Chapter 4

393 8 0
                                    

Calix POV

Nakakapagod ang araw na ito. First day ko pa lang pero agad na tambak ako ng paper works. Nakaka-pressure pala dito sa kumpanyang ito. Hindi biro ang maging secretary dito. Sa ibang kumpanya, may takdang oras lang ng trabaho at puwedeng mag-overtime. Hindi naman ako nagrereklamo. Siguro lang, na-overwhelm ako.

Oras na ng uwian. Ayos na ang mga gamit ko sa mesa nang biglang lumabas si Sir Jerome mula sa kanyang opisina. He looks exhausted.

Lumapit siya sa akin. "Are there any meetings scheduled for tomorrow?"

Ako agad ay tumingin sa listahan ng kanyang schedule para bukas. "You have a meeting scheduled with Mr. Villegas."

Alam kong playboy at mahilig maglaro si Jerome dahil halata naman, pero hindi ko maiwasang matakot kapag kaharap ko na siya. Siya pa rin ang boss ko. Pero medyo awkward dahil sa nangyari noong unang pagkikita namin. Ayaw ko na lang maalala.

Natawa lang siya. Parang abnormal na si Jerome, tumatawa kasi mag-isa.  "Cancel it." Aniya saka umalis na.

Cancel daw? Bakit kaya? Hindi ba importante ang meeting niya kay Mr. Villegas para ipa-cancel niya? Sabagay, siya pa rin naman ang masusunod kaya wala akong choice kundi i-cancel.

Inalis ko na lang sa schedule niya ang meeting para bukas. Malamang tuwang-tuwa siya na wala na siyang meeting bukas dahil makakapang-babae na naman siya at magkakalat na naman ng lagim sa bar. Hindi niya ginagamit ng tama ang kanyang itsura.

Binilisan ko ang pag-ayos ng mga gamit ko para makauwi na dahil sobrang pagod na ako ngayong araw. Pagkatapos ay agad akong tumayo. Tinignan ko ang buong mesa ko baka may naiwan akong bagay. Okay na, naayos naman lahat.

Isinukbit ko na ang backpack ko at naghandang umalis. Salamat naman at nakayanan ko ang first day ko kahit nakakapagod.

Pagbaba ko ng building, nag-abang agad ako ng masasakyan. Karamihan ng mga empleyado dito ay naghihintay ng taxi. Ayaw ko naman ng taxi dahil magastos at nag-taxi na rin ako kanina. Kailangan ko magtipid kahit papaano.

Isang oras na pero wala pa rin akong masakyan na jeep o kahit van. Punuan kasi dahil Lunes. Yung mga taxi naman na dumadaan ay may mga pasahero na. Magtitipid na lang muna dahil malayo pa ang sweldo.

Naramdaman ko ang mahinang pag-ulan kaya nagmadali akong pumunta sa waiting shed sa gilid ng kumpanya. Nakalimutan ko magdala ng payong dahil kanina, tirik na tirik ang araw. Sana huwag umulan ng malakas dahil lalong mahihirapan akong umuwi.

Matagal akong naghihintay at biglang huminto ang kotse sa harap ko, dito mismo sa waiting shed kung saan ako naghihintay. Bumaba ang bintana ng sasakyan.

Akala ko kung sino, pero siya lang naman pala.
"Get in the car." Aniya.

Tinuro ko ang sarili ko. "Ako ba ang tinutukoy mo?"

"May nakikita ka ba na hindi ko nakikita. Malamang ikaw dahil ikaw lang naman ang nariyan. Be fast!"

Bigla akong nagulat sa sigaw niya kaya napasakay na lang ako sa kotse niya. Nabasa pa ako ng kaunti. Pinalibot ko ang tingin ko sa kotse niya. Iba ito sa kotse na gamit niya noong huling pagkikita namin. Basta alam niyo na 'yon. Nag-seat belt na ako.

"Next time, make sure to bring an umbrella and learn to ride a taxi."

"Nakalimutan ko magdala ng payong kasi nagmamadali ako kanina at sobrang init pa. Saka mahal mag-taxi. Hindi ako mayaman para mag-taxi araw-araw."

He smirked. "Hindi ibig sabihin na kapag nag-ta-taxi ka ay mayaman ka na. Minsan, ang taxi ginagamit rin sa mga emergency, lalo na kapag umuulan o kailangan kang magmadali."

Come To Me (Follow Your Heart) *COMPLETE*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon