Hide

457 18 0
                                    

Chapter 8

It took me how many seconds to process everything... kung ano ba talaga gusto niyang mangyari. Ang bilis nang pagtibok ng puso ko kaya hindi agad ako nakagalaw nang maayos. Hindi ko alam kung anong gagawin. He waited for me to get out. Nairita ako sa ginawa niya at ang nakakainis pa, ang lakas talaga ng loob niyang sundan ako pagkatapos kong mapahiya sa mga kaibigan niya.

"W-What are you doing?" tanong ko nang tuluyan akong lumabas sa sasakyan ko.

Imbes na sagutin ako, he walked towards his car and get the 7 eleven paperbag. Binuksan niya ang likod ng Land Cruiser niya at pumwesto dun. Iniabot niya sa akin ang paperbag kaya nagtataka akong lumapit sa kaniya. My heart pounds so hard habang hinahakbang ko ang mga paa ko papalapit sa kaniya.

"Ano 'yan?"

"Food," tipid niyang sagot.

He tapped his side na para bang sinasabi niyang dapat ako pumwesto ako roon. Siyempre, hindi ako pumayag! Baka mamaya may makakita pa sa amin at tsaka... hindi rin naman ako puwedeng magtagal.

"Walang makakakita sa 'tin dito. We're not a matine idol para sundan ng mga media." Alam niya na agad ang hadlang kung bakit hindi ako lumapit at sumunod sa gusto niyang mangyari.

"But we're so fit to be in their scoop," I said. Nakakrus na ang braso ko habang nakatayo sa harapan niya. I pulled down my cap para talagang walang makakilala sa akin. "Bakit mo ba ako sinundan? You're with your friends di'ba?"

"You're so paranoid," he sighed. "Yes, I'm with them pero iniwan ko sila nang makita kita."

Napakurap-kurap ako. He's very... honest huh.

"Nalaglag ang pagkain mo... at alam kong nahihiya ka sa nangyari kanina. My friends laughed at you pero nang makita kita, hindi ko magawang matawa dahil alam kong naramdaman mong napahiya ka," he chuckled.

Humaba ang nguso ko at nagsisimula nang mainis dahil talagang na bad trip ako kanina. Gutom na nga ako tapos nagka-ganoon pa. He offered me his food. Nakabukas na 'yun pero may nakita akong bites kaya medyo natakam na rin ako. Gutom na rin, I reached for it at ibinalik ulit sa kaniya ang natira sa supot. I opened the sauce and mustard bago inilagay 'yun sa hotdog na nasa bun na. Gutom na gutom na ako kaya wala na akong pakialam kung nakatingin na siya sa akin ngayon.

"Where are you going?"

"Headquarters," I answered tapos nginuya ulit ang nasa bibig ko.

"Are you alone? Wala kang kasamang driver... kaya nagulat ako at sinundan kita."

Tumango ako. "Downtown lang naman kaya okay lang. I can drive naman."

He looked at me kaya nag-iwas ako ng tingin bago nilantakan ang hotdog ko. Sa tuwing may napapadaan na sasakyan, agad akong yumuyuko. Natatakot na baka kakilala ng mga magulang ko. Nagtatago ako nang maingat pero si Simon, takang-taka lang na nakatingin sa akin.

"Hindi ka ba magtatago?! Baka mamaya may makakilala sa iyo... and you're not wearing your cap!" puna ko sa suot niya. Naka leather jacket lang kasi siya at wala man lang takip sa mukha. He's very confident.

"Bakit naman ako magtatago, 'eh ikaw lang naman itong takot," he answered. "At tsaka, hindi na bago sa akin ang maging laman ng controversies. I know you're aware of that. Kotang kota na ang pamilya ko sa mga ganiyan."

Bumagal ang pag-nguya ko. Alam kong involved ang pamilya ko sa mga paratang ng mga tao laban sa kanila. At kung pagiging patas lang ng paningin ang pag-uusapan, sa away ng mga pamilya namin, kahit kailan, hindi ko nakitang nagbitaw ng masasakit ng salita ang pamilya niya sa pamilya ko. The Florendos were too kind and accepted all the hate and disrespect of the town. Even to us, na kahit ilang beses ng binastos ng Lola ko at ni Mama ang pamilya nila, tawa lang ang sinasagot nila... kaya minsan, mas napipikon ang pamilya ko.

In the Middle of Nowhere (Love Boundaries Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon