Calix POV
Narito na kami sa condo ni Jerome. Infairness! Sobrang ganda ng unit niya. Manly na manly siya. Blue at white ang kulay at mayroong second floor. Mukhang kwarto yata ang naroon. Kung sabagay, ikaw ba naman ang CEO ng isa sa pinakamalaking company sa bansa hindi ka ba naman magkakaroon ng ganito.
Naupo lang ako dito sa couch habang sinusundan ko ng tingin si Jerome. Dumiretso siya sa taas. Mag-papalit siguro siya ng damit. Para lang akong hangin sa kanya dahil dinaan-daanan niya lang ako at hindi niya ako iniimik. Halata mo talaga sa kanya na frustrated siya.
Ilang minuto lang ay bumaba na rin si Jerome at tulad nga inaasahan ko, nag palit nga siya ng damit. Naka-suit kasi siya kanina pero ngayon ay naka-jogger pants na siya at itim na sando. Halata mo na naggi-gym rin si Jerome dahil sa firm na mga muscles niya.
Dumiretso siya sa may bandang kusina. Tama ang hinala ko na canned beers at chips nga ang laman ng plastic na dala niya kanina.
Dinala niya yon dito sa may center table. At nagbukas ng isa. "Here." Inabot niya sa akin ang isang canned beer.
Ipinatong niya rin ang ilang beer sa mesa. "It's fine kahit hindi mo ubusin." Aniya saka naupo na sa tabi ko.
"I'm so pissed off." Reklamo niya.
Naaawa rin minsan ako dito kay Jerome. Na-karma kasi siya agad. "Dahil ba doon sa.." Nag-aalangan pa akong ituloy.
"Because of that fucking transgender." Aniya sabay tungga sa beer na hawak niya.
"Ayan kasi, dahil sa hilig mo sa babae hindi mo na namalayan na transgender na pala yong nakukuha mo. Hindi mo man lang ba nahalata?"
"Ikaw nga hindi mo rin nahalata na hindi siya tunay na babae, ako pa kaya. Malay ko ba na retokada pala siya."
Sabagay tama nga naman siya kahit ako nadaya rin dahil sobrang ganda at sexy niya. Ang laki pa ng boobs. Halata mo na babaeng babae talaga.
Gusto kong matawa sa reaksyon ngayon ni Jerome. Nakabusangot kasi ang mukha niya. "Bakit ka ba ganyan ka-playboy? Parang hindi ka mabubuhay kapag wala kang babae."
"There's actually a reason behind that, but I can't tell you right now. But as for women, they are my pastime. Ayon lang naman ang importante para sa akin. Hindi naman siguro masama na gawin ko kung ano ang nagpapasaya sa akin."
"Wala naman akong sinabing iba. Do whatever makes you happy, as long as wala kang sinasaktan at tinatapakang ibang tao."
"Yeah. Lets just go for that. Lahat ng nakikilala kong babae alam nila kung hanggang saan lang sila. They know that I don't do commitments. Alam nila ang rule ko, ang mai-kama sila. Nothing more, nothing less. Bawal ang ma-inlove sa akin at mag-assume."
That's literally a playboy's game. Some are just born that way. Once a playboy, always a playboy, as they say. Hangga't hindi nila nararanasan ang true love there's no way na magtitino sila.
I know deep down that Jerome is still a good man. Babaero at playful nga lang talaga siya. Hindi pa lang siguro niya nararamdaman ang true love. Yung tipong pag tibok talaga ng puso niya sa isang tao. Kaya ang ending ay nagiging fling lang ang lahat ng babaeng dumaan sa kanya.
Pinapanood ko lang siyang uminom. Umiinom rin naman ako pero konti lang. Tumahimik kasi bigla si Jerome. Mukhang malalim ang iniisip niya. Ayoko rin naman na mag-open up sa kanya.
"Can I ask you something?"
Ano naman kaya ang itatanong niya. "Sure."
"Bakit wala akong dating sa iyo?"
Hindi pa rin ba niya nakakalimutan yong sinabi ko sa kanya. Alam niya na ang sagot sa tanong niya ah. "Walang dating sa akin ang mga playboy na tulad mo. You're playing with everyone's feelings, which is nakaka-turn-off. Kahit na bakla ako, nirerespeto ko pa rin ang damdamin ng lahat lalo na ng mga taong karapat-dapat. May kapatid akong babae, gusto kong makilala ng kapatid ko ang isang lalaking mabuti at hindi yung puro laro lang. Maswerte ka dahil anytime, pwede mong makilala ang iyong someone without any questions mula sa iba, pero para sa mga katulad ko na bakla, mahirap makahanap ng seryosong relasyon. Madalas kaming balewalain dahil lang sa pagiging bakla. Pero umaasa pa rin ako na balang araw, makakakilala rin ako ng lalaking magmamahal sa akin sa tunay na paraan. Isa pa rin ako sa mga taong naniniwala sa totoong pag-ibig."
