Calix POV
Dahil inumaga lang naman ako ng uwi kagabi sobrang antok na antok ako ngayon. Apat na oras lang yata ang tulog ko. Nagsuka na naman nga pala ako kagabi. Napapadalas na ang pagsuka ko. Mukhang may sakit na yata ako. Tapos biglang tumawag pala sa akin si Hans kanina tinanong niya kung may nasabi ba daw siyang weird kagabi sinabi ko na lang na wala kahit meron para hindi na humaba pa ang usapan, niyaya niya nga pala ulit ako para naman mag coffee at syempre pumayag ako. Why not? Kaibigan ko pa rin naman si Hans kahit nag confess siya sa akin.
"Can you make me a coffee?" Ani ni Jerome sa intercom.
Inilapag ko muna ang mga papeles sa table ko saka tumayo na at pumasok sa private office niya. Napansin ko rin na tatlong araw ng hindi pumapasok si Shion. Sa pagkaka-alala ko, nag text siya sa akin nung nakaraan na may business trip yata siya sa China.
Dumiretso ako kung saan naroon ang coffee maker sa mini kitchen ng opisina ni Jerome. Napapadalas yata ang pagkakape niya at napansin ko rin na busy siya sa pagta-type sa monitor niya. Nag iba yata ang ihip ng hangin.
Inilagay ko na ang tasa ng kape sa platito saka dinala yon sa table ni Jerome. Nasusuka talaga ako sa amoy ng kape niya. "Here's your coffee, sir." Ani ko.
Tumango lang siya. Ang siraulong ito hindi man lang tinapunan ng tingin ang ginawa kong kape.
Tumalikod na ako saka naglakad papunta sa may pinto. Hawak ko na ang doorknob nang biglang magsalita si Jerome.
"I miss you.."
Kumunot bigla ang noo ko. Anong pinagsasabi niya na 'I miss you'? Ano namimiss niya ako? Siraulo ba siya. Baka nakakalimutan niya kung anong ginawa niya sa akin. Ang laki ng kasalanan niya sa akin dahil sa panloloko at panggagamit na ginawa niya. Pasalamat nga siya at ginagalang ko pa siya dito sa kompanya dahil boss ko pa din siya saka konting tiis na lang naman matatapos na rin ang internship ko at makakaalis na rin ako dito.
"I hope that you miss me too.."
In your dreams. Hindi kita namimiss ano. Nanatili pa din akong nakatalikod para marinig ang mga sinasabi niya.
"I love you.."
Ano daw? Ang kapal ng mukha niya para sabihin ang word na 'I love you'. Wala sa bokabolaryo niya ang mag seryoso kaya wala siyang karapatan para sabihin ang salitang 'mahal kita'.
"I will marry you soon.."
Nanlaki bigla ang mata ko sa narinig ko. He's going to marry me? Why? Niloko at ginamit niya lang naman ako at agad pinagsawaan. Tapos sasabihin niya ngayon na papakasalan niya ako. Naka-drugs ba itong si Jerome? Saka hindi legal ang same sex marriage dito sa Pilipinas. Nasaan na naman ba ang utak niya?
Lumingon ako at nag-ipon ng lakas ng loob para sana magsalita. Naputol ang sasabihin ko ng bigla siyang magsalita.
"An--"
Tumingin siya sa akin. "Why are you still here, Mr. Rodriguez?"
So hindi niya pala alam na narito pa ako? "Ano yong sinasabi mo na 'I miss you, I love you and I will marry you soon'".
Bigla siyang natawa. May nakakatawa ba sa sinabi ko?
"Ah yon ba? I'm just writing a poem. I'm reading it aloud as I type. What are you thinking about?"
Ramdam ko ang kahihiyan sa buong katawan ko. Lupa pwede ba na kainin mo na ko ngayon. React pa ako ng react tapos hindi naman niya pala ako kinakausap. Gumagawa lang pala siya ng tula. Nakakahiya!
"Lalabas na ako." Ani ko saka mabilis na binuksan ang pinto at lumabas. Narinig ko pa ang tawa ni Jerome bago ako lumabas. Kainis!
Buti na lang din pala at naputol niya ang agad ang sasabihin ko at hindi ako nakapagsalita dahil kung hindi mas nakakahiya. Iba talaga kapag mahal mo ang isang tao, kahit anong ipakita niya kahit sabihin niya lang magiging apektado kana.
BINABASA MO ANG
Come To Me (Follow Your Heart) *COMPLETE*
RomanceBxB | MPREG Jerome Alexis Tan Calix Jace Rodriguez 🏳️🌈 LGBTQ+ R🔞 Achieved Highest Rank #1 in BoytoBoy Category ❤️