Bago pa man matapos ni mayla ang sinasabi nito ay tuluyan ng nakalas ang anumang nasa pagitan nila ni eizs. wala ng babalikan,wala ng maayos pagkatapos nito dahil sabay na nilang tinuldukan ang pagiging magkaibigan nila. mahirap ng bumalik sa kung anuman ang meron sila nuon,dahil hindi na biro ang lahat. Ang gabing ito ang naging saksi sa pagmamahalan nila, ang bawat hagod at haplos ay pagpapaunawang buo na ang kanilang nararamdaman habang alam ni eizs na nahawakan na nya at naabot ang pangarap,alam nya rin na meron ng natapos sa pagitan nila ni mayla...ang pagkakaibigan nila.
VO:"Patay tayo dito...tao lang ako...marupok...hahaha!"
dim ang ilaw sa kwarto,tahimik ang paligid at tanging hininga lang nila ang maririnig,maliban sa tibok ng kanilang mga puso ay wala ng iba pang pumapainlanlang sa buong kwarto,kapwa sila nalulunod sa oras,sa ilalim ng isang gabi ay nagtagpo ang kanilang mga damdamin...mga bagay na hindi nila inaasahan. unti-unting bumabaon ang bawat kuko ng gabi sa likod ni eizs,alam nyang totoo ang nangyayari habang patuloy ang tagaktak ng kanyang pawis.
"Sa bawat mong pagsinghap,akong ako lamang ang lumalasap...
Sa bawat mong pagliyad,sabay tayong lumilipad.
Sa bawat mong paghinga...nabubuhay ang aking kaluluwa...at sa tuwing ito'y mapapatid...katawan nati'y nagsasanib...Sa gabing atin lamang mahal...
pagkatao ko'y iyo nang ikinasal;
at kung ito ma'y mamamatay...
habang atin ang gabi...muli itong mabubuhay..."Magkayakap na sila ng matapos ang gabi,isang bagong eizs ang ipinanganak sa sandaling ito. alam nyang may dapat syang pangatawanan,alam nyang may masasaktan...alam nya man na mangyayari to,mas matapang nyang haharapin ang lahat dahil habang nakasandig ang ulo ni mayla sa kanyang dibdib,isa itong pangakong hindi nya na maaaring bitiwan pa...
----------------------------------------------
Tahimik ang paligid ng dressing room ng eskwelahan ni eizs sa kolehiyo... tanging hikbi at pagluha lang ni fritz ang maririnig mo. lihim na dumadaloy ang luha ni eizs,hindi nya alam kung ang simpleng yakap ba o ang isang mahigpit na paghawak sa kamay ang makakapaghugas sa sakit na nararamdaman nito."Fritz,sorry... sorry talaga..."
mabilis na ang agos ng luha ni eizs,dala ang pag amin na hindi na nya pwedeng mahalin si fritz."mas mahal mo ba sya?"
tahimik lang si eizs,"eizs,please?bakit?ang sakit sakit kasi...sobra...para kong mamamatay."hinawakan ni eizs ang batok ni fritz at inilapit nito sa balikat nya...
"kung alam mo lang,fritz...minahal kita,hindi,mali...sinubukan kong mahalin ka ng ikaw lang...nagawa ko naman eh.kaso kasi mahal ko talaga sya fritz,inaamin ko na...matagal ko na talaga syang mahal..." paliwanag ni eizs.
"kung mahal mo pala?bakit mo ko pinapasok sa buhay mo?" nag angat ng ulo si fritz,magkaharap na sila at nuo sa nuo silang nag uusap,nararamdaman na ni eizs ang pagtulo ng luha ng babaeng nagmamahal sa kanya ng sobra..."hindi madaling ipaliwanag fritz,hindi ko gustong maramdaman to...kasi bestfriend ko sya kaya sinubukan kong iwasan pero hindi ko napuna na dun papunta ang lahat...mapapatawad mo pa ba ko?"tanong nya kahit alam nyang hindi.
"mahal na mahal kita eizs,mahal na mahal...hindi ko alam kung paano magsisimula ng wala ka...panu na tayo?panu ang grupo?alam na nila..." maraming pangamba si fritz...
"ako ang bahalang magsabi sa kanila..."habang pag aari nila eizs at mayla ang gabi,may isang fritz na tuluyan ng nagdilim ang umaga...at hindi magiging madali ang mabawi ang sarili habang nangangapa ka sa madilim na gabing iiwan sayo,ng papaumagang araw na hatid nito sa mga pusong ngayon lang aamin ng totoo...
mali ba ang lahat?dapat ba ay hindi nalang sila umamin?dapat ba ay hindi nangyari ang lahat?paano na nila mapapanindigan ang nasimulan?tignan natin kung anu ang gagawin nila...
--------------------------------------------
sana po ay nagawa ko ng tama ang parte na to,grabe...di ko alam kung paano ko isusulat ang laman ng utak ko...pasensya na po...tabi tabi sa mga feminista...
BINABASA MO ANG
Si Ma'am ay isang pangarap...
RomanceIsang kwentong kahit ako hindi naniniwalang posible at magiging posible sa loob ng isang malakahong lipunan...ang AKADEMIYA. marahil kahit ikaw ang una mong iisipin, malabo...imposible... pero sa maniwala ka at sa hindi... NANGYAYARI...hahaha...para...