Calix POV
Narito na ako sa table ko. Maaga akong pumasok. Hindi rin kasi ako nakatulog ng maayos kagabi. Kasalanan talaga ni Jerome 'to eh.
Bakit ko ba kasi iniisip yong first love niya na parang iniiyakan niya kagabi? Ano ba kasi ang pakialam ko doon? Hindi ko pa rin ma-imagine na ang isang playboy na tulad niya ay na-inlove na noon.
"Daydreaming? Nice."
Nagulat ako sa nagsalita. Narito na pala siya. Hindi ko siya napansin ang lalim kasi ng iniisip ko. "Good morning, Sir."
He smirked. "Bakit hinayaan mo lang ako kagabi?"
Anong hinayaan? Kusa mo nga akong pinauwi. "Lasing kana po at alam ko naman po na kaya mo naman na ang sarili mo. Malaki kana." Kaya mo na nga gumawa ng bata eh. Char!
"You're too formal. Hindi bagay."
Hindi pa ba siya sanay. "Bakit, Sir? You're still my boss." Ani ko.
Alam naman niya sa sarili niya na hindi ko siya ginagalang kapag nasa labas kami. Nagtaka pa siya.
"Whatever. Do I have any appointments today?"
Kaagad kong chineck ang schedule niya na nakalagay sa folder kung saan nakasulat ang mga schedules niya.
"You have a meeting at 1:30pm with Mr. Halili, then another at 3pm with Mr. Cruz."
"Cruz?"
"Mr. Calvin Cruz, owner of one of the biggest law firms in the Philippines."
Natawa siya bigla. Ano kayang meron? Sinasapian na yata ng masamang espirito itong boss ko. Tumatawa mag-isa eh.
"Okay. Remind me kapag 3pm na."
Nagtaka ako. "What about your 1:30pm schedule?"
"Cancel it or re-schedule it sa ibang araw."
Ganon na lang yon basta na lang siyang magka-cancel kapag ayaw niya. Pero doon sa ka-meeting niya ng 3pm hindi na matanggihan. Napakaswerte naman ng taong yon.
Pero parang narinig ko na yata yong pangalan na yon. Hindi kaya isa yon sa mga barkada niya. Hindi ko na matandaan. Hindi ko rin naman kasi kinikilala ang mga kaibigan niya. Para saan 'di ba? For sure magkakagulo na naman ang mga babaeng empleyado dito mamaya. Dumaan nga lang si Jerome sa harap nila para na silang bulateng inaasinan eh.
Kayo na feeling gwapo.
----
Jerome POV
Bigla umurong ang dila ko kanina nung kaharap ko na si Calix. May hiya pa rin pala akong tinatago sa katawan ko.
Tatanungin ko sana si Calix kung may nabanggit ba akong pangalan ng babae sa kaniya kagabi. Shit. Kaya ayokong nalalasing at parang natatandaan ko pa na nabanggit ko yata si Shion. Mahirap na. Baka mai-tsismis pa ni Calix sa iba. Masira pa ang reputasyon ko bilang playboy. Madaldal pa naman ang isang yon.
Pinakatago-tago kong sikreto yon. Oo, nagmahal na ako at first love ko si Shion. Una ko pa lang siyang nakita sa DWU pa lang, nagkaroon na agad ako ng crush sa kaniya. Kumbaga na-love at first sight ako.
Hanggang sa binibiro-biro ko na siya. Nanonood rin kasi siya ng basketball practice namin noon. Hindi ko inaasahan na aabot ako sa punto na sobrang mai-inlove ako sa kaniya. Kaya nga dinadaan ko na lang lahat sa biro.
Nasa China siya ngayon at kasalukuyan siyang model doon. Hindi ko nga alam bat doon niya napiling pumunta para maging modelo. Ang daming nag ooffer sa kaniya pero sa China ang pinili niya. Anyway,
hindi ko din alam kung may balak pa ba siyang bumalik. At kung may pag-asa pa ba ako kung sakali man kaya pinilit ko na rin siyang kalimutan. Pero minamalas ako dahil hindi ganon kadaling kalimutan ang nararamdaman ko para sa kaniya. Kaya nga kung playboy na ako noon, triple ngayon. Pansin niyo na iba't-ibang babae ako araw-araw.
BINABASA MO ANG
Come To Me (Follow Your Heart) *COMPLETE*
Roman d'amourBxB | MPREG Jerome Alexis Tan Calix Jace Rodriguez 🏳️🌈 LGBTQ+ R🔞 Achieved Highest Rank #1 in BoytoBoy Category ❤️