"I respect you, Calix. I know you're different from anyone else, but that idea of true love is a big concept for me. There are still people who believe in true love, but I'm not one of them. If true love exists, why didn't my parents' relationship work out? Why did their love fade away? And if true love really exists, then no one should get hurt and no one should cry because of it."
He makes a valid point. I didn't realize he comes from a broken family. Kaya hindi ko din siya masisisi kung bakit isa ito sa dahilan kung bakit siya ganito. May laman ang sinabi niya. "Wala naman akong sinabi na lahat ng tao ay natatagpuan ang true love nila. Sinuwerte lang siguro yung iba. Hiwalay din naman ang parents ko kaya alam ko ang feeling. It takes time to meet someone worthy of our love. At saka nasa atin rin naman kung makakahanap tayo ng true love eh."
He smirked. "Kahit kailan. Hindi ako maniniwala sa true love na yan. Love? Damn it. Tested ko na yan simula nung naghiwalay ang parents ko. Sa panahon ngayon uso na ang lust."
Iba talaga mag-isip at ang paniniwala ng isang playboy. Pero hindi ko rin naman masisisi si Jerome dahil nasaktan rin siguro siya sa nangyari sa parents niya. "If you say so.."
Uminom ulit ako ng beer. Hindi naman ako malalasing dito. Sa bar nga whiskey pa ang iniinom ko hindi rin naman ako nalalasing.
"Anong pangarap mo?" Biglang tanong niya.
Ang lame naman ng tanong niya. "Simple lang ang pangarap ko. Ang makapagtapos at matulungan si Mama at ang kapatid ko at makapagtrabaho sa magandang kompanya. At isa din ako sa nangangarap na magka-pamilya kahit alam ko na imposible. I'm gay, so meeting someone serious is truly impossible for me, and I can't even bear a child. Sometimes, I've told myself that I wish I were like other gay men who have a rare condition called 'carrier', where they can bear children. But I know I'm not like that, so I think it will just remain a dream."
He laughed. "Seriously? Do they even exist? Do you know someone who has that condition? And do you think, if you had that condition, your dreams would come true?"
Tumango ako. "Oo naman they exist. Wala pa akong nami-meet but I know they exist. I'm always looking at the bright side. At laging positive lang ang iniisip ko kaya confident ako na matutupad ko ang mga pangarap ko one day."
Umiling lang siya saka uminom ng alak. "You're weird you know." Aniya pero hindi ko na lang siya pinansin.
"Ikaw ano bang dream mo?" Tanong ko.
"I don't have a dream because I already have everything I need. So I don't need to ask for more."
Iba talaga ang mindset niya. Sarado ang isip niya sa mga ganitong bagay. "Hindi ka man lang ba nangangarap na one day ay matagpuan mo ang taong mamahalin mo at mamahalin ka?"
"I told you. It's not a big deal for me anymore. I'm happy with the way my life is right now. As long as I have money and women to fling, I don't need that bullshit you call love."
Napailing na lang ako. Wala na akong masabi sa kaniya. Iba kasi ang mindset niya at sarili niya lang pinaniniwalaan niya. Well, we're different.
Tumungga ulit ako hanggang sa maubos ko na ang isang lata ng alak. Si Jerome nakaka-apat na kaagad. Ang bilis niya naman. Hindi lang siya sa babae matakaw pati na rin sa alak.
"Calix.."
Napatingin ako sa kaniya. "Hmm?"
"You are my boyfriend, right?" Tanong niya.
Tumango ako. "Oo pero sa kondisyon lang at hindi seryoso." Mapupungay ang mga mata niyang nakatitig sa akin na para bang may balak na gawin.
"I know this is too forward, but can I kiss you?"
BINABASA MO ANG
Come To Me (Follow Your Heart) *COMPLETE*
RomanceBxB | MPREG Jerome Alexis Tan Calix Jace Rodriguez 🏳️🌈 LGBTQ+ R🔞 Achieved Highest Rank #1 in BoytoBoy Category ❤️