Nagtuloy tuloy ang masasayang araw nila mayla at eizs...masusuyong paglalambing habang patuloy na umaarangkada ang karera ng kapareha ni eizs...unti-unti ay natuto syang magtanong..."nasaan ako sa mga oras na to sa buhay nya?" tatlong taon na nga,tatlong taon na most outstanding teacher of the year ang maganda nyang misis,habang sya ang taong nasa likod lamang ng telon,at patuloy na tinatanaw ang rurok ng bawat tagumpay ng kanyang sinisinta...
"Kasumpa sumpa raw ang maging babae sa panahong ito,lalo pa't ang pagiging babae,ng isang babae...ay idinidikta ng lipunan...hinubog ng kasaysayan. tila ba isang nakakahawang sakit na nasa dugo mo na at katauhan,naipasa sayo,sa ayaw mo man o sa gusto...ang babae raw ang pundya ng karsunsilyo,marumi ang pundyang marumi...taga salo raw ng dumi! ang babae raw ang kurbata! ang burda ng panyo at kamiseta! sa madaling salita... pang dekorasyon! tunay na kasumpa sumpa ang maging babae sa panahong ito,sa panahong nakagapos ang bayan, sa panahong ang lipunan ay pinalaki ang babae sa karupukan, sa panahong kubkob ang bayan...ng machoshit na gahaman sa kapangyarihan man at sa yaman! tunay na kasumpa sumpa kung hindi babalikwas ang lahat,matiim na magmumuni't magsusuri... kahit masugatan ang sarili, upang ang dugong sa kabahagi lamang dumadaloy,ay maglandas din sa isip...at guni-guni..." (excerpt mula sa dulang...DOLORES ng UPREP)
VO ng writer:weeeeew,kabisado ko pa pala...hahahaha! nice one!
pumailanlang ang palakpakan sa kanina'y tahimik na auditorium...habang panay ang kumpas ni eizs sa kanyang grupo,ay nakangiting nilapitan sya ni mayla.
"grabe,ang galing talaga ni mister..."
si mayla.
"para sayo..."matipid na sagot ni eizs.
"mhajal,mamaya pwede bang magcurtain call ka parin?para nalang sa mga bata?kahit wag na sakin?" napapaisip si eizs habang bumabalik sa kanya ang kaninang pakilala sa kanilang grupo..."ang YMCA,sa ilalim ng pagsasanay ni binibining Mayla Antonio" napapailing nalang sya. pero dahil kapag nagmamahal ka,hindi na mahalaga ang makita ka...bagkus ang mahalaga ay ang makilala sya...
"wag na,kulang na sa oras..."sagot ni mayla sa kahilingan ni eizs.
tumahimik na si eizs pero dahil stress ang lola nyo,nagyaya syang magyosi sa nuon ay kasama nyang production manager nila...
"tang ina naman...bakit ganun?! shit talaga!bakit???hay..." habang nanggigil si eizs sa hawak na sigarilyo.
"relax lang direk,narinig ko nanghihingi ng photo op si mayor ah?bawi tayo dun..."sagot ng PM nya.
"Letse,ayoko!wala ako sa mood...sila nalang...naiirita ko."sagot ni eizs.
at hindi nga sya bumalik sa loob hanggang matapos ang play at makabalik sila sa eskwelahan. nag iba ang pakiramdam ni eizs,pakiramdam nya...hindi tama ang nangyari,pakiramdam nya...may mali...
lumaki ang issue na to kay eizs ng hindi nila napag uusapan,hindi nya na binanggit dahil sa isip nya'y baka malimot nya rin kapagdaka ang nangyari,ngunit patuloy na ang kanyang pagtatanong sa kanyang isip,patuloy na nitong inilayo ang kanyang puso...
(Ms.Vargas
puede b tau magkita?kahit sandali?)
(eizs
bakit?busy ako.)
(Ms.Vargas
cge na?ako lalapit?)
(eizs
san?)
(Ms.Vargas
jan nalang?)
(eizs
k)ng hapong iyon nagkita sila at nagpaalam na si eizs kay ms.vargas na sya ay aalis,magbabakasyon...mag iisip. gusto nyang makahinga sa lahat at gusto nyang maiba ang kanyang mundo...mundong nawala sa mga oras na marami syang tanong.
"Kailangan mo ba talagang umalis?"si mayla.
"Maganda yung offer na work diba?para satin naman to,para makapag isip ako,para sayo,para sakin..."Si eizs ang tipo ng taong kapag sinabing mag iisip,totoong ginagawa nya yun,mali ang pagpayag ni mayla dito,dahil alam ni eizs na ang simpleng paglayo na to ay magiging dahilan ng tuluyang paglayo...alam nyang nawala na sa puso nya at natabunan na ng sakit ang lahat ng pagmamahal nya,minsan ang oras at distansya ay nagsisilbing pader sa mga bagay na sana ay maaayos pa...

BINABASA MO ANG
Si Ma'am ay isang pangarap...
RomanceIsang kwentong kahit ako hindi naniniwalang posible at magiging posible sa loob ng isang malakahong lipunan...ang AKADEMIYA. marahil kahit ikaw ang una mong iisipin, malabo...imposible... pero sa maniwala ka at sa hindi... NANGYAYARI...hahaha...para...