Endless

608 13 3
                                    

Chapter 37

"See? Ikakasal ka rin." Vina smirked. Naglapag siya ng iilang paperbag na pinamili niya para sa akin.

Natawa ako. Palagi talagang tama 'to si Vina. Kaya lang, hindi ko maiwasang hindi magtampo dahil kung hindi ko binalita sa kanyang engaged na ako, hindi siya makikipagkita sa akin. Buti nalang pumayag siyang sumama sa akin dito sa Green Coffee. Madalas naming tambayan 'to noon kaya... it feels like a deja vu to me.

"It's been a while mula nang makauwi ako dito," umupo siya sa harapan ko. "Akala ko hindi na ako makakabalik."

"Hindi naman ibig sabihin na hindi ka na nagta-trabaho sa parents ko... wala ka ng babalikan sa lugar na 'to. Nandito ako!"

Natawa ulit siya at tumango. "Hindi ka na babalik ng Gensan?"

"This is my home, Vina. Siguro babalik ako para tapusin lahat ng ganap ko do'n. Sasamahan naman ako ni Simon dahil gusto niyang makita kung paano ako namuhay nang wala siya."

Tumango siya.

"Talagang ikakasal ka na sa kanya."

Nanatili ang tingin ko sa diamond ring. Hindi mawala ang ngisi ko habang sinusuri iyon.Halos perpekto iyon sa kamay ko kaya hanggang ngayon hindi ako makapaniwala. The diamond screams... power not because it's expensive. The ring symbolizes Simon's endless love for me. Iyon ang sabi niya. Naalala ko tuloy ang unang singsing na ibinigay niya sa akin noon. His promise ring na tuluyan kong ibinasura at binalewala dahil sa nangyari.

"Balita ko... alam na ng pamilya mo ang tungkol sa kasal."

I pursed my lips. Napabuntong-hininga nalang ako nang maalala kung gaano kagulo ang pag-uusap nila ni Papa. My grandparents were shocked... and in rage. Pero dahil nagsalita si Mama... kumalma silang lahat. Hanggang ngayon, hindi ko makalimutan ang talim ng tingin ni Lolo sa akin. Parang nuot sa buto ko 'yon.

"Hindi ko alam kung makakapunta ako sa kasal mo. Hindi pa kasi kami ulit nagkita ng Mama mo."

Napaismid man, tumayo ako at humalukipkip sa harapan ni Vina. She slowly smiled and nodded. Nag-order nalang ako ng paborito naming cake bago siya binalikan sa mesa.

Alam niyang hindi ko siya mapapatawad kung sakaling absent siya sa kasal ko. Hindi naman dapat siya mabahala kay Mama dahil hindi niya naman kontrolado ang mga bisitang iimbitahin ko. After all, Vina has been loyal to them since at first kaya deserve niyang matunghayan ang espesyal na araw ko.

Pagkatapos naming mag coffee, sinundo na ako ni Simon. Nagkita pa nga sila ni Vina kaya medyo nagkamustahan. Vina refused to go with us dahil may dadaanan pa raw siya kaya nagpaalam na kami.

"This weekend?" gulat na tanong ni Simon.

Tumango ako. "Uh... hindi naging maganda ang pag-uusap nila ni Papa kaya uuwi sila para pag-usapan." I sighed. "Natatakot nga ako. You know... my grandparents were quite hard... and strict."

Simon nodded. "Do I need to come? O Graciano lang muna?"

"Graciano lang muna. Hindi ko alam... baka magwala si Lolo kapag nakita ka."

"Okay. I understand. Baka hindi rin tamang mabigla sila... lalo na baka makasama sa kalusugan nila." He smiled. "But I hope... hindi sila magiging harsh sa bata. Kahit para kay Cezara nalang."

Ngumiti ako. "Hindi ko hahayaang bastusin nila ang anak natin... kahit ikaw."

Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ni Simon sa akin. He blushed a bit kaya natawa nalang ako.

"Hindi ko inaasahang hahantong pa tayo sa ganito," I whispered.

"This is what I prayed for. To surely... win you back even in death and everything."

In the Middle of Nowhere (Love Boundaries Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon