Fearless

514 14 1
                                    

Chapter 35

I just thought loving a person is pretty easy. Seeing my parents loving each other—akala ko madali lang 'yon. Siguro... nasasabi kong madaling magmahal noon dahil wala akong alam sa totoong napagdaanan nila. Na kahit ilang taon na silang kasal, nag-aaway din. Their marriage was not perfect. It's just... they still choose to stay despite of shortcomings and argument—because of love.

I want to ask myself... what I can do for him? I loved Simon years ago reason why I ran away because of him. I was afraid of breaking him again. Fear controlled me. Noong nabuntis niya ako, totoong sinisi ko siya dahil inisip kong nasira niya ako. Pero...napagtanto kong... hindi pala iyon. Ang totoong kinatatakot ko ay ang iwan niya ako dahil may responsibilidad na siya sa akin. Na lagot kami dahil magkalaban ang pamilya namin... natakot akong iwan niya ako. O baka sirain niya rin ang buhay niya dahil nabuntis niya ako. Too many reasons... too many pains. Hindi ko alam kung ano nga ba talaga ang gusto ko noon.

Kaya inunahan ko siya. I shooed him away to ran. Nagkasakitan kami. Sinaktan siya ng pamilya ko kahit na walang ginawa ang pamilya niya sa akin o kahit kina Mama.

I sipped my wine and read some comments in Simon's post. It's been twenty-four hours since he posted it... at parami nang parami ang nagco-comment—even the likes and people who shared the post.

I think... the message did something. Hindi dahil sa mga simpatya ng mga tao sa comment section, kundi nalaman ko kung anong kayang gawin ni Simon para sa anak niya. Ngayon lang may pinatulan 'to. Sa lahat ng mga natatanggap niyang akusasyon at kahit anong isyung binabato laban sa kanya, he didn't do something. But now... taking legal actions from the Florendos... that must be something to be afraid of.

Because despite of being hated, their family is one of the big and influential family in town. At kapag nagalit sila, dapat nga silang katakutan. Pasalamat lang talaga ang pamilya ko at hindi nila magawang patulan lahat—kaya nagtataka ako.

Simon confessed that he still loves me. That he'll going to win me... even to my family. Even my family. Where can I find someone like him? Ang lalaking kayang labanan ang pamilya ko. Ang lalaking kahit ilang beses ng tinakwil nila Mama at nakatanggap ng hinding magagandang salita, nandito pa rin siya at mas lalo lang akong minahal. Ang lalaking sampung taon naging miserable at bumalik nang mahal pa rin ako? He's gone crazy. Yes, he's really crazy with me. He's one of the stupid people I met... he fearless loves me. Saan pa ako makakahanap pa no'n?

Pero hindi naman ako maghahanap pa ng iba. Because I'm also crazy with him.

Kinabukasan, naabutan ko sina Mama na tahimik na umuupo sa sala. Nasa tabi niya si Papa na nagbabasa lang din ng dyaryo. Si Mama naman, abala sa cellphone niya. Tumikhim ako at parehong nakuha ang atensyon nila. Hindi nga lang tumagal ang tingin ni Mama sa akin kaya kay Papa na ako dumiretso.

"Nakita niyo ba ang pinost ni Simon?" I asked.

Papa nodded. "Sa tingin ko tama lang ang ginawa niya. Hindi rin maganda palagi siyang tahimik sa mga isyu'ng binabato sa kanya lalo na kapag kasali na si Cezara," he said.

"I agree," tumango ako. "Baka may puwede din tayong gawin laban sa nagpapakalat ng fake news."

Suminghap si Papa at tumingin kay Mama. Mama raised her brow while looking at her cellphone. Papa poked her legs kaya iritado siyang bumaling sa amin.

"What?" maarte niyang tanong kahit alam ko namang narinig niya ang pinag-uusapan namin ni Papa.

"You shared it, right?"

Kumunot ang noo ni Mama. Parang hindi niya matanggap ang sinasabi ni Papa laban sa kanya.

"Shared what?" tanong ko.

In the Middle of Nowhere (Love Boundaries Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon