Araw-araw magkasama si mayla at eizs para sa nalalapit na youth week,kung saan ang mga piling mag aaral ang papalit sa guro na magtuturo sa klase,artistic si eizs,pero aminado syang hindi sya matalino kung ang pag uusapan ay academics,average student kumbaga...pero nag sabi sya ng oo kay mayla dahil ayaw nya itong hindian...mahirap ang lesson ni mayla dahil ito ay world history at hindi naman magaling magkabisado si eizs,minsan habang binabasa nya ang lesson na ibinigay ni mayla ay nakakatulugan nya na ito sa ibabaw ng study table nya sa kwarto...ayaw nyang mapahiya sa kaibigan. unti-unti rin na nawalan sya ng oras sa kanyang love life,kahit halos dalawang linggo lamang naman ito.
"eizs!" may babaeng tumatawag sa kanya habang nagmamadali syang makasakay ng dyip,lumingon sya at nakitang ang girlfriend na si aileen nga. huminto sya at ngumiti...(madalas ngumiti si eizs,kapag napapahiya o natutuwa)
"pinagtataguan mo ba ko?" tanong ni aileen na halatang pagod pa sa paghabol.
"huh? bakit ko gagawin yun?"sagot ng kausap.
"wala ka man lang paramdam eh?" habang nakataas ang kilay ni aileen.
"busy ka diba?kasi kayo ang papalit sa mga head teachers?ako naman busy kasi ako ang papalit kay ms.mayla..." sagot ni eizs.
"sus!para yun lang?bakit di ka na ba makapag angat ng telepono sa sobrang pag aaral?" sarkastikong salita ni aileen.
"natatakot kasi ko,baka mapahiya ako...alam mo naman,di ako magaling sa history..." habang nakayuko si eizs ay inakbayan sya ng girlfriend...
"tara! upo tayo sa playground...irereview kita..." alok nito kay eizs.
habang naglalakad ang dalawa,bumili si eizs ng coke na inilagay ng tindera sa plastic at may kasamang straw,nagkukwentuhan ang dalawa at nagtatawanan sa mga lesson na pinag aaralan ni eizs,first time nya ang mangyayaring ito...kaya ganun na lamang ang kabog ng dibdib nya.Dumating ang araw ng kanilang pagtuturo,nakapang babae si eizs ngayon. Sa ilang araw,naramdaman nya kung gaano kahirap ang maging guro, kung paanong ang mga mag aaral ay uupo lang sa klase habang buong magdamag na pinagpuyatan ng teacher ang preparasyon at sisirain lang sa isang iglap ng mga makukulit at pasaway na estudyante...
"KARMA" yan ang nasabi ni eizs sa sarili,sapagkat isa sya sa pinaka mapang asar na estudyante. yung tipong alam na ang sagot para lang maubos ang oras ay talagang itatanong pa...habang ang ating mga guro naman kahit alam naman nilang alam nyo na ang sagot ay patuloy at masining pa ring pinahahalagahan ang mga tanong na yun at sasagutin ng buo nilang kaalaman.Pangatlong klase na ni eizs ng biglang dumating si ms.mayla, mag oobserve daw ito. kinabahan na si eizs dahil natatakot syang magkamali...
tama...minsan,hindi masarap ang matulog,lalo na sa harap ng klase...
nawala sa wisyo ang pobreng si eizs,nagkabalubaluktot ang dila at naging malabo ang lesson...
VO:"anu bang nangyayari sayo? kanina nung wala sya maayos ka naman ah?naku ka talaga eizs?!parang talagang gusto mo ng ipalapa ang sarili mo sa lupa...my God...magtira ka naman!"Nang matapos ang klaseng yun,tahimik na bumalik ang dalawa sa department,alam ni mayla na napahiya nya si eizs ng tumayo sya at sinalo si eizs habang nagkakalat kanina,sa kabilang banda naman...alam ni eizs na napahiya nya si mayla...na sya ang pinili nitong maging gurong mag aaral.
mahirap talaga ang matulog kahit dilat ang mata...tahimik sila,magkaaway kaya?
BINABASA MO ANG
Si Ma'am ay isang pangarap...
RomanceIsang kwentong kahit ako hindi naniniwalang posible at magiging posible sa loob ng isang malakahong lipunan...ang AKADEMIYA. marahil kahit ikaw ang una mong iisipin, malabo...imposible... pero sa maniwala ka at sa hindi... NANGYAYARI...hahaha...para...