"Desisyon mo yan,alam mo na ang kapalit" paulit-ulit na bumabalik sa isipan ni eizs ang mga salitang ito habang magkaharap sila ni mayla.
"Kamusta si Ms.Luis?"tanong ni mayla kay eizs. umiling lang ang huli,tanda na hindi rin ito pumapabor sa sitwasyon.
Kapag ganito ang sitwasyon,tahimik lamang ang dalawa habang magkayakap sa ilalim ng punong madalas nilang pag-istambayan.
"Kamusta sa bahay nyo?"
"Nagagalit na si Mama at Papa,lagi nalang daw akong hindi umuuwi. Panganay daw ako,pero di na ko nakakatulong sa bahay." sagot ni eizs."Ikaw?"balik na tanong nito.
"Ayun,si mommy...nagtatanong na rin. grabe noh?parang tayo lang talaga ang magkakampi? parang ang hirap maging masaya kasi ang daming problema?sa school,umiiyak nalang ako kapag may nagsasalita tungkol satin." may lungkot sa himig ni mayla.
"kaya mo pa ba?"tanong ni eizs,ngunit alam nyang ang katanungang ito ay para sa kanyang sarili.
"Bee,ngayon pa ba?oo naman,hindi kita bibitawan."mabilis na sagot ni mayla."Bakit?di mo na ba kaya?"pagbabalik na tanong nito sa kapartner.Bata pa lang si eizs,alam na nyang kapag dinesisyunan nya ang maging lesbian ay magiging masalimuot ang kanyang daan,dahil nung mga panahong nag-iisip sya tungkol dito ay naikonsidera na nya ang mga bagay-bagay kung kaya alam nyang hindi madali,lalo pa ngayong dalawa na silang lumalaban para dito,ngunit dalawa rin silang nasasaktan at naaapektuhan.
Nagdesisyon si mayla na humanap na ng kanyang sariling lugar,para madali ng makapunta si eizs sa kanya dahil hindi na rin ito pinapayagang makadalaw sa kanilang bahay. naghanap sila ng apartment na mauupahan. hindi naging madali dahil hindi naman sanay si mayla sa hindi maayos na lugar. ngunit mukhang sinwerte sila ng makita nila ang apartment na pag mamay ari ng isang koronel,at higit pa dito malapit kay eizs ang apartment. Hindi naging madali para kay mayla ang iwan ang kanyang pamilya,nagkaroon sila ng hindi pagkakasunduan. tanging ate nya lang at mga kapatid ang kanyang nakakausap. Ngunit pinili nya paring sundin ang kanyang puso at sumama kay eizs.
Nung una ay sinasamahan lang ni eizs ang girlfriend hanggang bago matulog at uuwi na ito sa kanilang bahay kung gabi na hanggang sa minsan hindi na ito umuuwi,hanggang sa kinailangan nya ng ipaalam sa kanyang mga magulang ang tungkol sa kanila ni mayla.
"Ma,sorry na po."habang nag uusap ang mag-ina.
"Nak,sakit ba yan?" napinid si eizs sa kinauupuan. close sila ng kanyang ina.
"Alam mo nak,baka naman isinumpa ako kasi dati may nanliligaw sakin na mga tomboy tapos binusted ko."VO:"Ma,yung totoo?anu to?lagnat?o sipon? na nakakahawa?kawawa naman mga lesbian,grabe,ginawa mo pang mangkukulam!isinumpa?ganda mo ah?!hahaha...sabagay,maganda naman talaga si mama...pero grabe naman ang myth sa pagiging lesbian.weird."
Napahinto si eizs sa tinuran ng kanyang ina,ngunit pagkatapos nito ay hindi nya napigil ang sarili na matawa at nauwi sa tawanan ang kaninang seryosong usapan...niyakap ng ina ang kanyang anak,at unti-unti nag iba ang emosyong meron ang dalawa,alam ng ina na hindi madali ang pagdadaanan ng kanyang anak,mga panglilibak na ibibigay ng kanyang lipunan at higit sa lahat ang mga deskriminasyong maaari pa nitong maranasan.
Ang mga magulang,kung maaari lang na sa kanila nalang iparanas ang sakit,wag lang sa kanilang mga anak. habang tangan ng kanyang ina ang ulo ng anak,panay ang tulo ng luha ni eizs,malungkot ito na pinagdadaanan ni mayla ang lahat dahil lang minahal sya nito. minsan ay pinagsisisihan nya na tuloy na hindi sya naging lalaki, na sana normal ang naging pagmamahalan nila ni mayla. walang mangungutya at walang makakapanakit sa kanyang minamahal...ang maganda lang,matibay ang kanilang pagmamahalan. walang maaaring makapagpahiwalay sa kanila.Ngayon,kung paanong tumutulo ang luha ng anak,ay higit ang hinagpis ng kanyang ina...natatakot ito para sa kanyang panganay. maraming maaaring mangyari dito,at alam lahat iyon ni eizs,kung kaya nangako sya sa sariling,huling iyak na nya ito sa harap ng kanyang ina...na gaano man maging kahirap ang kanyang pinasok ay pipilitin nyang lusutan ito ng mag isa...
"Bee,ice tea?coffee?or me?" tanong ni mayla sa nuong nakaupong si eizs. madalas nitong upuan ang directors chair na meron si mayla, napangiti ito sa kanya at unti-unting hinubad ang kanyang damit. napatayo si eizs sa kanyang upuan at biglang napatakbo sa mga bintana...
"anu ka ba?nakabukas yung mga bintana.pamigay?!" ngiting pilya ang tanging tugon ni mayla.
"alam kong gagawin mo yan,di mo pababayaan na matitigan to ng iba.""ah!talaga lang ah?halika dito!patay ka sakin..."
mahirap ang sitwasyon ng dalawa,ngunit nahuhugasan ang lahat ng ito dahil sa masuyong lambingan ng dalawa,na kapag nangyayari ang lahat ng sakit...ang kanilang lambingan ang tila tubig na dumidilig at ang mga luha o sakit ay dagliang natatapos.
habang naghaharutan ang dalawa ay napatigil sila sa mga libro ni maylang nakakalat sa paligid dahil nagliligpit pa lamang sila ng mga gamit nito na huli ng dumating.
"Bee,nakikiliti ako.."napahinto si mayla habang napahiga sa mga libro na malapit sa kanyang cabinet. nasa ibabaw nya ang kaninang nangingiliting si eizs,bigla itong nagbaba ng mukha at binigyan ng masuyong halik ang girlfriend...nagpaubaya naman ang huli,at piniling wag ng ibalik ang kaninang mga saplot na tinanggal. eizs wants more of her girlfriend,mayla and her body tells the same...
minsan,mapait ang kapalit ng ating mga pangarap...ngunit sa kanilang sitwasyon,mas pinipili nilang tignan na ang bawat isa ang buhay nila.
--------------------------------------------
"Makati"
-Minsan lugar,madalas sila...
nyahahahha...
-------------------------------------------
Alam kong natagalan kayo sa pag update ko...nagbakasyon kasi ko.sorry...
--------------------------------------------
Minsan,mawawalan ka na ng reason na sumulat. walang inspirasyon. walang rason. wala kang kwentong maisip. kaya baka bakasyon din muna,para naman makahugot ka ng istorya...kapag hindi maganda ang takbo ng mga bagay,kailangan mo munang huminga..mag unwind,to have your own space and be silent...ako kasi,kahit gawin mo kong door mat okay lang,for as long as nararamdaman kong mahalaga pa ang presensya ko sa buhay mo,pero kapag pinaramdam mo sakin na ayaw mo na sakin,o mas okay kung wala ako sa buhay mo...i will let go,mas kaya ko pa yung sakit ng mamimissed kita kaysa ipagpilitan ko sayo ang sarili ko...dahil kapag sinabi mo ng umalis na ko sa buhay mo,kahit biro pa yun...i will let go...yan siguro ang pagkakapareho namin ng bida sa kwentong to...tignan natin kung paanong hahantong ang lahat sa ganun... enjoy reading...
BINABASA MO ANG
Si Ma'am ay isang pangarap...
RomanceIsang kwentong kahit ako hindi naniniwalang posible at magiging posible sa loob ng isang malakahong lipunan...ang AKADEMIYA. marahil kahit ikaw ang una mong iisipin, malabo...imposible... pero sa maniwala ka at sa hindi... NANGYAYARI...hahaha...para...