Marami nanaman ang nag uunahang estudyante sa pagpunta at pagpasok sa kanilang mga klase...habang sila eizs at ang kanyang tropa ay naghahanap ng teacher na pwedeng magbigay ng oras para sa kanilang community service. Minsan nakakainis talagang isipin na parte to ng pag aaral ngayon ang magpaalipin sa ilang teacher para sa kakarimpot na oras...ngunit kakaiba ang kanilang grupo sa ilan. di sila ang tipo ng mga mag aaral na kailangan magpakatulong...konting pakyut...konting ngiti sa mga kaibigan nilang guro.okay na... lusot na... may libre ng pirma...
"eizs!"
tawag ng isa sa mga kaibigan nya...lumingon ang huli para alamin kung para san ang tawag na yun...habang inaabangan ang pagpapatuloy ng salita nito.
"nandyan na ang bagong kapalit nung best friend mo,nakita mo na?" sabi ni cathy,
"hindi pa pre" sabay sampa ng back pack sa balikat.
"tara puntahan natin...dun tayo papirma?" habang binabagtas ang kahabaan ng corridor
"sige,di ko parin nakikilala yung bagong teacher eh..."sagot nya.
"sama natin yung iba,malamang naman gaya nila maam cruz makikipagkwentuhan lang rin yun" nakangiting sabi pa ni cathy...ganito talaga siguro dahil naging sistema na nila,idagdag pang mga 4th year high school kasi kaya ang pakiramdam ay pag aari na ang eskwelahan...huling taon na kasi nila dito kaya halos lahat ng teachers kilala na nila,at isa pa sila ay isa sa mga section na pinakaaktibo sa mga kumpetisyon.
lumipat sila sa kabilang building,habang papaakyat sa tinatawag na old building napansin ni eizs ang isang babaeng nakatalikod at nakatanaw sa bintana...maliit at maputi ito,maiksi ang buhok at nakaunipormeng pang guro...
"Good morning po" bati nya,sabay ngiti... humarap ang babae,unti-unting parang nagkaulap ang paligid ni eizs,bumagal ang oras at segundo,parang may kung anong electric fan ang umiihip sa maiksi nyang buhok,halos magkasing laki lang sila kaya parang harap na harap talaga at eksakto ang kanilang mga mukha...parang may kung anong anghel na kumanta ng..."you're so beautiful...divine" 'lang ya...parang dapat nyang hawakan ang kanyang panga,di nya ata namalayan na lumaglag na ito at manapa'y nakanganga na sya sa
ang amo ng mukha ni maam...parang labi nya lang ang nakikita ni eizs,unti-unting tinatawag sya nun...lumapit si eizs,hinapit nga ang bewang ng guro na nasa kanyang harapan...na nakapagpalapit sa kanya sa ating bida...dama na nya ang bawat tibok ng puso nito...magkalapit na ang kanilang paningin...nararamdaman na nya ang init ng hininga nito ng biglang may nagsalita...
"Good morning mga anak,anu yun?"
VO:walang hiya talagang imahinasyon to! "NANANAGINIP NA NAMAN AKO!"
BINABASA MO ANG
Si Ma'am ay isang pangarap...
RomanceIsang kwentong kahit ako hindi naniniwalang posible at magiging posible sa loob ng isang malakahong lipunan...ang AKADEMIYA. marahil kahit ikaw ang una mong iisipin, malabo...imposible... pero sa maniwala ka at sa hindi... NANGYAYARI...hahaha...para...