Pagsasalo sa iisang pangarap

511 10 0
                                    

Madalas ng magkasama ang dalawa,kung hindi sinusundo ni eizs si mayla at si eizs naman ang sinusundo ni mayla sa kanyang paaralan.araw araw silang magkasama kasing dalas ng pagbibigay ni eizs ng bulaklak sa kasintahan. madalas tipirin nito ang baon nya para lang makabili ng bulaklak sa isang kilalang flower shop,dahil ang pananaw nito kahit girlfriend mo na,dapat ay araw-araw mo parin itong nililigawan...

"kamusta na kayo ni fritz?"pagtatanong ni mayla.
"hindi okay,kasi naman ang hirap magpractice na alam mong pareho kayong hindi okay"
"Hindi ka ba okay kasi hiniwalayan mo sya?"nagtatampong salita ni mayla.
"Hindi yan ang sinabi ko."sagot ni eizs.
naghiwalay na ang dalawa at sinabihan sya ni mayla na magkita sila ng maaga isang sabado...

Nang umagang yun,bitbit ni eizs ang backpack nya na may lamang iilang damit,nagpaalam sya na mag oovernight gaya ng napag usapan nila ni mayla.nagkita sila sa philcoa at malayo palang ay nakita na nya ang girlfriend na nakaback pack din...

hindi alam ni eizs kung saan sila pupunta,pero alam nyang hindi sila uuwi,sumakay sila ng taxi at nasumpungan nalang ni eizs ang sarili na nasa harap ng terminal ng bus...

sumakay sila na ang nakalagay ang LAGUNA,matagal ang byahe pero buong byahe nila ay nasa dibdib nya ang girlfriend na si mayla...

pareho pala nilang hindi alam kung saan pupunta. Masaya ang ganitong lakad dahil hindi nila inaasahan ang anumang posibleng mangyari...

Isang hotel ang pinagcheck-in-an ng dalawa. may swimming pool dahil plano nilang maligo. kung makakaligo pa sila. sa mga magkasintahan,konting magkadikit lang ay parang ilang dekada ang dumaan at missed na missed nila ang isat isa...

wala ng mas iinit pa sa gabing ito,dahil ang pag lalambingan,parang kape yan...pag di mo pa hinigop...lalamig yan!hahaha... at ang ligaya ng bawat nilang pag iisa ay parang SNAKU,kapag nilagay mo sa dila mo,kusang matutunaw kahit hindi mo na nguyain... hindi nakakasawang sumubo dahil hindi ka napapagod. ang swimming na plano ng dalawa,kahit ang tubig ay di nila nakita...buong gabi at magdamag silang naghati sa kasiyahang dala ng kanilang pag iibigan.

Puyat sila pareho,pero parang mga nakalunok ng baterya...hyper ang dalawa...habang nakasakay sa bus na pauwi ay nagyaya si mayla na bumaba muna at magpapicture sa studio.

pagpasok nila ay may magkarelasyon din na lesbian at babae,mukhang magpapapicture din, masama ang tingin ng lesbian kay eizs,mukhang ikinainit ng ulo ni mayla ito.

"excuse me?bakit mo sya tinitignan ng masama?" papalapit ito sa lesbian na kanina pang nakatingin kay eizs,may okso ito sa mukha.

hay,si mayla talaga...hindi na naiisip na teacher sya kapag ganitong tagpo...ibang klaseng babae.

lumipas ang ilang buwan at naging napakasaya ng bawat araw,naging movie buddies pa ang dalawa,napakadalas nilang manuod ng sine at tuwing ginagawa nila ito ay masaya nilang pinagkukwentuhan ang lahat ng pinapanuod,sabay nilang binabatikos ang bawat istorya at nagpapalitan ng kuro-kuro...sila ang ultimate film critics. pati na ang mga plays ng isang sikat na kolehiyo ay naging bonding nila,pareho silang mahilig dito dahil siguro sa artistic side ni mister at si misis naman ay matindi ang suporta sa kanyang kabiyak. mahilig silang makinig ng poetry reading at higit nilang naenjoy ng minsang makinig sila kay warla...pagkatapos nuon ay nagpamigay pa ito ng sulo na ang apoy ay condom. napakarami nilang pinagsaluhan,hindi lang sa kama,hindi lang sa istorya,hindi lang sa saya... dahil minsan kahit pagsasalo sa iisang pangarap ay hindi sila makalulusot sa sakit at problema...

"Layuan mo na yan,sinasabi ko na sayo...ayokong tayo ang magtalo,ayokong papiliin ka" salita ng adviser ni eizs sa kanya ng 4th year na tinatawag nyang nanay...

"nay,please naman po...mahal ko talaga to." sagot ni eizs.
"Ang bata bata mo pa?ang laki ng agwat nyo sa edad,masisira lang ang buhay mo...hindi pa yan ang buhay mo. matatapos rin yan..."sagot nito kay eizs.
"mamili ka?magagalit ako sayo..." sumisinghot na ang kanyang nanay..
"nay naman,wag naman po...please naman..."umiiyak na rin si eizs,habang nag uusap sila sa gilid ng covered court ng dati nyang eskwelahan...
"nay,sorry po talaga...di ko sya pwedeng pabayaan ng ganun lang."
"desisyon mo yan,alam mo na ang kapalit."hinawakan ni eizs ang kamay ng nanay-nanayan...pero tuluyan ng bumitaw ito...

tahimik ang bawat hikbi ni eizs habang yakap sya ni mayla sa kanilang paboritong tambayan,ang lugar na tinatawag nilang kanlungan kapag masaya sila at kahit gaya ngayon na malungkot sila,napakalalim na ng sakit na kanyang nararamdaman,unti-unti ng nagdidilim ang paligid,una ay gapatak lang ang ambon,ngayon ay bumubuhos na ang ulan,at tila hindi pa nakuntento ang langit at ito ay nagbagsak na ng bagyo...

Hindi na rin sila pinapansin ng mga kaibigan nilang guro,siguro dahil napag uusapan na sila sa eskwelahan.nahahalata na di umano ang relasyong meron ang dalawa...bibitaw na kaya sila?o ipagpapatuloy pa ang laban?saan hahantong ang lahat...makikita natin ang katatagan ng dalawa,kung tunay bang ang lahat ng babangga ay magigiba...

Si Ma'am ay isang pangarap...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon