Chapter 33

213 7 0
                                    

Calix POV

Hindi sana ako papasok ngayon dahil wala akong gana. Broken ako at masama din ang pakiramdam ko. Kagabi pagkarating ko sa bahay dumiretso kaagad ako sa kwarto ko dahil ayokong makita ni Mama na namumugto ang mga mata ko kakaiyak. Ngayon ko napatunayan kung gaano ka-gago si Jerome. Wala na talaga siyang pag-asa pa na magbago.

Maaga akong pumasok ngayon. And yes, I'm planning to resign. I'll submit my resignation today tutal isang linggo na lang naman at tapos na ang internship ko. Hindi ko na kayang mag-trabaho dito at lalong ayoko ng makita si Jerome. Wala na akong pakialam kahit na sabihan pa ako na unprofessional.

Busy akong nag-aayos ng lamesa ko ng marinig ko ang tunog ng elevator. Ganitong oras dumarating si Shion pero nagtext siya sa akin kanina na mali-late daw siya so alam niyo na kung sino ang dumating.

"Pakisunod sa office ko ang lahat ng kontrata na kailangan kong pirmahan today."

"Good morning, sir. Isusunod ko na lang po ido-double check ko na po muna." Ani ko ng hindi siya tinitingnan.

Pasalamat siya at binati ko pa siya kahit hindi maganda ang umaga ko. Inisip ko na lang na parang wala lang nangyaring sakitan sa pagitan naming dalawa.

"Hurry up."

Narinig ko na huling sabi niya bago siya tuluyang pumasok sa private office niya. Himala nga at pumasok siya sa kompanya at ang aga niya dumating. Ano kayang nakain niya?

Narinig kong tumunog ulit ang elevator. Alam ko na si Shion na ang dumating dahil rinig na rinig ko ang tunog ng heels niya.

"Good morning, sis." I smiled when I greeted her unlike kay Jerome kanina na parang normal lang.

She smiled back. "Good morning, sissy! Let's have lunch later. Cross will be joining us. It's his treat. Hehe."

Lunch? At kasama si Cross. Narito na pala siya ulit sa Pilipinas. Ang tagal din kasi naming hindi nagkita at nag usap.

"Nakakahiya naman sis. Niyayaya mo na naman akong mag lunch. Pwedeng sa cafeteria na lang ako kumain."

"Ngayon ka pa nahiya. Haha. Saka Cross wants to see you. Babawi daw siya sa iyo kasi medyo naging busy daw siya."

Tumango na lang ako saka ngumiti. "Okay."

"Yay! Sige. See you later." Paalam niya saka pumasok na sa private office ni Jerome.

Nagulat ako ng biglang mag-yaya ng lunch si Shion at kasama pa si Cross. Saka hindi naman kailangan ni Cross na bumawi sa akin dahil wala naman siyang kasalanan ako naman din kasi ang hindi nagri-reply sa kaniya. Nakakahiya man pero kinikilig pa din talaga ako sa kaniya. Mahal ko si Jerome pero hindi ko pa din maitatanggi na attracted pa din ako kay Cross. Kung hindi ko lang mahal si Jerome at kung hindi siya ang pinili ng puso ko, malamang sinagot ko na talaga ng tuluyan si Cross. Nawalan din kasi kami ng communication kaya naudlot.

Sinimulan ko ng mag-trabaho at dinoble check ang mga kontrata na kailangan ni Jerome. Hindi ko muna iisipin ang problema ko. Magfo-focus muna ako sa trabaho ko. Mas mabuti na rin yong ganito, wala ng mang-iistorbo sa akin.

"Hi. Is Jerome Tan available?"

Napatingin ako sa nag-salita. Isang babaeng kulang na lang ay mag-hubad ang tumambad sa akin. Sobrang iksi kasi ng suot niya. Ang kapal pa ng makeup at lipstick niya. Blondie ang kulay ng buhok niya. Babae na naman ba ito ni Jerome?

"Just a minute."

Pinindot ko ang intercom saka nagsalita. "Sir Jerome, may bisita po kayo."

[Who's that?]

Come To Me (Follow Your Heart) *COMPLETE*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon