Magkaibang panaginip...

635 13 0
                                    

VO: "Mukha ka naman ng masaya,kaya masaya nalang rin ako kahit pa...hindi ako ang dahilan ng pagiging masaya mo...okay nalang rin tutal naman patapos na ko sa eskwelahang to..." bulong ni eizs habang nagfifill out ng form upang mag apply sa isang eakwelahang pang kolehiyo na education lang ang meron...isinikreto nito ang pagkuha ng exam dahil kahit naman aktibong bata sya,sa totoo'y mababa ang self esteem nito. sabay sila ng kaklase nyang nag apply,at nag exam...

"Sabi ng mama mo nakapasa ka!?"
sobrang tuwang tuwa si mayla habang nakangiti lang si eizs at nakatitig sa kanya...
"yehey! magiging teacher ka na! ako ang sasama sayo sa interview mo ah?"

natuwa si eizs sa narinig nya,kaya parang lumakas ang loob nitong ituloy ang planong maging guro din... dumating ang takdang araw ng kanyang interview... maaga syang dumating sa eskwelahan nya ng high school para sunduin si mayla gaya ng napag usapan. pag dating nya dun,malayo pa lang ay nakita nya ng may kasama si mayla,si sir alonzo,ang boyfriend nitong bago.

VO:"linsyak na buhay naman to oh? moment na naging bato pa?tao ka ba?kasi bakit di mo matanggap na hindi nga tayo tao???dahil bagay tayo? hahaha"

dumiretso na sila sa eskwelahang pangarap ng lahat ng gustong maging guro,tahimik si eizs simula sa byahe hanggang dito,kahit naman kasama ni mayla ang boyfriend nya ay madalas namang sila ni eizs ang magkausap. pero hindi nito nababawasan ang pagseselos ni eizs, halos wala na nga rin ang sakit na nararamdaman nya tungkol kay ms.vargas,parang mas masakit na ang kay mayla...

dalawang taon na nyang gusto si mayla, nakatatlong boyfriend na ito at nakailang kwento na sya kay eizs,pero pakirandam ni eizs...hindi pa tapos ang kwento ni mayla...mukhang hindi pa itong lalaking ito ang makakatuluyan ng secret crush nya,yan ang nasa isip ni eizs habang papalapit ito kay mayla pagkatapos ng interview...

"kamusta?kinabahan ka ba?"
"syempre!"sagot ni eizs. "tara na?pagod na ko eh..."

simple lang ang takbo ng araw,pero parang magkabilang mundo ang tinatakbo ng kwento nila, parang kahit kailan ay hindi makikita ni mayla ang isang estudyanteng nagmamahal sa kanya... posibleng mahal din nya si eizs,pero baka mahal na gaya ng sa ate lang...baka malabo ang makita nyang hindi pala sila tao,dahil BAGAY SILA...

tumakbo ng mabilis ang mga araw at kuhaan na ng toga ng mga mag aaral,maraming nakakalat na 4th year students habang may dalawang pusong tahimik na nag uusap sa malapit sa isang malaking puno.

"Sigurado ka na ba?" pabulong na salita ni eizs,
"oo,sorry..." umiiyak sya pero parang ako ang nasasaktan.
"alam ko,marami kong pagkukulang sayo...ako ang dapat magsorry..."habang nakatingin si eizs kay aileen ay parang may gaan syang nararamdaman.
"oo nga eh,nag girl friend ka,pinakitaan mong mahal mo,tapos nung mahal na mahal ka na,nagpakabusy ka...halos hindi na tayo nagkikita...halos lagi nalang akong nagtatanong sa mga kaibigan mo kung nasan ka ba? sabi naman nung isang kaibigan mong nakakaalam ng tungkol satin,wala ka namang ibang babae,pero marami kang pinagkakaabalahan...eh di ba?kapag mahal mo,hindi mo matitiis ang isang araw na hindi sya nakakamusta?o nakikita? eizs,hindi madali ang sitwasyon natin...alam kong high school palang tayo,pero wag ka namang umarte na parang puppy love lang talaga to!" nakatingin lang si eizs kay aileen,hindi nya alam kung anu ba ang dapat nyang sabihin...
"sorry..." yun lang ang katagang lumabas sa bibig nya.
"eizs may iba na kong gusto,may iba na kong mahal!wala ka man lang bang gagawin???hindi mo man lang ba ko aawayin?o ipaglalaban?o iiyak? anu ba?kasi ang sakit naman eh..." halos tahimik ng sumisigaw si aileen,hindi sila maaaring gumawa ng kakaibang galaw dahil maraming tao sa paligid. maraming magtataka bakit sila nag aaway,alam yun ni eizs,kung kaya pinili nyang maging normal parin ang lahat...
"aileen,mahal naman kita...kaso alam ko lang din siguro na marami kong pagkukulang,kaya kahit pwede naman kitang ilaban...hindi ko na gagawin...sorry pero okay lang sakin."

Sa totoo lang,masakit kahit paano kay eizs ang lahat dahil alam nyang sa punto na to,nasaktan nya si aileen...dala siguro ng pinagdaanan nya kay ms.vargas kaya hindi na sya ganun kung paano magbigay ng commitment... isang buong taon ba naman syang nakakatulog kakaiyak dahil sa first heart broken na naranasan nya,hindi madali...isa pa,parte ng pagkatao nya na huwag ipilit ang sarili...sanay syang naiiwan,dahil kahit nuong bata sya,umalis ang mama at papa nya upang magtrabaho sa ibang bansa,may epekto yun sa murang isipan ni eizs...pero parang hindi sya masanay sa sakit,dahil wala namang paghihiwalay na madali...walang naiiwan o nang iiwan na hindi nasasaktan.

Si Ma'am ay isang pangarap...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon