masalimuot pala ang pagtupad ng pangarap...

532 21 0
                                    

tumunog ang awditibo ng telepono nila eizs,iniangat nya ito,maingay ang paligid dahil sa mga bisita sa bahay nila...ipinasok nya ang telepono sa kanyang kwarto.
"hello..."boses ng babae,si mayla ang tumawag.
"oh?maam?bakit po..."ayaw na sanang pag usapan ni eizs ang nangyaring aminan kanina...pakiramdam nya ay natapos na ang plano ni ms.luis...
"anung ginagawa mo?"tanong ng nasa kabilang linya.
"nag aasikaso ng mga bisita,matulog ka na po...gabi na."
"okay,good night."pagpapaalam ng kausap.
"okay,bye..." pagtatapos ni eizs sa usapan.
"wait,eizs...uhm,yun lang?good night lang?"
"okay,goodnight.bye."
"no,ayoko!wala man lang...iloveyou?"

VO:"putik na basa!anu yung i love you????anu yun?I LOVEYOU YUN EIZS?!,big word yun!gumalaw ka naman bata!sumagot ka!pangarap mo sya diba?ayan na!bakit ayaw mong i-grab! naduduwag ka nanaman!?ayaw mo nanaman ng commitment???takot ka nanaman?"

"hello,andyan ka pa ba?"
"opo,andito pa...oo,yun lang,goodnight po.bye."patay malisya ang loka loka!kunwari walang narinig ang bruha?nakakairita ka eizs!hahaha...nagrereact ang writer!hahaha...di ko mapigil sorry...

balik tayo sa usapan,ayun,pagkatapos ibinaba na ni eizs ang telepono...weird noh?pangarap nya yun pero di nya tinanggap agad,siguro dahil kahit naman matagal nya ng pangarap si mayla,alam nyang may fritz na umaasa sa pangako nya,at napamahal na rin ito sa kanya...natural,masaya sya...ang kaso,bakit ngayon lang?bakit ngayon pa?kung kailan kumpleto na sya?kung kailan nabawi na nya ang sarili nya?panu ang pagkakaibigan nila?panu kung hindi magwork out?panu kung...panu kung okay naman pala?teka,panu kung matagal na pala nila parehong mahal ang isat isa pero natatakot lang din si mayla kasi syempre teacher sya?panu kung ngayon lang sya nabigyan ng lakas ng loob?kasi college naman na si eizs?di na sya estudyante sa eskwelahan kung saan ito nagtuturo?baka naman pwede?baka naman ngayon posible na?baka pagkakataon na ni eizs na maging masaya?panu kung ito na pala?eh bakit may fritz?bakit pinakilala sya ni lord kay fritz?teka nga!ang dami mong tanong?si lord ba ang nag introduce sa kanilang dalawa kaya pati si lord inaabala nyo?sila ang humarot sa isat isa diba?choice nila yun?kaya nga may free will ang tao!asus! mga pakulo ng mga to!daming alam...hahaha...

hindi makatulog si eizs,iniisip nya ang nagyari at ang mga mangyayari pa...natatakot syang masaktan habang natatakot din syang makasakit...lalo na si fritz,maliban kasi sa girlfriend nya ito ay naging close na rin sila,kita nya ang saya nito sa tuwing magkasama sila...sa tuwing naglalambingan sila at ang mga kantahan at tawanan...

VO:"syet na malagkit! bakit ngayon pa nagkadikit dikit?kung kailan naman alam na ng lahat bakit bigla kang sasabit?eizs!? araw lang ang pagitan boi!araw lang!anu ba namang buhay to!?"

kinabukasan maagang tumawag si fritz para ipaalala ang date nila ni eizs sa isang sikat na restaurant sa isang mall na malapit kay eizs,kahit kasi taga parañaque si fritz,talagang may effort syang lumapit sa kapartner dahil alam nyang hindi ito sanay bumyahe...

hapon ang usapan kaya gumayak na si eizs dahil magkikita sila ng 4pm sa mall,biglang nakatanggap sya ng text...oooppss,may cellphone na nga pala si eizs,regalo ng mama nya nung graduation nya ng high school.

"san ka?"-mayla
"sm po"-reply ni eizs
"andito kami sa department store,ilalim sa bilihan ng regalo.wait ka namin"-mayla
"okay,cge,daan ako.may lakad din kasi ko."-eizs

pagkakita nila kay eizs,iba ang ngiti ni mayla...

"ma'am saglit lang po ako ah?kasi magkikita kami ni fritz ngayon."paalam nito.
"bakit kayo magkikita?"pag uusisa ni mayla.
"date yun." maikling sagot ni eizs.
"DATE??? anu?teka nga,mag usap nga tayo.excuse lang ah?"paalam ni mayla sa dalawa pang kasamang kaibigan din nila.
"bakit ka makikipagdate?"galit na tanong ni mayla.
"syempre girl friend ko sya...saka pag uusapan namin yung overnight namin sa december 28,bakit po ba?" walang alam ang bata.

"eizs,girl friend mo na ko tapos makikipagdate ka?!"galit na talaga si mayla...

VO:"wait,wait,wait!anu to?di ko alam na may girlfriend ako?bakit?paano?saan?kailan?teka nga!naiinis ako!bakit ganun?di ko alam?"

"kailan?"tanong ni eizs kay mayla.
"shit. kahapon?diba inamin mo sakin na gusto mo ko?inulit ko pa,seryoso ka ba?sumagot ka oo,sabi ko okay..."pagpapatuloy ni mayla.

VO:"anu?kahapon?bakit hindi malinaw?pero bakit parang ang saya ko?ang gago mo eizs,tanga ka ba talaga o abnoy ka lang...baka ganun na ang uso ngayon?oo-han lang tapos shoot okay na! ang old school mo kasi?!"

nakaramdam si eizs ng pagkagulo ng isip...pero ang tanging alam nya,ito yung 3 taon na nyang pangarap...yung maging sila ni mayla. nakaramdam sya ng hiya kay mayla,kasi bakit di nya nagets lahat...panu ang gagawin ni eizs?panu si fritz?panu sila?paano kaya nya haharapin ang buhay nya ngayon?gayong hindi na sila magbestfriend kundi mas malalim na... masalimuot pala ang daan patungo sa kanyang pangarap...atleast ngayon hindi na basta pangarap lang si maam...isa na syang pangarap na masarap pagtrabahuan... pangarap na halos abot kamay nalang...depende kay eizs...malalaman natin sa mga susunod na pagkakataon...

---------------------------------------------
sa lahat ng nagvote salamat po,mahal ko na kayo...hahaha...at sa mga kaibigan kong humihingi ng halo-halo dahil vinote nyo ang kwentong to,sige palalamigin ko ang buhay nyo. at sa mga kaibigan kong grabe...nanakot pa na hindi ako patutulugin kapag hindi ko to inupdate,utang na loob po,maliban dito may pagtulog din na dapat maganap dahil may pasok pa po ang aba nyong lingkod. salamat sa lahat ng naniniwalang may kwenta ang kwentong to...maglalagay rin ako ng mga tulang ginawa ni eizs para kay mayla dito sa istoryang to...abangan nyo lang po ang mga susunod pang kabanata.kung anu ba ang plano ni eizs at paano na sila ni fritz,para naman sa kaibigan kong hindi daw maka get through sa wattpad at nanghihingi ng hard copy,uhm...sorry po.wala akong hard copy.anyway,hanggang sa susunod na pagtatae ng tinta ng aking utak,salamat at hinayaan nyong dito ko ipunas ang dagta ng aking kokote...

at para sa kaibigan kong gusto kong magsulat para sa indie,yung magdirek kaya ko po,yung magsulat wala pa ko sa ganung kakayahan pero dahil ganun mo ko kamahal...wow ah?ikaw lharng saphart nar!hahaha...

#duwagkungduwag

Si Ma'am ay isang pangarap...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon