Magkahawak kamay para sa pangarap...

354 18 0
                                    

Eizs wants more of her,Mayla and her body tells the same...

Pagkatapos ng mainit na lambingan gaya ng madalas na gawin ng dalawa masusumpungan mo ang mga ito na nagbabasa ng libro,magkatapat at nagkakape,magkapatong ang kanilang mga paa,para kahit hindi sila mag usap,alam ng bawat isa na nasa paligid lang ang ang kanilang kapareha...this is one way to secure each other.

"mhajal,wait lang,baba mo muna paa mo...kuha lang ako ng papel at lapis." magsusulat si eizs,ganyan sya kapag may naiisip na tula,biglang naghahanap ng papel at lapis.

Nalalasahan ng aking dila ang 'yong sarap,
habang nasa kamay ko,katawang pinapangarap...
labi ko't labi mo'y di mapigil sa paglapat,
pait at tamis mo'y dahan dahang nilalasap.

Naglalaro ang init sa aking katawan...
inaalis nito ang malay ko't katauhan.
sinisisid;hinahaplos mo ang aking kabuuan,
dinadala mo ko sa malalim na kawalan!

Di ko mawari ang ' yong mahika...
alam ko ng bawal ay ayaw nang tigilan pa.
pinagpapawisan sa likidong dumudulas na,
pinapaso ang kaibuturan ng aking kaluluwa.

Nanunuot sa aking ilong ang iyong bango...
nagpapakalunod sa kaligayahang dulot mo,
sisimsimin ko ang huling patak nito;
madali naman ang magtimpla ng panibagong baso...

KAPE
2:30 ng umaga
Sa aming apartment

May ganyang ugali si eizs sa twing may naiisip na tula at may kinalaman sa kanila ni mayla ay tiyak na isusulat nya ito. She made sure that she can capture all the details by writing it through poems,she wants mayla to remember everything by reading it. madalas na kahit madaling araw at nagigising si eizs upang magsulat,sinisigurado nitong i aaccount nya ang bawat letra at kahit tulog na tulog ang girl friend at maaga ang pasok nito ay lalapit sya dito at maglalambing,sisiksik sa gilid nito,magigising naman si mayla at yayakapin ang kanyang kapartner,bubulong si eizs..."may naisulat ako."pipilitin ni mayla na ibukas ang mga mata nito at babasahin ni eizs ang naisulat nitong tula. kahit antok na antok ay magbibigay ito ng comment sa kasintahan,at ipapakita ang kanyang suporta dito. bago matulog ang dalawa ay itatabi ni eizs ang naisulat at hihiga na sa tabi ng kanyang mahal. hindi makakatulog ang kahit sino man sa kanila hanggang hindi nila hawak ang kamay ng bawat isa.

Ganun kasaya ang bawat nilang araw,kahit na may problema ay hindi alintana ng mga ito. Nagsimula rin ang pagpapakita ni eizs ng suporta sa kanyang girlfriend sa pagdidirect nya ng mga plays.

"Dating nasa West end at Broadway,napunta sa CCP...at ngayon nasa school....soon..."

Isang play na may pamagat na Ms.Saigon ang sinimulan ng team ng isang oraganisasyong hinahawakan ni mayla,naging outlet ng dalawa ang oragnisasyong ito at lalong nagpatibay sa kanilang pagsasamahan. unti-unting naging masigla ang pagtangkilik ng mga manunuod sa mga gawang plays ng grupo lalo na at ito ay ipinalalabas ng libre sa paaralan,ang dating minamata mata na magsing irog ay may napatunayan sa linyang ito... they can't work without each others help. naging madalas din ang pagpunta ni eizs sa eskwelahang pinagtuturuan ng kanyang girlfriend habang unti-unting hindi nya namamalayang napapabayaan na nya ang kanyang scholarship.

Ang play na yun ay nasundan ng marami pang pagtatanghal,kinilala na ang kakayahan nila sa larangang ito at bumalik ang kumpyansa ng eskwelahan kay mayla,3 taon na sunod-sunod nyang nakuha ang most outstanding teacher of the year,habang bumabalik unti-unti ang kanilang mga kaibigan sa kanila. naging maayos na ang pagtanggap ng kanilang mga kakilala sa kanilang sitwasyon at wala na silang ni isa mang problema.

Nagkaroon sila ng RTW na business at habang patuloy paring nag aaral si eizs ay patuloy din naman si mayla na nagtuturo,minsan,may mga tampuhang hindi na nila napag uusapan,tulad nalang ng mga pagkakataong mag bibirthday si eizs,sanay ito na bago sya magbirthday ay pinaghahandaan ito ng kanyang mga magulang,ngunit dahil tinanggap na ng kanyang pamilya si mayla ay inaasahan na ng mga ito na si mayla na ang magpapatuloy ng alin mang may kinalaman kay eizs,ngunit,ang girlfriend ay isang teacher at ang mga guro ang umuupo tuwing may halalan sa bansa,at ang birthday ni eizs ang kadalasang natatapatan nito. Ang nangyayari ay hinihintay lamang ni eizs si mayla sa harap ng presintong nakaassigned sa girlfriend sa araw ng kanyang birthday,kung minsan ay inaabot ito ng magdamag hanggang sa hindi nila namamalayan na tapos na ang kaarawan nya,kay eizs importante yun,kay eizs malaking kawalan yun...ilang taon na nyang ikinasasama ng loob yun dahil sa twing matatapos ang eleksyon ay pagod na ang girlfriend at hindi na nito nababati man lang ang kanina pang naghihintay na si eizs,nagsimula na ang tampo na hindi nababanggit at ang kawalan ng oras kahit na ba magkasama pa sila sa bahay. kinain na ng sobrang insecurities ang isa dahil ang girlfriend nya ay teacher,may magandang disposisyon habang sya ay napabayaan ang kanyang pag aaral. at nananatiling walang napatunayan.

"Anung nangyari?" tanong ng kanyang ina sa kanina pang umiiyak na si eizs.
"sumulat ang school mo at wala ka na daw scholarship?anung ginawa mo?"

"Ma,mura lang naman ang tuition ko diba?okay nalang yan...wag ka na magalit."

"alam kong malaki pa ang baon mo sa tuition mo,hindi naman yun ang point dito anak...ang point sayang ang panahon.bakit ba?anu bang nangyayari sayo?masyado mo ng pinaiikot ang buhay mo sa girlfriend mo,hindi ba kayo nagkakasawaan?" ito ang mga tanong rin ni eizs habang tinitignan nya ang girlfriend,habang tinitignan nyang okay ito sa kanyang career.habang nakikita nyang okay na ito...paano naman sya?

Minsan ang relasyon,kahit magkahawak kayo ng kamay na inabot ang anumang pangarap ninyo,dahil hindi pantay-pantay ang daliri ng tao,at ang bakante sa bawat daliri mo,ay syang bakanteng espasyong ang iyong kapareha sana ang maglalagay ng kanyang mga daliri para mapunuan ang kakulangang ito...ay hindi parin sumasapat para ang seguridad ng maayos na relasyon ay sabay nyong mapanghahawakan...yun ay kung napag uusapan,yun ay kung naaayos... paano kung hindi?paano na sila?magkahawak kamay parin kaya nilang matutuloy na abutin ang kanilang mga pangarap?

-------------------------------------------
ampalaya

minsan pagkain...madalas si eizs...
------------------------------------------
Para sa lahat ng mambabasa,natutuwa po ako sa mabilis nyong pagdami..may star po dyan sa ilalim ng bawat chapter,pwede nyo po itong iboto...hahaha...at isa pa po,pwde rin kayong magmessage para naman alam ko kung may suggestion kayo,o comment.okay?enjoy reading...
--------------------------------------------
nakakamissed din kumain ng SNAKU kasama ng kape...nyahahaha...

Si Ma'am ay isang pangarap...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon