Chapter 49

272 6 0
                                    

Calix POV

Papunta akong mall ngayon. Kanina kasing madaling araw biglang tumawag sa akin si Shion na gusto niya daw makipagkita sa akin. Gusto niya daw kasi na humingi ng tawad. Pagbibigyan ko na lang siya dahil ayoko din naman na magtanim ng sama ng loob. Para magkaroon na din ako ng peace of mind. Kung si Lord nga nagpapatawad ako pa kaya na maganda lang.

Nakasakay ako ngayon sa taxi papuntang SM dahil doon gustong makipagkita ni Shion.

Tumunog ang phone ko na hawak ko lang at saka ko sinagot ang tawag. "Hello."

[I'm here, Calix.]

Huminga ako ng malalim bago nag-salita. "S-saan ba tayo magkikita?"

[Dito na lang siguro sa Jollibee. Nakaupo ako dito sa labas. Malapit kana ba?]

"Sige. Hintayin mo na lang ako. Nasa taxi na ako."

[Okay. Take care. Bye.]

Binaba ko na ang tawag. Ewan ko pero bigla na lang akong kinabahan. Ang hinahon kasi ng boses ni Shion. Para kasing may something. Nakaalis na din itong taxi na sinasakyan ko. Naalala ko pa kanina nung nagpaalam ako kay Jerome na baka hindi muna ako makasama sa unit niya, ayon para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa. Hindi ko sinabi sa kaniya na makikipagkita ako kay Shion. Ang sinabi ko lang sa kaniya ay pupunta ako ng mall dahil may kailangan akong bilhin. Ayaw pa nga niya akong payagan at nagpupumilit na sasamahan niya ako baka daw kasi kung mapano ako. Nung nakaraan kasi muntik na akong bumagsak sa sobrang hilo ko. Sabi ko, okay naman na ako at mas mabuting bumalik muna siya ng company para kausapin ulit ang Papa niya. Saka mabuti na rin na i-check niya doon, baka kasi mamaya may ginagawa na namang kalokohan ang Papa niya. Tapos wala pa si Shion sa opisina. Hindi naman sa pag-aano, pero dahil sa ginawa nila mahirap na ulit mag tiwala.

Ilang sandali lang ay 'di ko agad namalayan na nasa mall na pala ako. Ang lalim din kasi ng iniisip ko. Buti na lang mabilis ang byahe at walang traffic. Kaya mabilis lang akong nakarating.

Tumigil na ang taxi dito mismo sa harap ng mall. Inabot ko lang bayad kay kuyang driver saka bumaba na at naglakad papasok ng mall at dumiretso sa Jollibee.

Malayo pa lang ay natanaw ko na agad si Shion na nakaupo sa isa sa mesa doon. Hindi man lang siya um-order muna.

"S-Shion.." Tawag ko.

"Hey. You're here." Parang may kakaiba sa awra niya. Ewan ko, para kasi siyang umiyak. Namumula kasi ang mata niya. "Have a seat."

Naupo ako sa harap niya. "A-Ayos ka lang ba, Shion? Umiyak ka ba?" Tanong ko. Nag-aalala kasi ako. Kahit papaano kasi naging kaibigan ko din naman siya.

Nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya. Sumeryoso siya at nagpipigil ng iyak.

"Kung may problema ka pwede mong sabihin sa akin." Ani ko.

She smirked. "You really want to know what my problem is? You faggot!"

My eyes widened at the slur she used against me. "What did you say? What's happening to you, Shion?"

Kumuyom bigla ang mga kamay niya. "Ikaw ang problema ko! Nang dahil sa iyo nasira lahat ng plano ko. Kung nakisama ka lang sana ng maayos hindi sana aabot sa ganito. Hindi sana malalaman ni Jerome ang plano namin! Nang dahil sa iyo hindi na ako makakabalik ng China. Hindi ko na makikita ang pamilya ko. Wala na ang Mama ko, Calix! Kung sana pumayag kana lang na sumama kay Cross hindi sana magkakaganito! Ayos na sana e, maibabalik na sana namin sa ayos ang company ni Rogelio at mapapasakin na sana ang kompanya niya at kayamanan nila kaso ng dahil sa iyo napurnada lahat! Nalaman ni Jerome!"

Hindi ko inaasahan ang sinabi niya. Nagulat ako dahil sinisigawan niya ako. Nagtitinginan na sa amin ang mga taong dumadaan.

"B-Bakit ako ang sinisisi mo, Shion? Wala naman akong ginagawa. Pinakisamahan ko naman kayo ng maayos. Huwag mo sana isisi sa akin ang lahat dahil in the first place kayo ang gumawa ng kasalanan hindi lang sa akin pati na rin kay Jerome. You betrayed him. Tapos nandamay pa kayo ng walang kamuwang-muwang na bata. Handa kayong pumatay para lang sa pera. Ganyan kana ba ka-desperada, Shion? And lastly, huwag mong isisi sa akin ang pagkamatay ng Mama mo. Its your fault. Masyado ka kasing nasilaw sa pera."

Come To Me (Follow Your Heart) *COMPLETE*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon