Chapter 5

389 12 0
                                    

Jerome POV

I came straight to Kurt's bar in frustration. That guy's words just won't leave my mind. Damn it! He doesn't even know me well enough to "real talk" like that. He hasn't even seen who I really am. I'll show him soon enough, so he better be ready. Doesn't he realize that what he said about me not having any appeal is causing a stir? I've even outdone my friend Zed, who's a certified casanova and fuckboy among us.

Umupo ako nang nakakunot ang noo sa aming VIP table, malapit sa sulok malapit sa bar counter. Naririto rin sina Calvin at Bryan, habang si Kurt nasa counter ng bar at si Zed ay paparating pa lang.

Tumingin sa akin si Bryan. "Brad, parang pinagsakluban ng langit at lupa yang mukha mo ah? Hindi ka ba sinipot ng babae mo? Haha."

Sinamaan ko siya ng tingin bago uminom ng alak. "Badtrip ako, kaya huwag kang maingay baka sapakin kita. Ang lakas ng tama mo, nag-pa-appointment ka pa, tapos tatambay ka lang naman sa opisina ko. Gago."

Natawa siya sa kagaguhan niya. "Easy ka lang init ng ulo mo eh. Na-miss ko lang tumambay sa opisina mo. Haha."

"Hi handsome."

Hindi ko siya pinansin at tuloy lang ako sa pag-inom. Biglang lumapit sa akin ang isang babae. Puta! Nakikipag-usap lang ako sa kaibigan ko, wala pa akong ibang ginagawa pero may lumapit agad sa akin. Iba talaga ang charisma ko. Hindi ko na kailangan mag-effort, grasya na ang kusang lumalapit sa akin.

"Hi," ani ko sa babae na nasa harap ko sabay hila sa kanya pababa sa lap ko. Halata sa reaksyon niya na na-amaze sa ginawa ko. Anong sorpresa ba? Pasalamat siya at sexy siya at malaki ang boobs. Kitang-kita ang cleavage niya sa suot na tube dress.

"Puta! Grabe ka talaga, brad. Tangina! Sa harap pa namin talaga," ani ni Kurt.

Hinawakan ko ang bewang ng babae. Nakasandal siya sa akin habang nakatitig sa akin. Umaangat ang dress niya.

"Lodi na kita, brad. Haha," natawa ang tatlo: sina Calvin, Bryan, at Kurt.

Parang mga gago ang mga 'to. Para bang sila lang ang una sa ganitong eksena. Hindi naman ako ang unang gumagawa nito. Kitang-kita mo ang inggit sa mga mata nila. Bakit hindi na lang sila kumuha ng babae? Ang daming magaganda dito sa bar. Kung nandito lang agad si Zed, may dala na sana siyang babae bago pa man kami makaupo. Kaso yari siya kay Captain kapag nahuli siya. Malaking problema 'yan para sa kanya.

Speaking of the casanova, andito na si Zed. Nagpaalam kaya siya sa girlfriend niya? Teka, bakit ko ba pinoproblema si Zed? Balik tayo sa akin.

Bigla akong hinalikan ng babae sa leeg. Mukhang may balak pa siyang maglagay ng marka sa akin. Hindi ako magrereklamo. Damn! Kinikilig ako sa babae na ito. "Will you be mine tonight?" bulong ko sa kanya.

Hinipo niya ang labi ko ng kanyang daliri. "Of course," sagot niya ng nakababaliw.

"Let's go," inalalayan ko siya na tumayo at tinungga ang baso ng alak sa mesa.

"Una na ako, mga brad," paalam ko.

Natawa lang ang mga gago. "Huwag brad, bata ka pa," ani ni Calvin. Gago talaga!

"Haha, sige brad. Huwag mong kalimutan mag-condom, baka matuluyan ka na talaga," biro niya.

Hindi ko na pinansin ang sinabi ni Kurt. Pinaalala pa nga. Abnormal talaga. Hindi maka-move on.

Isinakay ko ang babae sa kotse ko. Napakaganda niya. Sa itsura niya, mukhang may lahing hindi ko alam kong ano. Half-breed siguro. Haha! At sobrang sexy at maputi, talagang pang-kama. Kaya hindi na ako nagdalawang-isip na dalhin siya sa condo ko. Wild pa naman ako kapag ganitong mainit ang ulo ko.

Come To Me (Follow Your Heart) *COMPLETE*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon