"Hi,kamusta?" isang text ang natanggap ni eizs mula sa isang numerong hindi naka save sa kanyang phonebook. Hindi nya ito pinansin,hindi sya basta nagrereply sa mga text lalo na't hindi ito nagpakilala.
Nag apply ng trabaho si eizs sa isang fast food chain,habang nagdidirek sa eskwelahan ng kanyang girlfriend. pinili nya ang fast food na malapit sa business nilang RTW upang maging madali para kay eizs ang matignan ang kanilang business...
Sa umaga ay nagtuturo si eizs sa organisasyon nila bilang direktor,maghapong kinakain nito ang kanyang oras,buong pusong ginagawa nya ang lahat ng ito para sa kanyang girlfriend...para sa babaeng minsan ay pinangakuan nya ng habang buhay, at natural din talaga kasi kay eizs na kapag mayroon syang focus,sinisigurado nya ng tama at maganda ang kanyang ginagawa...sa hapon ay pumapasok sya sa fast food at twing magbebreak ay umaakyat sya sa kanilang pwesto upang icheck ang stall nila,araw-araw ay naging sistema ito ni eizs,may mga oras na pag magko-closing sya sa trabaho ay halos nangangatog ang kanyang katawan sa pagod. Kahit kasi hindi mayaman ang pamilya nila eizs di tulad ng kay mayla,ay hindi rin siya sanay sa batak na trabaho dahil lumaki silang may katulong...masipag kasi ang mama ni eizs kung kaya kahit mahirap ang buhay nila ay hindi nararamdaman nila ang eizs ang hirap na pinagdadaanan ng pamilya,sinisigurado ng kanyang ina na anumang gugustuhin ng kanyang mga anak ay makukuha nila...kung kaya't ang pagtatrabahong ito para kay eizs ay isang malaking pagsubok.
VO:"grabe talaga,isang oras akong nakatayo para sa 28 pesos na yun?! parang kapalit ng isang coke na ni hindi 1.5?tapos isang oras kang hindi pwedeng umupo...grabe,simula ngayon hindi na ko iinum ng coke!sayang pera!"
Madalas na pagod ang batang katawan ni eizs at pag dumarating sa bahay ay wala ng nag aasikaso sa kanya dahil kadalasan ay tulog na ang kapartner na si mayla. hindi na sila halos nagkikita at nagkakausap...ang pinakapagkikita nila ay kung magpapang abot sa practice ng org nila o di kaya'y hindi mamimili kinabukasan kung kaya may oras pa ito para dumaan sa store na pinagtatrabahuan ni eizs. sa ganitong sitwasyon at sa marami pang tampo ng huli na hinahanap hanap ang dating pag aalaga ng girl friend ay madalas na mainit ang ulo nito,gayundin dala marahil ng matinding pagod ay hindi na nito natutulungan ang girlfriend na mag asikaso sa kanilang bahay. Nagsimula na ring maging conflict ang hindi pagkilos ni eizs sa bahay...
"Parati nalang na ako ang kumikilos sa bahay...para na syang nagbobossing bossing-an." habang malungkot ang mukha ni mayla na nagkukwento sa ate yeth ni eizs na halos kaedaran nito.
Kumalat ang salitang ito sa mga pinsan ni eizs,close ang kanilang pamilya hanggang sa magpipinsan.
Nang minsang magkaroon ng pagtatalo sina yeth at eizs ay humantong sa sigawan at pagsasalitaan,bigla nitong nabanggit ang:
"oh bakit?ikaw nga ang tamad tamad mo at nagbobossing bossingan ka sa bahay nyo!kawawa naman si mayla!"
parang sinakluban ng langit at lupa si eizs,higit pang ikinasakit ng loob nya ng malamang ang salitang ito ay galing sa kanyang pinakamamahal na girlfriend,ang babaeng halos ibinigay na nya ang buo nyang lakas upang maibalik ang dating pagtingin at respeto ng mga kapwa guro nito sa kanya. Oo,kung tatanungin mo kung bakit halos magpakamatay si eizs sa pagdidirect sa kanyang eskwelahan kahit sa loob ng anim na taon ay wala syang nakuhang bayad dito,at halos kalimutan nya ang lahat ng kanyang pangarap kahit alam nyang may mga magagandang oportunidad na naghihintay para sa kanya at kahit alam na alam naman nito na may kakayahan syang umasenso ay mas pinili nyang magsilbi sa lugar na pinagtuturuan ng girlfriend sa kabila ng lahat ng pambabatikos ng mga guro sa kanya...yun ay dahil nais ni eizs na maibalik ang kumpyansa at dignidad ng girlfriend sa working place nito,na sa kabila ng katotohanang mali ang relasyong mayroon si mayla at sya marahil ay gusto ni eizs na ipakitang kahit lesbian sya ay hindi dapat na maliitin ng iba ang kanilang relasyon at nais patunayan ni eizs na hindi ito magiging hadlang para makuha at maani ng girlfriend ang respetong nararapat para dito,na makita ng mga tao na hindi ang personal nito ang dapat nilang husgahan kundi ang kakayahan nito bilang isang guro... ngunit sa mga oras na naririnig nya ang panlilibak ng tyahin na sya ay walang kwentang kapareha at ito ay nanggaling na salita sa kanyang girl friend tila pinagguhuan ng mundo ang batang puso ni eizs...
Napaiyak sya ng matindi at maraming tanong ang nasa isip nya.
BINABASA MO ANG
Si Ma'am ay isang pangarap...
RomanceIsang kwentong kahit ako hindi naniniwalang posible at magiging posible sa loob ng isang malakahong lipunan...ang AKADEMIYA. marahil kahit ikaw ang una mong iisipin, malabo...imposible... pero sa maniwala ka at sa hindi... NANGYAYARI...hahaha...para...