Prologue

1.9K 38 0
                                    

12th of August, when we decided to have lunch together...

"This is enough, hija."

Ibinigay sa akin ni Mama ang isang bowl ng sinigang. Paboritong-paborito ko 'yun kaya halos maglaway ako nang makitang umuusok pa ang sabaw dahil sa init.

Kaya lang, kinokontrol ni Mama ang kinakain ko. Ayaw niyang napapasobra ako. Inihanda niya na ang 1 cup of rice ko na halos hindi rin pinuno ang cup. Isang slice lang din ng karne at may vegetable salad na. Tapos 'yung drinks ko, tubig at fresh milk lang at katabi nun ay fresh fruits na binibili niya para sa akin.

"Eat now, Joyce."

Joyce... my mother named me of happiness... It requires the utmost surrender and a choice to be made just like love.

No wonder... why she's obsessed with the best of me.

Inutusan niya akong galawin ang kubyertos ko para makakain na. Hindi na naman ako pumapalag dahil nakasanayan ko na rin. Ayokong suwayin si Mama dahil ayokong makadagdag sa problema niya.

"Your father can't go home tonight kaya si Manang na muna ang bahala sa pagkain mo," she added.

My father is a busy politician. Lalo na't napapalapit na ang election at balak na tumakbo sa mas mataas na posisyon. Si Mama naman ay may balak ding tumakbo sa pagka-kongresista sa susunod na eleksyon kaya alam kong mas magiging busy pa sila sa mga susunod na araw.

"Puwede po ba akong sumama, Mama?" tanong ko.

Matagal pa bago tumingin si Mama sa akin. Medyo kumunot ang noo nito kaya kumbinsido akong hindi niya ako papayagan.

"Ano namang gagawin mo roon?"

Natawa ako. "Tutulong po ako sa campaign!"

"Tsss.. Baka imbes na makatulong, makagulo ka lang kaya mas mabuting tumigil ka rito."

I have no say. Kaya naiwan ako sa mansyon kasama ang mga katulong. Kahit na inaamin kong rehas ko ang masyong 'to, wala rin ako sa posisyong magreklamo. My parents did everything para makuha lang ang kung anong meron sila ngayon. Lahat ng mga luho ko, binibigay nila kapalit ng pagsunod ko sa kanila. They gave me a life where I'm comfortable... kahit na hindi ako masaya kapag sumusobra na sila.

"Ma'am? Ihahanda ko po ba ang gym room niyo?" Sumilip pa si Manang bago tuluyang pumasok sa kwarto ko para itanong 'yun.

"Ah, ako na bahala. I can do it," sagot ko tapos sabay kuha ng inner slipper ko para makapagpalit ng workout outfit. After I changed, I decided to spend all my 4 hours to my workout kaya hindi ko na nasagot ang tawag ni Olivia---my bestfriend, sa akin.

"What do you want?"

She chuckled. "Where are you?"

I closed my tumbler bago ko ibinalik sa tainga ko ang cellphone. "Nasa bahay lang. Kakatapos ko lang mag gym. Why? You need anything?"

"Oh... I thought sumama ka sa mga magulang mo sa pangangampanya. You know... it was very chaotic! Yung mga fans ng Papa mo at ng kabilang partido, nagwawala at kung hindi lang umawat ang mga securities kanina, baka yung proclamation rally ay naging bloody riot na."

Hindi na naman bago sa akin ang balitang iyon pero hindi ko pa rin mapigilang mag-alala. Gustong gusto kong manalo si Papa pero ayoko pa rin namang may masaktan sa araw ng pangangampanya. I understand people justifying the differences but there's no need to be violent.

"Ano bang nangyari?"

"Well, a Florendo supporter started it. Eh paano ba naman kasi, yung ka-alyansa ng Papa mo na nagsasalita ng programa niya, bigla nalang binato ng isang supporter nila kaya nagkairingan na."

In the Middle of Nowhere (Love Boundaries Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon