Chapter 16

321 9 0
                                    

Calix POV

Hindi ko alam kung bakit kami narito ni Jerome sa may tulay, expressway kumbaga. Sobrang ganda ng view rito infairness. Kaunti lang ang dumadaan na sasakyan ngayon dahil hindi pa naman rush hour. Ito ba yong sinasabi niya magpapa-alis ng sama ng loob ko. How? Oh 'di kaya baka mag-presinta siya na itulak ko na lang siya para mabawasan na ang fuckboy sa mundo. Siya kasi ang laging sumisira ng araw ko eh. Pero syempre charot lang yon. Haha.

Tumingin ako kay Jerome na kasalukuyang pinagmamasdan ang view rito. "Ano namang gagawin natin dito?"

He smiled. "Dito natin isisigaw lahat ng bigat na dinadala natin. This is my safe place. Dito ako palaging pumupunta during my bad days lalo na kapag malungkot o masama ang loob ko."

So ibig sabihin kapag tinatamad siya pumunta ng bar dito siya dumidiretso. Kaya pala.

"Ahhhhhhhhhhh!"

Literal na nagulat ako sa malakas na sigaw ni Jerome nasa tabi kasi niya ako. Napatingin siya sa akin.

"Wooh! Ang sarap sa feeling. Go on shout. I promise sobrang effective. Hindi mo pagsisisihan." Aniya.

Huminga muna ako ng malalim bago sumigaw. "Ahhhhhhhhhhhhh!!"

Napangiti ako tama nga si Jerome you will feel at ease after mo mai-sigaw lahat ng sama ng loob mo. Gumaan bigla ang pakiramdam ko.

"Are you hungry?"

Tumango ako. Medyo nakaramdam na rin ako ng gutom dahil lunch time na rin naman. "Okay, c'mon." Hinablot niya ang kamay ko pasakay sa kotse.

Nag seat-belt na ako saka pinaharurot na rin ni Jerome ang kotse. Focus lang siya sa pagda-drive. Ilang sandali lang ay nakarating din kami rito sa isang fancy restaurant. Dito ba kami kakain?

Pumasok na kami sa restaurant. Dito kami dinala ng waiter sa bandang corner malapit sa glass.

"Have a seat. Kakain tayo ng marami ngayon. Order anything you want. After ko kasi doon sa safe place ko dito sa restaurant ako dumidiretso. Syempre after ko isigaw lahat ng sama ng loob ko, ginugutom ako after. Kumakain lang ako ng maraming marami. Tiyan mo na lang ang bibigat pagkatapos."

Unti-unti ko ng nakikilala si Jerome. Hindi lang siguro siya aware siya na unti-unti na siyang nag-o-open sa akin."

"Hilig mo pala ang kumain. Hindi halata ah." Ani ko.

Hindi naman kasi talaga halata dahil na rin sa built ng katawan niya. Ang tone kasi ng mga muscles niya.

"Yes, bukod sa babae. Saka hindi mo talaga mahahalata dahil naggi-gym ako lalo na kapag naparami ang kain ko. Alam mo na kailangan pa rin kasi na i-maintain ko ang figure ng katawan ko para na rin sa mga chicks ko."

As usual typical Jerome. Ang hilig magbuhat ng sarili niyang bangko. "I know. Nothing's new. Playboy things."

"Pero gaya nga ng sabi ko sa iyo kanina bago tayo pumunta rito at sa safe place ko na hindi ako ganito ka-playboy noon. Sakto lang. Na-triple lang nung iniwan ako ni Shion saka sumabay pa yung problema ng pamilya namin."

Ayan na. Io-open niya na ulit yong tungkol sa kanila ni Ms. Shion. Although hindi niya nai-kwento ng buo kung bakit. Hindi ko rin expected na iku-kwento niya pati yong sa parents niya.

"If you don't mind me asking, ano ba talaga ang eksaktong rason kung bakit ka iniwan ni Shion?"

"She left me to pursue her dreams. She wants to be a supermodel. Yun talaga ang pangarap niya mula pa noon." Aniya.

Kaya naman pala. Sa totoo lang hindi bagay kay Jerome ang ganitong usapan but he looks miserable habang nagku-kwento siya tungkol kay Shion. Hindi pa rin ba siya nakakamove-on?

Come To Me (Follow Your Heart) *COMPLETE*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon