Calix POV
On the way na kami papunta sa condo ni Jerome. Focus lang siya sa pagda-drive. Pero hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Iniisip ko kasi na baka maulit na naman yung nangyari sa amin. Hindi naman sa ayaw ko, kahit kasi may nangyari na sa amin at nabuntis na nga niya ako e kinakabahan pa din ako. Hindi ko kasi akalain na darating kami sa puntong ibibigay namin ang mga sarili namin sa isa't-isa knowing na sa babae ginagawa ni Jerome ang bagay na yon dati. Pero ngayon iba na, parehas naming first time. Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig.
"Are you nervous?" Tanong ni Jerome.
"Of course not." Pagsisinungaling ko.
Itinigil niya ang kotse niya sa gilid. He sighed before speaking. "Don't be nervous. We won't do anything today. I just want to spend this day with you. I'm too tired for that, babe. So don't worry. You know a lot has happened today. And I'm also not in the mood."
Napatingin ako sa kaniya. Iba ang awra niya ngayon. Halata mong pagod nga siya at wala sa mood. May naisip ako, baka sakali na ma-enlighten ko ang mood niya kahit papaano.
"Jerome.."
"Hmm?" Aniya.
Huminga muna ako ng malalim. This is it. "Pwede ba tayo magpacheck-up ngayon? Gusto ko kasi na makita ang baby natin."
Nginitian niya ako. "Of course. Sa dami ng nangyari at problema nakalimutan na natin ang magpacheck-up. Wait let me just call Calvin." Aniya saka nag-dial ng number ni Calvin.
[Pre. Ano? Kakakita lang natin kanina namiss mo na ba ako kaagad. Haha.]
"Ugok! I just want to know if Sean is available today. Calix and I will drop by his clinic for a check-up."
[Yes, he's available. I just dropped him off. Just go straight there, and I'll inform him.]
"Sure. Salamat, pre. Bye." Paalam niya saka in-end na ang tawag.
Tumingin siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Let's go there."
Nagsimula na ulit siyang mag-drive. This is it. Halos magdadalawang buwan na pero ngayon pa lang kami makakapagpacheck-up. Sobrang busy kasi namin at ang dami pang nangyari kaya nawalan din kami ng oras.
Ilang sandali lang ay nakarating din kami kaagad dito sa Cruz Medical Hospital sa pagkakaalam ko isa din ito sa pagmamay-ari ng pamilya ni Calvin. Ipinark lang ni Jerome ang kotse niya dito sa may reserved parking saka bumaba na kami at naglakad papunta sa front desk. Napatingin lang ako sa kamay namin ni Jerome na magkahawak. Napangiti ako. Ang sarap lang sa feeling na maayos na ulit kami.
"Hi. We have an appointment with Dr. Sean Garcia," Jerome said to the nurse at the front desk.
The nurse tapped something on her computer before looking at Jerome. "Ah, yes, sir. This way."
Sinundan lang namin ni Jerome yung nurse na dinala kami dito sa glass door na nasa may bandang dulo. Ito na yata ang clinic niya. Hindi mo kita ang nasa loob bale parehas ito nung pintuan sa opisina ni Jerome. Yung tao lang sa labas ang makikita mo pero yung tao sa loob hindi. Kumatok muna kami bago pumasok.
"Sean."
Agad napatingin sa amin si Dr. Sean. "Come in. Have a seat." Naupo naman kami agad sa upuan na nasa harap niya lang.
Napatingin siya sa akin. "How's your pregnancy, Calix?" Tanong ni Dr. Sean.
"M-maayos naman pero this past few days madalas akong antukin at nahihilo. Nagigising din ako sa madaling araw kasi bumabaliktad yung sikmura ko."
"Yes, it's normal in your first trimester." Pansin ko na may kinuha siya sa drawer niya at saka inabot sa akin. "Here. Use this pregnancy test and follow the instructions. After that, we'll do an ultrasound to determine how many weeks or months along you are."
BINABASA MO ANG
Come To Me (Follow Your Heart) *COMPLETE*
RomansaBxB | MPREG Jerome Alexis Tan Calix Jace Rodriguez 🏳️🌈 LGBTQ+ R🔞 Achieved Highest Rank #1 in BoytoBoy Category ❤️