Chapter 42

212 5 0
                                    

Calix POV

Narito kami sa isang Japanese restaurant. Sa pang-apatang lamesa kami nakaupo. Magkabi kami ni Shion kaharap niya si Jerome ako naman si Cross.

Nagyaya kasi na mag lunch si Shion. Treat daw nila ni Cross sa akin dahil successful yong business tour namin sa China at sakto naman din na lumabas ng office niya si Jerome. At alam niyo ba ang nangyari? As usual nakakunot na naman ang noo niya kanina sa sobrang inis kaya hindi niya yon pinalampas. Binola-bola pa niya si Shion para lang makasama sa lunch namin.

Nakakatuwa lang na ang cute magselos ni Jerome. Nakakunot kasi ang noo niya habang naka-pout. Ang gaan lang din sa pakiramdam na okay na kami. Wala ng inis o hatred akong nararamdaman dahil alam ko na ang totoo. Saka matagal ko na din naman napatawad si Jerome hindi ko lang pinapahalata. Syempre need din natin magpakipot paminsan-minsan. Babae ka gurl? Haha.

"Calix, try this one." Ani ni Cross saka ako nilagyan ng sushi sa plato ko.

Napatingin ako bigla kay Jerome na busy sa kinakain niya pero yong mata niya halatang hindi mapakali. Alam ko din na nakikiramdam lang siya. Si Shion naman tahimik lang din na nagmamasid sa amin.

"Try this wine also." Nilagyan niya rin ako ng wine sa wine glass ko.

Hindi ako pwedeng uminom ng wine kaya nagulat ako ng biglang agawin ni Jerome yong wine glass sa kamay ko saka ininom niya.

"It's still working hours, and you're not allowed to drink wine. Have this juice instead," Jerome interjected, handing me the juice and glaring at Cross.

"What the fuck are you doing?! You know it's still work hours, and he can't drink wine. You're a doctor for crying out loud. I thought you were smart, but this time you didn't use your brain," Jerome snapped irritably at Cross.

"Just eat okay and mind your own business." Sagot naman ni Cross.

Nakakunot na bumalik sa pagkain niya si Jerome. Kumain na din ako. Sa wakas at nanahimik na din sila pareho.

Habang kumakain ako ng dessert, napansin ko na nag-uusap na silang tatlo about sa business habang umiinom ng wine. Allowed sila na uminom kahit pa working hours yan. Sila kasi ang boss. Napaisip din ako bigla, hanggang ngayon ba ay hindi pa din na-so-solve ni Jerome ang problema sa Tan Enterprises? Although may napapansin akong kaunting lapses sa ibang department pero controllable naman. Nakikita ko din kay Jerome na his doing everything he can para mai-salba ang kompanyang pinaghirapan niya. Malaki na ang pinagbago niya sa totoo lang.

"Sunshine, can I bring you home later? I'll just drop Shion off at her condo, and then we can head straight to your place after. I also want to have dinner at your restaurant." Ani ni Cross.

Nanlaki bigla ang mga mata ko. Bakit naisipan niya na kumain sa restaurant namin? Out of the way ang lugar namin sa tinutuluyan niya. At sa harap pa talaga ni Jerome? Eh seloso pa naman yan.

"Mr. Rodriguez, you'll be working overtime later. I need an extra hand for the big project I'm finishing up at the company." Ani naman ni Jerome.

See may sabat kaagad siya. Saka anong malaking project ang pinagsasabi niya. Nag-iimbento na naman siya for sure.

""He doesn't need to work overtime, Jerome. He already has a replacement. I've hired someone from the Admin Department." Sabat naman ni Shion.

"You hired someone without even consulting me first? Maybe you've forgotten that you just squeezed yourself into my company, and I'm still the CEO. Wala kang ambag sa kompanya ko. Ako pa din ang boss ni Calix kaya ako ang susundin niya. Hindi ako magpapasalamat sa iyo dahil simula ng dumating ka puro problema lang ang dinala mo sa kompanya ko kaya wala kang karapatan para mangialam kung paano ko pinapatakbo ang kompanya ko at lalong wala ka rin karapatan mangialam sa kung ano man ang i-u-utos ko sa mga empleyado ko."

Come To Me (Follow Your Heart) *COMPLETE*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon