Calix POV
Why the hell did he kiss me?!
"Hmmm--Get off me!"
Nagawa ko din na itulak si Jerome and I slapped him. I will not deny na magaling siyang humalik pero hindi ito tama. Ano bang problema niya?
He looked at me seriously. Ang dilim ng awra niya. Hindi yong usual na siya. "I will court you.."
Ayon ba yong pinuputok ng butsi niya. I'm getting pissed sa totoo lang. I smirked. "Para sa totoong babae lang ang ligaw hindi sa mga katulad ko. At isa pa, ayoko ng iniiwan ako ng basta-basta ng dahil lang sa mga malalanding babae. At lalong ayoko sa playboy!" Sigaw ko para maintindihan niya.
"I'm sorry. I just.."
Wala siyang mai-sagot sa akin ngayon. Dahil ba tama ako? Totoo naman ah. Guilty siya hindi ba.
"Babalik na ako sa trabaho ko." Ani ko saka tumalikod na.
Kung gusto niya talaga na makuha ang loob ko. Ayusin niya muna ang sarili niya. At kung talagang seryoso siya, mag-effort siya. Subukan niyang baguhin ang sarili niya. Hindi yong makikipaglandian siya sa harap ko tuwing nasa bar kami. Hindi lahat ng gusto niya makukuha niya ng basta-basta.
Pero bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Bakit ba ako apektado sa sinabi niya? Wala akong gusto sa kaniya. Si Cross ang gusto ko, he's my ideal guy not Jerome. Ayoko sa walang pangarap sa buhay. Hindi na ako mag-tataka kung isang araw magka-AIDS na lang siya sa dami ng babaeng nai-kama niya.
Pagkarating ko dito sa floor kung nasaan ang mesa ko ay saktong labas naman ni Ms. Shion ng office.
"Sabi ng isang secretary, bumaba ka daw. Bakit ang tagal mo?"
"Sorry, sis. Nag-CR na rin kasi ako after tumawag ng Mama ko." Pagsisinungaling ko.
Alangan naman na sabihin ko na bumaba ako dahil tinawagan ako ng ex niya at hinalikan ako. No way.
Tumango lang siya. "Next time, magpa-alam ka sa akin directly thru our intercom sis para alam ko."
"Yes. Sorry again."
"No worries. Back to work. Pupunta na ako sa conference room para sa meeting with the new investor. Kapag dumating ang next client, tell them to wait. Okay?"
Tumango ako. "Will do."
Naglakad na papuntang conference si Ms. Shion na katabi lang nitong private office. Sa totoo lang, ina-admire ko talaga si Shion bukod sa ang ganda niya na friend niya pa ang future hubby ko kaya magkaka-sundo talaga kami. Charot!
Mabuti pa na ituon ko na lang ang sarili ko sa trabaho. May mapapala pa ako.
----
Jerome POV
I feel down. Sobrang badtrip ako ngayong araw. Dito ako dumiretso sa bar ni Kurt. Ganon ba talaga ka-ayaw sa akin ni Calix? Gwapo naman ako ah. Hot at mayaman. Ano pa bang hahanapin niya sa isang katulad ko?
"Problem?" Tanong ni Kurt saka naglapag ng isang bote ng alak na lagi kong iniinom dito.
"Nothing."
"Huwag ako, brad. Kilala kita. I remember that facial expression from years ago."
My friend knows me too well. Alam niya o nila kapag nasasaktan ako. "Calix.."
"Why? What happened?"
"I don't understand this feeling. I've never felt this way about anyone before. I still like women, don't I? So why does my heart insist that I really like him?"
BINABASA MO ANG
Come To Me (Follow Your Heart) *COMPLETE*
Любовные романыBxB | MPREG Jerome Alexis Tan Calix Jace Rodriguez 🏳️🌈 LGBTQ+ R🔞 Achieved Highest Rank #1 in BoytoBoy Category ❤️