit na madalas ang pag-aaway nila ni Mama. Parating wala si Mama sa bahay at napapadalas ang pagsama sa mga amiga niya. Hindi ko tuloy maiwasang sisihin ulit ang sarili ko dahil... alam kong naapektuhan silang dalawa.

"Hindi umuwi si mama kagabi, pa?" tanong ko nang mapansin na mag-isang inaayos ni Papa ang mga gamit niya.

Umiling si Papa at inayos ang necktie niya bago humarap sa malaking salamin. "Natulog siya sa resthouse ng bestfriend niya na kakauwi lang galing abroad. She texted me na baka sa makalawa pa ang balik niya."

"And you just... let her?"

Papa chuckled. "Matanda na ang mama mo. Ilang taon na kaming kasal kaya kilala ko rin 'yon. Pinapahupa niya lang ang galit at tampo niya sa 'tin. Huwag mo na masyadong alahanin ang mama mo. Babalik din 'yon. Just continue doing what you need to do, Joyce."

Hindi ako nakapalag. Well, Simon, on the other hand, enjoyed his time with our daughter. Nakikita ko ang instagram post niya kasama si Cezara. Noong nakaraang linggo lang, nagpaalam siyang pupunta sila ng Samal together with his cousins para sa isang getaway. Siyempre, opportunity na rin iyon para makilala ni Cezara ang mga Florendo. She even called me para sabihing excited na excited siya. Ang dami niyang nakuwento tungkol sa mga naging lakad nila.

In the Middle of Nowhere (Love Boundaries Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon