Chapter 41

233 4 0
                                    

China

Alam kong first time ni Shion sa pag handle sa business world pero napabilib niya talaga ako dahil napaka-professional niya at sobrang galing niya na although nakaagapay pa din sa kaniya si Cross pero madalas siya talaga ang nagpi-present sa mga new investors. Ang totoo niyan, wala talaga akong naintindihan the entire meetings dahil nga Chinese ang gamit nilang language pero sumama pa din ako dahil kailangan daw sabi ni Cross. Hindi din naman ako nahirapan dahil may translator naman. Maganda ang kinalabasan ng lahat ng meeting namin dito. Approved lahat ng business deals at masayang-masaya talaga ako doon dahil alam ko na makakatulong 'to sa company ni Jerome. 

Sana nga matapos na ang problema ng company niya para makasama ko na siya ulit.

After manggaling ni Jerome dito, nawalan na kami ng time ni Shion at Cross na mag-saya dahil sunod-sunod ang meetings na naka-schedule. Sobrang nakakapagod dahil araw-araw ang meeting. Hindi lang kasi mga new investors ang ka-meeting namin. May mga ka-meeting din kami na mga doctors, mga kasama ni Cross sa hospital kung saan siya nagta-trabaho. At ngayong araw din babalik na kami sa Pilipinas. Nagtaka nga ako bakit kailangan namin makipag-meeting pa sa mga doctors. Hindi naman yata sila kailangan sa company ni Jerome.

Nakapagbihis na ako. Naayos ko na rin lahat ng gamit ko. Hinihintay ko na lang si Shion. Si Cross naman ay magpapa-iwan daw dito dahil may aasikasuhin pa daw siya susunod na lang daw siya sa amin. Private plane nga pala ang sasakyan namin pabalik ng Pilipinas papuntang Tan Enterprises. Na-e-excite akong makita ang gwapong mukha ni Jerome. Hindi niya ako tinawagan after nung huli naming pagkikita at alam ko naman kung bakit. Mahigpit ang Mama niya na nakabantay sa kaniya. Naaawa tuloy ako kay Jerome. Inaayos niya ang problema ng company niya ng mag-isa kahit hindi naman siya ang nagdala ng problema roon. Kung pwede ko lang sana siyang tulungan ginawa ko na kaso hindi pwede.

Napatingin ako sa pinto ng biglang tumunog ang door buzzer. Finally! We're going back to the Philippines. Makikita ko na din ang ka-gwapuhan ng playboy na lalaking mahal ko.

****

Philippines

Narito na ako sa bahay. Walang tao pag dating ko. Nasa restaurant siguro si Mama at ang kapatid ko naman baka nasa school pa. Binigyan nga din pala ako ni Shion ng isang araw na pahinga dahil sobrang nakakapagod sa byahe. May jetlag pa nga yata ako. Mabuti na din yon dahil sumasama na naman ang pakiramdam ko at nahihilo talaga ako. Buti nga kahit papaano ay nabawasan ang pagsusuka ko pero madalas akong nahihilo.

Nahiga muna ako sa kama ko. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ng pants ko and I opened my facebook. I was browsing my newsfeed ng makita ko ang mga posts ni Jerome.

Sunod-sunod lang naman ang status niya sa facebook. Kada scroll ko posts niya ang nakikita ko.

Jerome Tan: I miss my sweetheart.

Jerome Tan: He means everything to me.

Jerome Tan: He's the most beautiful man I've ever seen.

Jerome Tan: My love is solely for him.

Simula ng manggaling si Jerome sa China naging vocal na siya lalo sa feelings niya. Ni-like ko na lang lahat ng posts niya. Hindi ako nag-comment pero binasa ko ang iilan doon, natatawa ako dahil kinakantyawan siya ng mga kaibigan niya. Haha. Ipinatong ko sa gilid ng kama ang phone ko pero bigla itong tumunog. May nag-add pala sa akin.

Maxen Xi added you as a friend.

Sino itong nag-add sa akin? Hindi ko ito kilala pero in-accept ko pa din. Hindi naman kasi ako choosy sa nag-a-add sa akin.

Maxen Xi: Hi my gorgeous.

Nagulat pa ako ng bigla mag-pop-up sa screen ko ang pangalan ng lalaking nag-add sa akin. Nag-chat siya sa akin. Nag-reply ako.

Come To Me (Follow Your Heart) *COMPLETE*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon