Calix POV
Infairness ang cool ni ate mo girl Shion kanina. Chill lang siya nung sinabi ni Jerome na mag jowa kami. Kasi naman ang lakas ng tama niya, kailangan pa ba sabihin yon. We're just pretending lang naman.
Inaayos ko yong mga documents na pinapaasikaso sa akin para dalhin kay Ms. Shion na nasa loob ng office ni Jerome.
Krrringggg..
Kinuha ko sa may table yong phone ko saka sinagot.
"Hello."
[Can you come here now sa bar ni Kurt?]
"Jerome?"
[The one and only. Come here please. I'll wait for you.]
Ang lumanay ng boses yata ng boses niya ngayon. At nag please siya. Himala. "I still have things to do at hindi ako pwedeng basta-basta na lang umalis dito."
[I know but I'm your boss.]
"Paano si Ms. Shion?"
Hindi naman kasi pwede na kapag gusto ni Jerome ay susundin ko kaagad. "Can I come later after work?"
[So what's with her? She's nobody, so you shouldn't pay attention to her. Have you forgotten our deal, Calix? Remember, you still have two months left on your internship. In the office, I'm your boss, but outside, I'm your man. So whether you like it or not, you're coming here now.]
Mainit na naman ang ulo ni Jerome. Tinakot na naman niya ako sa deal na yan. Hindi na siya nakamove-on diyan. Kainis naman.
"Magpapaalam lang ako."
[No need. Like I told you earlier, she's nobody and she's not even your boss, so you don't need to ask permission from her.]
Badtrip nga talaga siya. "Fine."
Binaba niya na agad ang tawag. Binilisan ko na ang pag aayos ng documents na for signature at yong schedule ni Jerome. Ibibigay ko na muna ito kay Ms. Shion bago ako umalis. Jusko. Magla-lunch time pa lang pero nasa bar na kaagad si Jerome.
Kumatok muna ako bago pumasok sa private office ni Jerome at naabutan ko na may tina-type si Ms. Shion sa laptop. Inabot ko sa kanya ang hawak ko. "Here's the documents."
Inangat niya ang tingin niya sa akin. "Pakilagay na lang diyan please." Aniya saka ibinalik ang tingin niya sa laptop.
"A-ah, Ms. Shion."
Nag-angat siya ulit ng tingin. "Yes?"
"Magpapaalam lang po sana ako. Urgent lang po. Pinapapunta kasi ako ni Jerome sa.."
Sumeryoso ang tingin niya sa akin. "Where?"
Yung tingin na para akong kakainin ng buhay. Sasabihin ko ba iyong totoo. "Ano po kasi.."
"What?! Saan ka niya pinapapunta? At nasaan ang magaling na lalaking yon?"
Galit na ang tono ng boses ni Ms. Shion. "Nasa bar po.."
Tumingin siya sa wrist watch niya. "At this time, he's at the bar? What is he thinking?! I will not allow you to go. You're needed here in the office. I will not tolerate this kind of behavior as long as I'm in this company. Back to work."
Pati tuloy sa akin nagalit na si Ms. Shion. Kasalanan talaga ito ni Jerome eh. "Pero.."
"Pero ano?! Magiging sunod-sunuran kana lang ba sa lalaking yon. You're his secretary not his fling or whatsoever. At kung totoo na may namamagitan sa inyo, kung pwede lang sana ilugar niyo. This is an office not a bar. Kung maglalandian kayo huwag sa oras ng trabaho. Do it after work!"
BINABASA MO ANG
Come To Me (Follow Your Heart) *COMPLETE*
Любовные романыBxB | MPREG Jerome Alexis Tan Calix Jace Rodriguez 🏳️🌈 LGBTQ+ R🔞 Achieved Highest Rank #1 in BoytoBoy Category ❤️