Chapter 29

223 6 0
                                    

Jerome POV

Ang sakit ng ulo ko dahil sa hangover. Nalasing kasi ako ng sobra kagabi. Ewan ko ba, nitong mga nakaraang araw lagi akong nag-iinom.

Naalala ko na kasama ko nga pala si Calix kagabi. Napatingin ako sa paligid ko, mukhang maaga siyang umalis. Hindi naman na bago sa akin na pag-gising ko ay akala ko narito pa din siya. Sino ba naman ako para pag-aksayahan niya ng oras? 

Bumangon na ako sa kama ko. Medyo nahihilo pa nga ako. Tumingin ako sa wrist watch ko. Alas siyete pa lang pala ng umaga. Lumabas na ako ng kwarto ko saka bumaba sa salas. Nagtaka pa nga ako kasi parang may naririnig ako na nagluluto sa kusina ko. Pagtingin ko..

"Ano pa ang hinihintay mo? Pasko?"

----

Calix POV

Kumunot ang noo ko. Si Jerome kasi parang nakakita ng multo. Nakatulala kasi sa akin. Nagtataka siguro siya kung bakit pa ako narito. Akala niya siguro umalis na ako.

"Ano pa ang hinihintay mo? Pasko?" Ani ko.

Yes I stayed and I also cooked breakfast for him. After kasi ng matinding confession niya sa akin kagabi, napag-isip-isip ko na bigyan siya ng chance para patunayan ang sarili niya sa akin. Gusto kong makita yong other side niya na hindi playboy. Gusto ko din na makabawi sa mga sakit na naibigay ko sa kaniya. He didn't deserve all the pain. Ramdam ko naman na totoo at seryoso ang feelings niya para sa akin.

"What's the meaning of this? Are you for real?" Gulat pa na sabi niya.

Nakangiti ako na tumango sa kaniya and in an instant nakayakap na siya sa akin. I hugged him back.

"Hindi pa ba tayo kakain? I'm hungry."

"Wait. I can't believe that you're still here with me. I thought you left."

Naramdaman ko ang lalim ng paghinga niya. Hindi pa din siya makapaniwala na narito ako at yakap yakap niya.

"Why would I leave my boyfriend alone?"

Bigla siyang kumalas ng yakap sa akin. Nakatingin siya sa akin ng diretso habang nakahawak sa balikat ko. "What did you say?"

Napangiti ako sa reaksyon niya. I find him cute kapag ganitong gulat na gulat siya. "I said, bakit ko naman iiwan ang boyfriend ko ng mag-isa?"

"B-Boyfriend?"

"Oo, boyfriend. Ano ba sa tingin mo?"

"For real or still pretend?"

"What do you think?"

Umiling siya. "I don't know that's why I'm asking you right now."

Hinila ko siya dito sa may dining table saka kami naupo. Hinawakan ko ang kamay niya. "We're officially boyfriends now. It's not pretend anymore."

Kumunot ang noo niya. "What do you mean? Nag-lo-loading ako eh."

"Ang ibig kong sabihin ay binibigyan na kita ng chance to prove yourself to me. Napag-isip-isip ko kasi na wala namang masama kung bibigyan kita ng chance para patunayan ang sarili mo sa akin." Sagot ko.

He smiled and hugged me again. "Fuck! Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya. Hindi ko sasayangin ang chance na ibinigay mo sa akin. I will prove to you how much I love you."

Kumalas na ulit siya ng yakap sa akin. "Thank you for giving me a chance. Now that we're being honest, there's something important I need to say," he sighed. "Whatever happens, please trust me, okay? If ever man na may makita ka o may mga bagay akong magagawa na hindi mo magustuhan, please don't jump to conclusions and give me a chance to explain. Understand?"

Come To Me (Follow Your Heart) *COMPLETE*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon