Calix POV
Halos kakarating lang namin ni Shion dito sa China hindi maayos ang pakiramdam ko pero sumama pa din ako pakiramdam ko nga ay pagod na pagod ako kahit na nakaupo lang naman kami the entire flight. Naka-check-in na nga din pala kami sa hotel. Sa pagkakaalam ko ay isa rin yata sa pagmamay-ari ng pamilya ni Jerome ang hotel na tinutuluyan namin ngayon. Pagkapasok ko sa kwarto na kinuha ni Shion, na-amaze agad ako sa ganda at sosyal ng kwarto na may overlooking view pa. Magkatabi nga lang pala ang kwarto namin.
Naupo muna ako sa kama at pinagmasdan ang luggage ko. Sa totoo lang, first time ko mag out of the country ng dahil na rin sa meeting. Tapos yong mga damit na pinili ni Cross para sa akin ay hindi lang basta damit. Kung hindi mamahaling mga damit talaga na mukhang pinasadya pa nga yata. Feeling ko nga kapag isinuot ko ang mga yon, hindi ako magmumukhang intern or secretary. Baka mapagkamalan pa akong boss. Basta lahat bago from head to toe. Ilang beses na din akong tumanggi pero hindi daw talaga pwede sabi ni Shion dahil bigay daw lahat yon ni Cross at para na din daw yon sa company.
Nahiga ako sandali sa kama. Sa lalim ng iniisip ko hindi ko na namalayan na bigla na lang pumasok sa isip ko ang mukha ng lalaking playboy na yon. Gustuhin ko man na hindi siya maisip kaso wala e kasi parehong puso at isip ko na ang nasusunod. Kahit na may nangyari ulit sa amin, nagkasagutan pa din kami non last time. Wala na nga sigurong pag-asa dahil sa aming dalawa ako lang naman ang nagmamahal. Ginamit niya lang naman ako.
Nakahiga ako dito sa kama ng bigla kong maramdaman ang pag-ikot ng sikmura ko. Napatayo ako at napatakbo sa banyo. Ano bang nangyayari sa akin? Napapadalas na ang pagsusuka ko at palagi din akong gutom, pag kumakain nga ako parang hindi ako nabubusog. Nang maisuka ko na lahat, uminom lang ako ng tubig at naupo ulit sa kama. Napapaisip na naman ako sa nangyayari sa akin.
Bumalik lang ako sa ulirat ng biglang nag ring ang phone ko. Sino naman kaya ang tumatawag sa akin at overseas call pa?
Pagtingin ko sa screen ng phone ko hindi na ako nagulat sa nabasa kong name ng caller. Kaya naman pala kaya niya akong tawagan kahit narito ako sa China.
"What?"
[Don't 'what' me. Where the hell are you?! Why aren't you in the office?!]
Grabe siya kung makasigaw sa kabilang linya. "Bakit mo ba ako sinisigawan? Wala ka ba talagang alam sa mga nangyayari sa office mo. Nasa China ako." Ani ko. Mahinahon pa ang boses ko kahit sinigawan niya ako. Hindi ko siya ituturing na boss ngayon.
[What the hell! China?! Why are you there?! Maybe you've forgotten that you're my personal secretary. You left the company just to go to China without telling me?!]
Hindi niya ba alam na may business tour. Sabagay paano niya nga ba malalaman e hindi naman siya halos pumapasok. "Sir Jerome." Huminga muna ako ng malalim bago ako tuluyang nag salita. "Alam niyo naman po siguro ang business tour? At kasama ko po si Ms. Shion."
[You're with Shion?!]
"Kakasabi ko lang po na si Ms. Shion ang kasama ko. Malabo naman po kasi na ikaw kasi nasa Pilipinas ka." Pamimilosopo ko.
[Damn it!]
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya ng malalim. At saka bakit ba siya nagmumura? Ano na naman ba ang ginawa ko?
"May sasabihin pa po ba kayo dahil kung wala na ibababa ko na po ang tawag."
[Please don't.]
Hay nako. Pasalamat talaga siya at nakakapagtyaga pa ako dahil kung hindi kanina ko pa siya binabaan. Akala niya ba gusto ko siyang makausap.
"Bakit?"
[Text me kung saang hotel kayo naka-check-in.]
"Bakit?"
BINABASA MO ANG
Come To Me (Follow Your Heart) *COMPLETE*
RomanceBxB | MPREG Jerome Alexis Tan Calix Jace Rodriguez 🏳️🌈 LGBTQ+ R🔞 Achieved Highest Rank #1 in BoytoBoy Category ❤️