Gumising ka na sa isang malalim na panaginip...

702 15 0
                                    

Hindi nalang pinag usapan ng dalawa ang nangyari,pero malalim ang nangyaring ito kay eizs...dahil matagal na nyang gustong magteacher,pakiramdam nya ay hindi sya para dun...paano nalang kung totoong teacher na sya,narealize nya na ang hirap palang maging teacher...

pansamantalang talunan muna natin to...sa sobrang broken hearted ang loko dahil kay ms.vargas parin ay lahat nalang ng activities sa eskwelahan ay sinalihan nya,CAT officer sya habang kabilaan ang mga inter-school competition,nasobrahan ata sa kasipagan kung kaya nakalimutan ng alagaan ang sarili,isang araw nalang ay biglang nilagnat si eizs at bumagsak sa isang fastfood chain,ang kagandahan lang kasama nya ang mama at papa nya ng mangyari to.iniuwi sya sa bahay at agad na pinagpahinga,ng magising sya ay nagkalat ang dugo nya sa unan...habang may lumalabas sa kanyang ilong ay may lumabas ding dugo sa kanyang bibig...

"papa!" sigaw ni eizs na nahintakutan sa nakita,sa sobrang pagkagulat ng kanyang ama ay agad sya nitong kinarga at ang mama naman nya ay tumawag ng taxi,itinakbo sya sa ospital at duon nalaman na may typhoid sya...

halos isang buwan si eizs na absent sa klase at sa loob ng isang buwan na yun ay hindi man lang sya dinalaw ng kaibigang si mayla,ibig sabihin...hindi naman ganun ang halaga nya dito...ibig sabihin...sa malalim na panaginip na yun,sinampal sya ng katotohanang teacher ito,at estudyante lang sya...

pagkatapos na makalabas si eizs sa ospital,pinuntahan nya si mayla kahit na hindi pa talaga sya magaling ng lubusan,habang nakaupo sila sa iisang upuan inakbayan sya nito at ikinwento ni eizs ang nangyari,mayamaya ay bumaba na si eizs sa headquarters ng CAT, nuon kapag pumapasok sya dito dahil sya ay opisyal at may ranggo,tumatayo ang mga nasa loob at sumisigaw ng "tyon!" pinaikling attention lang naman yun,ibig sabihin may opisyal na papasok at kailangang sumaludo ang lahat...(ngunit dapat ang papasok ay mas mataas ang ranggo kaysa mga nasa loob,dahil kung may mas mataas ang ranggo na ang nauna sa loob dapat ay kakatok ang gustong pumasok at magpapaalam na papasukin sya)parang ganito,pagkatapos mong kumatok ay:"sir,captain churva requesting to enter the room sir! hahaha...parang ganun...pagpasok ni eizs ay nakita nyang walang reaksyon ang mga nasa loob,ang ikinagulat nya ay ng makitang nya ang memo na sya ay suspended due to absences... malungkot nyang kinuha ang memo at umakyat ulit kay mayla...

"oh,bakit nakasimangot ka?" tanong nito kay eizs...
napapailing na lang ang huli ng ikwento nya kay mayla ang nangyari,nagulat si eizs ng walang anu anung hablutin ni mayla ang memo at dumiretso pababa sa headquarters nila...
"sinong gumawa nito? asan sya?" pagtataray ni mayla...
"maam,wala po dito yung S1 namin eh," sagot ng isang opisyal...

"ipatawag nyo kakausapin ko!"
hindi alam ni eizs kung matutuwa ba sya o matataranta habang nakikipag away si mayla,dumating ang S1 at kinausap ito ni mayla na talagang galit na galit...
"can you explain to me why you have to suspend her after knowing that she just came from the hospital?" mataas na ang boses nito.
"tama na yan please?" awat ni eizs,
"hindi,wait lang mali to eh! bakit kayo basta basta nagsususpend ng taong may excuse kaya umabsent?"
nakayuko lang si cinderella habang pinapagalitan ni anaconda...joke lang...hahaha...dala nanaman ng imahinasyon ni eizs na parang nasa pelikula lang ang lahat...bumubuga ng apoy ang dragon habang sinasalo naman ng kalasag ng isang magiting na knight... ang kaigihan lang,hindi rin naman sumasagot ng mali ang S1,pagkatapos na mangako nito na babawiin ang suspension...napacify na si maam mayla at bunalik sa department. puntos ba yun?tanong ni eizs sa isip,o ganun lang talaga sya sa lahat? napatawad na nya ang kaibigan sa hindi nito pagdalaw sa ospital,ang masaklap lang...sinabi sa kanya ni mayla,na may bago itong boy friend...at ang higit na masakit ay teacher din sa eskwelahan nya... parang binuhusan si eizs ng malamig na tubig sa kanyang pagkakatulog...yung tipong magigising ka kahit pa puyat ka!

kaya pala hindi ito makadalaw kasi may ibang pinagkakaabalahan na...

Si Ma'am ay isang pangarap...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon