Mga tula para kay mayla

619 11 0
                                    

IKAW

Para kang hanging naglilipad sa'king buhok,
malinis na hanging walang kaunti mang alikabok;
hinihinpang paitaas,dumadampi saking batok,
humahalik sa'king leeg na nagdudulot ng antok...

Para kang si pebong lumalatag sa mundo;
humahalik sa damuhang nagbibigay init sa puso ko,
naglalaro sa kalangitang pagmamay-ari mo,
at namamahinga kasabay ng pagpikit ko...

Para kang tubig na pamatid uhaw sa tao;
nagbibigay sigla sa nanlulumong ako...
dumidilig sa halamang natutuyo sa disyerto,
hanggang bumukadkad ng sing ganda mo....

Para kang buhay na kakabit ng buhay ko,
para kang angel na bumaba sa langit ko;
humahalik sa mundo,humahalik sa labi ko...
nagbibigay hininga,bumubuhay sa isang ako.
-------------------------------------------
isinulat ito ni eizs sa gymnasium ng kanyang paaralan sa kolehiyo. habang nanunuod ng mga varsity na naglalaro... buong araw na nasa isip nya si mayla at ang lahat ng kanilang pinagdadaanan,alam nyang hindi lalong madali sa kasintahan ang sitwasyon dahil ang lugar ng kanyang trabaho ang pinag uusapan...
--------------------------------------------
Pagkatapos ng maraming pagsasalo nila ni mayla,inilarawan ito ni eizs sa pinakamasining nyang paraan... narito ang isang tulang isinulat nya hindi para ilarawan ang paraan ng kanilang pagtatabi,kundi upang ipakita na anumang oras ay inihehele sya ng pagmamahal na yun.
---------------------------------------------
EROTIKA
Hamog ng gabi'y dumadampi sating likod...
sa katiktan ng 'yong kahubdan,ako'y yumuyukod,
alon ng kaligayaha'y sabay tayong nagpatianod...
ang inihain ng dyos ay tinanggap ng nakahiga,hindi nakaluhod.

ang tanging ilaw ng gabi ay nagmumula sa buwan,
ngunit banaag ko parin,hubog ng yong katawan...
na nagpapakislot at bumubuhay sa tulog kong kamalayan,
upang ganap na tanggapin,katawan mong tangan.

Nagsimulang maglikot itong aking mga kamay,
nilasap ang pagkababae ng aking minamahal...
lumabas ang tubig sa ilog ng buhay;
nilamyos ang kristal,sa batis na bukal...

magkasabay nating tinawid ang kasaganahang inialay,
naarok ring sabay ang kaluluwa ng tagumpay,
napakislot tayo sa ganda ng mga kulay...
ikaw na nakasama ko sa mahabang paglalakbay.

Pinagpawisan ng malagkit na dumulas sa'king bibig...
ng paliguan ko ng halik,ang aking iniibig;
at biglang magising na nasa madilim na yungib,
sinakmal ng katotohanang...sa panaginip lang ang ating pagsasanib.
--------------------------------------------
Nang ipabasa ito ni eizs kay mayla ay nasa sunken garden sila,magkahawak ng kamay at magkaharap habang hinihintay ng manunulat ang reaksyon ng kanyang minamahal... pagkatapos na mabasa ito ni mayla,ay huminto ito...nakatitig lang sa kanyang kapareha.
"Another masterpiece..." madalas nyang sabihin ito kahit anu pa at anu lang ang isulat ng kanyang tinataguring mister. sya naman kasi talaga ang number 1 fan ni eizs,at si eizs naman kasi ang number 1 supporter ng girlfriend. kapag ito ang humahawak ng mikropono ay gustong gusto iyon ni eizs,titig na titig sya sa babaeng pinapangarap nya lang nuon...lalong gumaganda ito sa paningin nya.

Pagkatapos na talikuran sila ng lahat,si mayla at eizs na lang ang naglalakad sa daan patungo sa kanilang iisang pangarap,madalas nilang mabanggit na pareho nilang pangarap ng isang relasyon ng babae at lesbian na hindi na kakailanganin pang itago,lagi kasing sinasabi ni eizs,na naniniwala syang ang respeto ng mga tao sa isang lesbian ay nasa paraan kung paano nito dinadala ang kanyang sarili. kahit kailan ay ayaw ni eizs na itinatago sya ng sinumang nagiging karelasyon nya,bakit?dahil simple lang...hindi naniniwala si eizs na nakakadiri ang sitwasyon,hindi normal...dahil yun ang pamantayan ng lipunan para sa tao,ngunit hangad ni eizs na mas mapalalim pa ang pag unawa ng mga tao sa kung anu ang damdaming dinadala ng bawat indibidwal,at ayaw nyang bitawan ang pananalig na isang araw,darating ang oras na hindi na kailangang hingin ang respetong yun...bagkus ay maipaunawa na ng mga naunang lesbian na ito ang indibidwalismo ng bawat isang nilalang. karapatang maging masaya at magpakita ng sariling pananaw... nais nyang maging totoo sa sarili na walang dapat ipaliwanag,walang dapat ipaintindi at hingin para may maibahagi... na ang respeto ay maaaring ibigay sa kahit kanino... nais nitong isang araw ay matutunan ng mga batang lesbian na napakahaba ng labang ito at hindi sila maaaring mapagod,hindi man mapagtagumpayan ang hamon,sa panahong tumitibok pa ang kanyang puso ay inaasahan nyang may mga taong magpapatuloy ng pakikidigma... hindi man lesbian ay ang mga taong nagmahal sa uring minsan ng inalipusta...ginagahasa ang kanilang mga pagkatao, nayuyurakan at pinapatay ang kanilang kaluluwa...sya ang nagdarasal na bukas makalawa ay maaabot natin ang pagiging malaya sa kahong ginawa ng lipunan para sa mga gaya nya...hinahangad nyang maunawaan ni mayla ang kahalagahan ng hindi pagtatago ng kanilang relasyon,dahil kahit magiging masikip ang butas ng karayom,alam nyang maging mahirap man sa ngayon...it will be worth the wait...dahil kapag ang kanilang piniping sigwa ay yakapin ng hangin,saan man ito makarating ay sa ama lang din dadalhin...

----------------------------------------------
pasensya na po hindi ko agad na update,dami ko kasing ginawa...saka hinanap ko pa sa baul ang mga tulang yan...hahahaha..

Si Ma'am ay isang pangarap...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon