Never Forget

538 17 5
                                    

Chapter 24

You want this?" Miguel tried to offer me his burger.

Umiling ako. Kanina pa ako inaalok ni Miguel na kumain nang pinamili niya but I'm not hungry. Bukod sa galit ako dahil sa pagtatalo namin, wala rin talaga akong ganang kumain.

Kinakabahan ako sa byahe. Buti nalang at naintindihan ni Cezara kung bakit hindi siya puwedeng sumama. Super excited pa naman nu'n pero wala rin naman akong magagawa kahit gustuhin ko mang isama siya. I also just feel... this is not the right time. Babawi nalang ako sa mga pasalubong ko.

Habang tinatahak namin ang daan pauwi, mas lalo lang lumalakas ang kabog ng dibdib ko. I wasn't familiar with the road pero alam ko kung saan papunta 'yun. Itinulog ko nalang ang kaba ko. Ayoko rin namang kausapin si Miguel dahil sa pagtatalo lang ulit hahantong ang usapan namin. I don't want to ruin my mood today.

Mahigit isang oras ang itinagal ng byahe namin. Napaahon ako sa kinauupuan ko nang makita ang malalaking bus na unting-unti pumapasok sa loob ng terminal. Wala pa rin namang nagbago pero pakiramdam ko, naninibago ako sa nakikita ko. Siguro bunga ng ilang taon nang hindi nakakauwi kaya halos lahat ng nakikita ko, nagbago na.

Our house wasn't located at downtown proper kaya sa shortcuts kami dumaan. Iniiwasan din kasi namin ang traffic lalo na't weekdays ngayon. Mabuti nalang din iyon dahil alam kong marami kaming alaala sa downtown.

I relaxed myself. Ayoko nang ganito.

Nang makita ang kanto ng subdivision namin, tumaas ang leeg ko nang matanaw ang pamilyar na gate sa akin. Miguel unbuckled his seatbelt at agad na inabot ang phone niya to make a call. For sure si Mama ang tatawagan niya.

Bumukas agad ang gate namin nang bumusina. A frosted glass gate opened as if we're having a great entrance. It changed a lot. Mula sa mga tagabantay, maliban sa mga loyal kay Papa at Mama. Pati ang estilo ng hardin at teresa, the driveway—lahat nagbago na rin.

Napako ang tingin ko sa staircase. That's the place na kulang nalang ata, ipatapon ako ni Mama dahil sa galit niya. Hindi maganda ang alaala ko sa puwestong 'yun. And seeing it now, parang pinaganda lang para mapagtakpan ang bangungot na nangyari doon.

Miguel opened the door for me. Agad kong nakita si Mama na nakangisi habang nakatingin sa amin. Nasa likuran niya si Papa na nakahawak sa riles ng teresa. Ngumisi rin pero mas nanatili ang tingin sa akin. Mama looked so young and fresh now. Parang paurong 'yung beauty niya. Her ash gray bounced as she moved to welcome us. Naka floral bestida din siya kaya gumalaw ang dulo ng saya niya sa bawat galaw. May brace na din siya! Hindi mo iisipin na may anak siya!

"Miguel! Welcome to Digos!" tuwang-tuwa si Mama kay Miguel.

"Tita! God! You're so beautiful!"

I gritted my teeth. Nakakapikon na makita silang ganito. My mother looked at me. Tumaas ang kilay niya bago ngumisi agad. "You will not greet me?" she asked.

"Si Miguel ang unang binati mo, Mama."

Miguel chuckled.

"Kasi bisita natin siya! Mabuti naman at sumama ka... nakakahiya naman kay Miguel," she replied.

Dumalo na rin si Papa sa amin. He kissed my forehead bago ko pa nagawang yakapin si Mama. Siyempre, mas priority ni Mama si Miguel dahil galak na galak siyang makilala ang bias niya. I rolled my eyes. Papa poked my nose kasi nakita niya ang pag-irap ko.

"Mabuti naman at nakumbinse kang umuwi," Papa asked nang maiwan kami sa teresa. Agad na hinatak ni Mama si Miguel kaya nagawa akong kausapin ni Papa.

I put down my baggage and looked at him. "Napilitan, Pa. Hindi nakumbinse."

In the Middle of Nowhere (Love Boundaries Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon