Chapter 46

225 6 0
                                    

Calix POV

TULALA pa din ako. Hindi ko akalain na gagawin namin ulit ni Jerome ang bagay na yon. Kanina pa talaga ako gising hindi lang ako bumabangon. Inaalala ko pa kasi yung nangyari kagabi. Nakaramdam ako ng hiya. Hindi ko tuloy alam paano ko haharapin si Jerome.

Hindi ako lasing kagabi kasi bawal akong uminom. Dala siguro ito ng hormones ko dahil nga buntis ako. Init ng katawan kung tatawagin pero nasa tamang katinuan pa ako at alam ko pa ang ginagawa ko. Yung nangyari sa amin kagabi, parehas namin yong ginusto. Walang pumilit kusa lang talaga na nangyari. Mahal na mahal ko si Jerome dahil tulad ng sinasabi ko noon, una pa lang na may mangyari sa amin ni Jerome, handa na ako. Dahil pinanghahawakan ko ang sinabi ni Jerome na kapag naayos niya na lahat ng problema sa kompanya niya, papakasalan niya na ako. After graduation siguro, parehas kaming haharap kay Mama at sa kapatid ko. Pangarap ko na noon pa ang mai-kasal kahit alam kong imposible yon para sa mga katulad kong bakla pero hindi ko aakalain na magagawa ko yon kay Jerome, sa taong hindi ko talaga inaasahan na dumating na lang bigla sa buhay ko. At handa na nga talaga ako sa bagay na yon basta kay Jerome. Sa kaniya lang at wala ng iba. I fully trust him. Malandi si Jerome oo pero hindi siya manloloko. Magkaiba yon.

Unang nakatulog si Jerome kagabi. Sa sobrang pagod na din kasi siguro. After non, nakatulog na din naman agad ako. Pero ngayon, nauna akong nagising sa kaniya. Sa totoo lang nanakit talaga yung balakang ko saka yung pwetan ko kahit nakahiga lang naman ako kagabi habang ginagawa namin yon. Siya kasi halos ang gumagalaw kagabi. Haha. Wala man lang akong inambag. Yung pakiramdam ko kagabi para ulit akong na-virginan kahit pangalawang beses na namin. Ang sakit kasi talaga. Yung tipong para kang matatae kapag di ka sanay. Feeling ko napunit yung lagusan ko kagabi.

Hubad pa din kami pareho ni Jerome. Hindi ako halos makagalaw dahil sa higpit ng yakap niya sa akin. Kagabi kasi nasa ibabaw ako ni Jerome nang makatulog siya pero bago ako matulog umalis ako sa ibabaw niya at humiga sa tabi niya. Tapos kanina pag gising ko kinikilig ako dahil mukha ng napakagwapong si Jerome agad ang nabungaran ko.

Masaya talaga ako hindi dahil sa may nangyari sa amin. Kundi dahil mas lalo ko pang nararamdaman kung gaano namin kamahal ni Jerome ang isa't-isa. Ramdam ko yon kagabi.

"Hmm. Babe.."

Nagulat ako ng biglang gumalaw si Jerome at niyakap ako. Hubad kaming pareho. Kumot lang ang tanging takip namin. Nanlamig tuloy bigla ang katawan ko ng maramdaman ko ang palad ni Jerome sa baywang ko. Ang lamig din kasi dito sa kwarto niya. Para kaming nasa north pole sa sobrang lakas ng aircon niya.

Magkaharap kami at nagpanggap akong nakapikit. Naramdaman ko na lang na biglang lumapat ang labi ni Jerome sa noo ko, sa ilong, sa pisngi at pang huli ay sa labi ko. Hindi muna ako nagpahalata na gising ako.

"I love you." He whispered to my ear then kissed me on my lips.

"Babe. Wake up na. It's almost time for work." Aniya habang niyuyugyog ako. Nakabangon na pala siya.

Dahan-dahan kong minulat ang mata ko para kunwari bagong gising ako. Nakaupo na pala siya sa kama ng nakaharap sa akin. "Good morning." Bati niya pagmulat ko.

Ngumiti ako at nag-inat-inat pa. "Good morning."

"Are you feeling okay? Does it still hurt?"

Tumango ako. "Yes. I still feel sore down there. Masakit yung lagusan ko. Nanibago siguro ako ang tagal na din kasi nung huli natin bago naulit."

"I'm sorry. Let's just put some cream on your hole para di mamaga. I thought we can still do it right now before going to work."

"Tch. Manyak! Tumayo kana nga diyan dahil papasok pa tayo sa company."

Come To Me (Follow Your Heart) *COMPLETE*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon