Jerome POV
"Fuck!"
Hindi ko in-expext ang phone call na natanggap ko. I have waited for almost 2 years tapos bigla niya lang ulit akong tatawagan na parang wala lang nangyari.
[Hi, it's me. I miss you. I'm here. Can you pick me up tomorrow?]
Kumunot ang noo ko. Kung makasabi siya sa akin na sunduin ko siya parang hindi niya ako iniwan noon ah. "I don't care if you're here. And why do I have to pick you up?"
[Because I know you miss me and longing for me, and besides, I don't have any relatives there, remember? You're the only person I know there. Please, Jerome?]
She's so delusional. Sa mga binabitawan niyang salita parang ibang tao na ang kausap ko. May choice pa ba ako. "Fine. What time will you be at the airport?"
[I will be at the airport at 9am.]
"Okay." Sabi ko lang saka ibinaba na ang tawag. Nawala ako sa mood bigla.
Narito pa kami ni Calix sa party ni Luke. Aalis na rin kami maya-maya. Kung natatandaan niyo yong babaeng tinitingnan ko sa phone ko na sabi kong first love ko, siya nga ang tumawag sa akin. Nagpapasundo sa akin sa airport.
Aaminin ko na I'm still longing for her but after our conversation sa phone hindi ko na alam. Parang ibang tao na ang kausap ko. Malayong-malayo na sa babaeng kinabaliwan ko noon. Ano naman kayang nakain niya at naisipan niyang umuwi? Himala yata. Matapos niya akong iwan at hindi pagpaparamdam ng ilang taon and then all of a sudden bigla niya na lang akong tatawagan at nag papasundo pa sa akin.
"Problem?" Tanong ni Kurt.
"Nothing, but she's here. Shion is here."
Nanlaki ang mata niya. "Hindi nga pre, seryoso?"
"Mukha ba akong nag bibiro? Nag papasundo nga sa akin bukas."
"After all these years, she suddenly decides to come back and make her presence known? For what? Sometimes I just don't get your ex. Hindi mo alam ang takbo ng utak."
Isinikreto ko ng matagal ito sa mga kaibigan ko pero kalaunan nalaman din nila panay daw kasi ang post sa Facebook na kesyo namimiss niya daw ako.
Pinakilala ko siya sa buong Lions nung naging girlfriend ko siya pero kami lang talaga ni Kurt ang close niya. Alam rin nila kung paano ako naging miserable noong iniwan ako ni Shion.Sila ang saksi noong mga panahon na naging triple ang pagiging playboy ko nang dahil sa kaniya. Simula nung umalis siya, madalas ako palagi sa bar kasama ang iba't ibang babae.
"Hindi ko rin alam sa babaeng yon kung anong trip niya. Aalamin ko na lang bukas. Hindi ako magtatagal brad. Pasensya na. Maaga ko pang susunduin si Shion bukas."
"Sige lang brad. Balitaan mo na lang kami. Magpaalam na lang kayo kay Luke bago kayo umalis."
Sumenyas lang ako sabay hinila ko na si Calix sa mesa para kumain muna. Hindi na kami magtatagal sa party na ito.
----
Calix POV
"Anong gusto mong kainin? Ikukuha na kita."
Aba. Anong nakain nitong si Jerome? Ang sweet niya naman yata. Pinagsisilbihan niya kasi ako.
"Anything."
"Okay hon. Wait for me here."
Gusto kong masuka sa pag tawag sa akin ni Jerome ng hon. Feel na feel niya pa talaga. Kina-career niya masyado ang pagiging fake boyfriend ko.
Napaisip naman ako sa narinig kong conversation nila ni Kurt kanina. Nasa tabi lang rin kasi niya ako. Tama nga ako may naging girlfriend na nga si Jerome dati at yon nga ang tumawag sa kanya kanina at nag papasundo sa kanya sa airport bukas.
BINABASA MO ANG
Come To Me (Follow Your Heart) *COMPLETE*
RomanceBxB | MPREG Jerome Alexis Tan Calix Jace Rodriguez 🏳️🌈 LGBTQ+ R🔞 Achieved Highest Rank #1 in BoytoBoy Category ❤️