Epilogue

942 20 2
                                    

-This is the last part of In the Middle of Nowhere. Thank you for reading Joyce and Simon's story. xoxo. (me is so proud) huhuhu

Warning: Language, Discrimination and Abortion
(Please be reminded)

"Ayokong makipag-plastikan sa kanila," she chuckled. "Alam ng lalawigang 'to kung ano sila. I don't want to work with those people... lalong lalo na kung nagnanakaw... nagsisinungaling at may black agenda. Excuse me," Mrs. Graciano said and gracefully walked to excuse herself in the media.

I gritted my teeth. Lahat kami napanood ang interview niya sa isang convention. My parents were immuned to their hatred kaya hindi na rin ako nagtataka kung bakit gano'n nalang ang reaksyon nila. Mommy is silently drinking her tea habang si Daddy naman, parang nanonood lang ng Netflix.

"At least... defend our family. Maglabas ka rin ng press con, Dad! Hindi tamang nag-aakusa lang sila ng walang pruweba." My little brother, Ace, lost his patience this time. Sa mura niyang edad, natuklasan niya na kung gaano kagulo ang mundo ni Dad. Kung gaano kami kinamumuhian ng pamilya Graciano ng ilang dekada. Gustuhin ko mang ipagtanggol ang pamilya namin but Dad just won't let me.

"Hayaan niyo na sila," Dad said. As usual.

"Opinion nila 'yon," sagot din ni Mom. As always.

Natawa ang kapatid ko. "I don't understand them, Mom. Alam niyo ba sa school... naniniwala talaga silang... magnanakaw tayo?" Natawa siya ulit. "That all of my things... lahat ng mga lakad natin... lahat ng kinakain natin, naniniwala silang lahat ng iyon ay galing daw sa nakaw?"

Namilog ang mga mata ko. I didn't know that! Ace looked away nang magtama ang tingin namin. Itinago niya ang kanyang nararamdaman sa amin but his red eyes just won't lie. Masakit sa akin na... nararamdaman din ng kapatid ko ang lahat.

I admit it. Nakaranas din naman ako ng pambubully noon dahil sa apilyedo ko. My elementary years was hell. Sa high school ko lang natutunan na huwag silang patulan pagkatapos kong makilala ang mga tunay kong kaibigan. I endured it alone. Kahit na tinatanong ako ni Mom, alam kong may gagawin silang mas ikaka-komportable ko. At ano na naman ang mangyayari, iiwasan ulit nila?

It's exhausting. Kaya alam ko kung saan nangagaling ang kapatid ko dahil talagang nakakapagod ipagtanggol ang sarili.

"Hindi tayo nagnanakaw. Ace, kahit pa ilang press con ang gawin natin, kapag ayaw maniwala ng mga tao sa katotohanan natin, wala tayong magagawa. As long as we're innocent, na wala tayong ginagawang masama... tama na 'yon. We can't please people..." Dad said and reached his coffee.

"Bakit... galit na galit ang mga Graciano sa 'tin?" I asked.

Mama looked at me. Hindi 'yon unang beses na nagtanong ako tungkol sa nakaraan nila. She sighed.

Lagi silang walang binibigay na sagot sa amin kaya mas lalong nakakainis. I hated that family.

"There's no point of hating them. Wala kang pinagkaiba sa kanila kapag ginawa mo 'yan."

My mother's words made me realize about keeping hatred. Totoong nakakapagod. Totoong nakakasama ng loob kapag may galit. But what about them? Hindi ba sila napapagod na magalit sa amin?

The Gracianos? They will surely rot in hell for hating us too much.

"Tatakbo kang gobernador, dad?" gulat kong tanong.

Pumikit si Dad at dahan-dahang tumango. Napapikit din ako. Magulo na nga buhay namin, magiging magulo pa lalo dahil sa pagtakbo niya!

I tried to stop him pero nakita ko kung... gaano ka-importante kay Dad ang kagustuhan niyang magserbisyo sa mga tao. I know... I can't stop him.

In the Middle of Nowhere (Love Boundaries Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon