Heals

521 12 1
                                    


Chapter 32

Where are you going?"

Inayos ko sa huling ikot ang ribbon ni Cezara bago ko binalingan si Mama na naabutan kaming naghahanda sa sala. Maagang umalis si Papa dahil sa isang convention kaya bumaba si Mama at agad kaming inusisa.

"We're going to daddy, Lola!" My daughter answered.

Namilog agad ang mga mata ni Mama. Napatingin agad siya sa akin. A glimpse of disbelief and frustration, iyon agad ang nabasa ko sa mga mata niya. Alam kong hindi niya kayang tanggapin ang desisyon ko pero anak ko na ang pinag-uusapan. Hindi ko na kailangan sundin lahat ng gusto niya para sa ikakabuti ng anak ko.

This time... I won't please her.

"Baka... mamaya pa ang balik namin. Bibigyan ko sila ng oras para makapag-usap at makapag-adjust sa isa't isa."

"You... think this is the best?" mapait na tanong ni Mama.

"Yes," I replied.

Pagod na akong makipagtalo kay Mama. Enough with this drama. She needs to respect my decision for my daughter. Hindi lahat ng oras na kailangan ko siyang sundin. Cezara is my daughter... and I know what's the best for her.

Cezara reached my hand. Nagpaalam siya kay Mama na na-estatwa pa sa pintuan. I looked at her again but she just closed her eyes, saying that she's very disappointed with me. Bakit ba hirap na hirap si Mama na tanggapin ang totoo? Pumikit ako. The memories taunt me. Then I realize... maybe it was her ego. It was her pride. It was her hatred. Ayaw niyang maungusan lahat ng 'yon.

Kabado agad ako. Hindi ko makita iyon sa anak ko o magaling lang talaga magtago ng nararamdaman ang batang 'to? Nilalaro niya ang kanyang paboritong stuff toy na bigay ni Vina. Pinipisil niya iyon.

I reached my phone to check his message. Ang sabi niya gusto niyang makipag-kita sa pantalan. Hindi ko alam kung bakit gusto niya doon 'eh pangit ang alaala meron kami do'n. Saksi ang lugar na iyon sa mga masamang salita na nasabi ko sa kanya noon.

"We're going to a beach, Mommy?"

"It's a pantalan, baby."

Ngumuso siya at hindi na nagtanong pa. Naghanap ng puwesto ang driver namin bago kami bumaba ni Cezara. Tumakbo kaagad siya at namangha sa dagat. The waves were rough a bit. Malayo palang, ramdam mo na ang pagwawala niya. Nagagalit ata sa bawat hampas sa malalaking bato malapit sa pantalan. Ang kadugtong na dagat nito ay gano'n din. Tumingala ako. Hindi rin masyadong kulay asul ang kalangitan. There's a bit darkness, mukhang uulan pa ata?

But today is really the day huh.

Napatingin ako sa pamilyar na sasakayan na naka-park sa kabilang dulo. Kilala ko ang kotse niya. My heart pounded so fast at halos maiyak dahil... talagang nangyayari na 'to.

"Cezara..."

Tumungo ako sa pantalan pero hindi ko siya nakita. Nag-panic pa ako pero narinig ko ang tawa niya nang makalapit sa dalampasigan.

"Cezara!"

"Mommy! Look!" masaya pa siyang itinaas ang nakita niya. Agad akong bumaba para daluhan siya kasi natatakot ako sa hampas ng alon. Baka mamaya, mawalan siya ng balanse at baka matangay ng alon. She removed her doll shoes at agad na nagtampisaw sa tubig. Wala siyang takot na natutuwa roon.

"Cezara! Bumalik ka na dito---" napahinto ako dahil nakita ko ang papalapit na malaking alon! Sa liit niya, hindi niya kakayanin iyon! Matutumba siya at baka matangay! Malalaki agad ang hakbang ko at tuluyang tumakbo para makuha siya pero... natigilan nang may nag-angat sa kanya para hindi tuluyang maabot ng alon. Napahawak ako sa bibig ko.

In the Middle of Nowhere (Love Boundaries Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon