Tinulak

705 20 1
                                    

Chapter 2

Hindi ko siya lubusang kilala. Maaring kinamumuhian ng pamilya ko ang pamilya niya pero hindi sapat iyon para makilala ko siya ng lubos. Nakilala ko lang siya dahil Florendo siya but not as Simon. My family hated the Florendos because of their name, business and I don't know about our ancestor's story pero kahit na ganoon, kahit na madalas punain ng pamilya ko ang ginagawa at hanap-buhay nila, still I don't know him... at wala akong planong kilalanin siya.

But he's standing in front of me now, giving me an impression. Mukhang mayabang pero 'yung mukha, mukha ring mabait. You can't predict his mood o anong gagawin niya. If he's thinking stupid things... or he's giving me his sincerity. 'Yung iisipin mong mabait siya pero baka may balak.

"Oh, yes... We don't need to talk." I got panicked when he noticed that I'm staring too much.

He nodded.

"Joyce?"

Agad kumalat ang gulat sa mukha ko. That was my mother's voice! At paniguradong... magugulat 'yun kapag nakita niya kung sino ang kasama ko! At siyempre, magwawala iyon!

Simon looked at me like he's solving a puzzle. And because I don't want us to be caught talking, agad ko siyang tinulak. Iyon ang pumasok sa isipan ko. He was catched by the boxes at bago paman ako makita ni Mama, tinabunan ko na siya ng tela para hindi makita.

He groaned in pain and probably shocked of what I did pero tinapakan ko 'yung paa niya at pinatid pa para iusog niya ng kaunti para hindi siya makita ni Mama.

"What are you doing here alone?"

"M-Ma!" Lumapit ako sa kaniya bago paman makita ang nagkagulong boxes. She looked confuse. Napasulyap siya roon but I grabbed her hand para mapalayo sa mga nagkalat na boxes and other piles.

"What are you doing?"

"I'm just getting... uhmm.. water, Ma."

"Nagkagulo yung tent. Are you sure na tumutulong ka o nang-gugulo ka lang?" medyo iritado niyang tanong sa akin. I only gave her my sweetest smile para mapatawad niya but she's taking this seriously.

"Baka mamaya.. may gagawin kang di ka'aya-aya ha! Naku! Iwas-iwasan muna natin ang mga kalokohan dahil kasama natin ang demonyong pamilya. Baka gamitin nila yun laban sa atin," she threatened me again. "Kailangan mabait tayong lahat dito!"

Galit na nga siya dahil mag-isa ako dito sa tent at magulo pa. Paano nalang kaya kung naabutan niya kaming nag-uusap, oh edi sabog kaming dalawa.

"Wala. Kumuha lang ako ng mineral water."

"And where is it?"

Shoot! Hindi pala ako nakakuha!

"Uh.. huwag nalang pala.. sa loob nalang ako kukuha. For sure may water service naman doon," I chuckled at hinila siya para hindi tuluyang makita si Simon sa loob ng tent. Kumunot ang noo ni Mama at bumabaling sa likuran niya pero nagpatianod nalang siya sa akin. Siguro nawe-weirduhan sa ginagawa ko.

The crowd went crazy as my father made his entrance. Hindi naman talaga maitatanggi na malakas si Papa sa masa dahil kilala na siya bilang magalang at maasahang lawyer. Kumaway si Papa sa mga bata kaya masayang-masaya ang mga batang inaabot ang kamay nila para mahawakan ni Papa.

The other party made their entrance too. Mr. Florendo also waved his hand kaya nagsigawan ang pulawan. Marami rin silang supporters sa labas kaya magkadikit na magkadikit sila ni Papa sa rankings... pero dahil nga napag-usapan na ng dalawang kampo na isantabi ang usapan at isyung politika para sa mga bata, napilitang magsama sa isang lugar ang dalawang kampo.

Kinarga ni Mrs. Florendo ang isang bata kaya napatingin ulit sa kaniya si Papa. My father looked away as he reached again his hand to another kid.

Matalim ang naging tingin ko kay Papa. He smiled at me when he noticed that I'm looking at him.

In the Middle of Nowhere (Love Boundaries Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon