Calix POV
Narito na ako sa opisina. Maaga pa rin akong pumasok kahit na puyat na puyat ako kagabi dahil tinapos ko pa ang term paper ko tapos sumabay pa ang inis ko kay Jerome kaya hindi rin ako masyadong nakatulog ng maayos kagabi. Marami akong gagawin ngayon dahil may meeting si Ms. Shion sa bagong investors.
Narito ako sa table ko inaayos ang mga papeles na kakailanganin para sa meeting mamaya. Si Ms. Shion nasa loob ng private office at ang magaling kong boss naman ay hindi pa dumarating. It's almost lunch time pero wala pa rin siya. Napansin ko na simula noong dumating si Ms. Shion, ipinaubaya niya na ang kompanyang pag-aari niya knowing na she didn't trust her at all. Hindi ipinagkakatiwala ni Jerome ang company niya kung kani-kanino lang. Ewan ko anong nangyari ngayon.
Bukod sa marami pa akong aasikasuhin na papeles, may mga kailangan rin akong i-print na mga bagong kontrata tapos mag-e-email pa ako ng mga bagong proposals. Iba talaga kapag malaking kompanya. Tambak talaga ang trabaho.
"Sis, let's go."
Nagulat ako sa biglang pagtawag sa akin ni Ms. Shion. Nakatayo na pala siya sa harap ko.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko.
"Let's eat. It's lunchtime. Don't worry, it's my treat. And I have a surprise for you too."
Surprise daw? Ano naman kayang surprise yon? Kakabahan na ba ako. Ano kayang meron bakit bigla siyang nagyaya ngayon. Pansin ko na parati na siyang good mood.
"Anong surprise naman yon?"
She smiled. "Basta. Sumama ka para malaman mo. Your face is getting red. You're blushing. Haha. May magagalit ba kapag sumama ka?"
Parang may kutob na ako. Nakakahiya. Napansin niya na nag-blush ako. Hindi tuloy ako mapakali. Jusko! Ang puso ko hindi ko na maintindihan.
"Wala. Haha. Hindi ako nagba-blush natural ko na 'to." Palusot ko na lang.
Nauna ng maglakad si Shion sa akin. Nag-stairs kami pababa ng 59th floor dahil naroon ang elevator pababa sa main lobby. Yung mga workstations na nadaanan namin dito sa floor ang tahimik pero yong mga mata nila nakasunod sa amin. Nagtataka siguro sila kung bakit ako ang kasama ni Ms. Shion imbis na si Jerome.
"Get in."
Sumakay na kami sa kotse niyang kulay pink. First time ko makasakay dito sa kotse niya. Pink din ang loob ng sasakyan niya at ang bango pa. Gusto ko sana na mag-lakad na lang dahil magkaka-lapit lang naman ang mga restaurants dito kaso naisip ko na nakaheels nga pala itong sissy ko na 'to. Amoy mamahaling pabango ang ini-spray dito sa loob.
"You looked tense." Aniya.
"Sorry. Kinakabahan kasi ako."
She laughed. "Bakit ka naman kakabahan e kakain lang naman tayo? Haha. Excited kana ba sa surprise ko?"
"Medyo lang." Tugon ko.
"You should be. Haha."
Hindi na nagsalita si Shion at nag focus na siya sa pagda-drive. Ilang sandali lang ay nakarating na rin kami sa isang restaurant. Italian restaurant yata ito. Nauna akong lumabas ng sasakyan sumunod naman siya.
"Good afternoon, ma'am. Do you have a reservation?"
"Yes. Table for three under Shion Alvarez." Aniya sa waitress saka sumunod na kami sa kaniya papunta sa table namin.
Nagpa-reserve pa pala siya. Pero teka table for three daw? May kasama pa ba kaming isa e dalawa lang naman kami. Italian style siya na may pagka-romantic ang ambiance with matching music pa.
BINABASA MO ANG
Come To Me (Follow Your Heart) *COMPLETE*
Storie d'amoreBxB | MPREG Jerome Alexis Tan Calix Jace Rodriguez 🏳️🌈 LGBTQ+ R🔞 Achieved Highest Rank #1 in BoytoBoy Category ❤️