Kiss

597 20 0
                                    

Chapter 11

Simon did his jump habang ako naman napiling umupo lang sa troso. Sa tuwing umaahon siya, napapatingin siya sa akin. Nilalaro ng paa ko ang tubig. Para akong bata.

"Ahhh!" I almost fell nang naramdaman ang kamay na humihila sa paa ko. Mukha agad ni Simon ang nakita ko and he's stupidly laughing at me! Ang sarap talaga sipain ng mukha niya!

"Tara... Swim pa tayo," ngumuso siya.

Napirme ang kamay niya sa hita ko.

Umiling ako. "I'll just sit here. Ikaw muna."

He raised his brows tapos umangat na rin para tumabi sa akin.

"Are you hungry?"

"May food ba dito?" I asked him.

He chuckled. "Anong sa tingin mo... dadalhin kita dito without securing your food?"

Ngumuso ako. "Hindi pa naman ako gutom. Baka ikaw? Hindi ka kumain sa byahe."

Hindi siya sumagot. Tumingala siya bago napatingin sa talon. May mga huni ng ibon kaming naririnig. Sa sobrang tahimik, nasolo ng talon ang buong lugar. Nakakapagtakang wala man lang ibang tao... maliban sa mga kasama namin. Sa tingin ko, pinag-planuhan niya ang lakad namin kahit na pareho kaming nasa campaign period.

"Paano mo ito natuklasan? Nakapunta ka na rito?" tanong ko dahil mukhang kabisadong kabisado niya ang lugar.

"It's just one of my friend's fancy place. Dinala niya kami dito noong birthday niya. Manghang-mangha ako sa lugar na 'to kahit na unting-unti pa ang development niya kaya naisipan kong dalhin din kita dito," aniya bago sumenyas sa isang tauhan ng kung ano. Napatingin ako sa harapan at nakitang inabot nila ang towel sa amin.

"You're cold," pag-iiba niya sa usapan. Lumusob ulit siya sa tubig para makuha ang towel.

Totoong nilalamig na rin ako kaya hindi na ako umangal pa. Nang makabalik na siya, he covered me with his towel tapos bumalik ulit sa puwesto niya kanina. Mas dikit nga lang siya sa akin ngayon.

"Wala bang signal dito? Kailangan kong magtext kay Papa," I said. Almost forgot to update where I am!

Tumango siya.

"Huwag kang mag-alala. Kahit papaano ay may signal naman."

Para hindi mabagot, nagkuwento ako sa kaniya tungkol sa pag-aaral ko. Parehong nakalusog sa tubig ang paa namin. Habang nagsasalita ako, nakatingin lang siya sa akin at nakikinig sa bawat salitang lumalabas sa bibig ko.

"Ikaw? Why did you stop pursuing engineering?"

Natawa siya.

"Hindi kinaya ng utak ko."

Kumunot ang noo ko. Anong hindi kinaya ng utak niya 'eh Magna Cum Laude siya ng batch nila ha?

"Hindi ako naniniwala! You graduated with latin honors during your college! Kaya alam kong matalino ka," sabi ko.

Tumaas ang kilay niya and a smirk trying to draw his lips. "Nag-research ka?"

Uminit ang pisngi ko sa tanong niya. Hindi ko naisip na puwede niyang maisip 'yun!

"Well... hindi naman bago sa lahat ang biography mo. Sikat ka at... uh... maraming tagahanga. Alam ng lahat na you're intelligent! Ang pinagtataka ko lang... matalino ka pero hindi mo na-survive 'yung engineering?" usisa ko.

He chuckled and caressed my finger. Pinaglalaruan niya iyon kaya napatingin ako sa hintururo niyang sumusundot sa palad ko. "Hindi naman porke't Magna Cum Laude, kaya ng gawin ang lahat," he chuckled again. Ayaw ata akong seryosohin.

In the Middle of Nowhere (Love Boundaries Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon