"eizs,sasama ka ba sa field trip?" tanong ni fritz, "sasama yan!" si KY ang sumagot para kay eizs,"syempre hindi pwedeng may mawala sa amokk doze..." si tina naman na isa pa nilang kaklase ang umagaw ng atensyon ng lahat. gusto ng matawa ni eizs sa lahat ng mga kaharap dahil pakiramdam nya dinesisyunan na nitong mga ito ang buhay niya. hindi alam ng mga kaharap ang namumuong pagkakaintindihan kay fritz at eizs,pero alam nilang espesyal ang pagtitinginan ng dalawa dahil halata sa galaw ng mga ito.lumapit si eizs sa sikretong girlfriend...bumulong...
"gusto mo bang sumama ako?"
tinignan lang sya ni fritz na tila naiinis.
"anu ba namang tanong yan?natural..."
"fritz,pagkatapos ng field trip bumaba tayo sa lugar nyo ah?overnight tayong lahat dun..." sundot ni klay sa usapan.
tumingin si fritz kay eizs,parang humihingi ng pag sang ayon...na sinagot naman ng huli ng pilyong ngiti."basta alam na kung sino-sino magkakatabi sa pagtulog ah?" sagot ni fritz,"si tina ang katabi ko..."agaw ni eizs na halatang nang iinis sa kausap,pero kay fritz parin nakatingin.
"okay."tipid na sagot ni fritz,sabay tayo...halata ng grupo na galit na ang isa,tumayo ito sa usapan at naglakad sa killing field ng eskwelahan nila...hinabol ni eizs si fritz,"uy,anu ba yan?bakit ka nagwalk out" nakatalikod parin si fritz. pagharap nito ay may luha na ang mata..."nakakapikon ka! nakakainis ka! nakakairita na!" nagulat si eizs pero isang lambing lang para sa kanya ang biro kanina..."hay naku naman...babe,para kang bata..." amo ni eizs sa girlfriend na parang gusto na syang bambuhin...
"eizs naman kasi wag ganun!alam mo naman na kaya lang ako sasama dun dahil sayo at sa swimming tapos biglang may mga ganun ka pang tirada...nakakapikon!"
paglingon ng dalawa mga nakataas ang kilay ng buong barkada nila at nakatingin sa kanila...
"anung arte yan?may hindi ba kami alam dito?" bungad ni klay...lumapit si eizs kay fritz at hinawakan nito ang kamay ng dalaga...pagpapatotoo sa kung anuman ang iniisip ng mga barkada nila...
"self confessed...yeah." ngumiti si fritz,at lalong hinigpitan ang kapit sa kamay ni eizs...CONFIRMED NA!natuloy ang field trip at natuloy ang overnight...kung itatanong nyo kung natuloy ang lambingan ng magka-on...oo!hindi nila pinalampas ang gabing yun...at nag usap na susundan pa ulit ito ng overnight ni eizs sa bahay ng girlfriend.
lumipas ang ilang araw at muling dinalaw ni eizs si mayla,mas mukhang okay na ito ngayon...nagkwentuhan ulit sila at ipinakita ni eizs sa mga kaibigan ang mga pictures ng nagdaang fieldtrip. napansin ni mayla na maraming larawan ang magkaakbay si eizs at si fritz,merong ilang pictures na nakayakap si eizs sa babae...kahit group picture ito ay halatang espesyal ang meron sa dalawa.
"kayo ba?" nagtanong si mayla,hindi alam ni eizs kung ano ang intensyon nito sa pagtatanong...hindi kumibo si eizs,hindi naman nagbaba ng tingin si mayla...
"sagutin mo..."
"gusto ko sya" maikling sagot ni eizs.birthday ng kapatid ni eizs ng araw na yun pero nasa eskwelahan parin nya sya nung high school,
"eizs,mauuna na kami ah?mukhang may dapat kayong pag usapan ni mayla"sabi ni ms.luis bago ito tumalilis ng alis,natira nalang ang dalawa sa department,tanging si eizs at si mayla lang...hindi maunawaan ni eizs ang kabang nararamdaman nya.
VO:"ito kaya yung plano ni ms.luis na pagpapaamin kay mayla?di ko maintindihan trip nila?panu kung?bakit?saan?kailan?anu isasagot ko?anung gagawin ko?eizs humanap ka na kaya ng tali para makapag bigti ka na lang pagkatapos?o pako para ilaslas sa leeg mo?ang pangit namang pagkamatay nun?pero putris na buhay to!mukhang mamamatay na talaga ang pakiramdam ko!"
mahabang katahimikan ang namamagitan sa dalawa,ilang sandali pa ay tumayo na si mayla.
"sabi sakin ni maam luis,may crush ka daw na teacher?" basag ni mayla sa katahimikan.
VO:"anu yun?anu ba yan?maam luis,naku ka talaga!nilalagay mo ko sa alanganin!"
"huh?wala po..." sagot ni eizs,medyo ngatal ang tono,halatang kabado...
"sige na,sabihin mo na,malay mo matulungan pa kita?ilalakad kita?"pakiramdam ni eizs ay hindi lang si mayla ang pinaaamin ng kaibigang si ms.luis,kundi pati sya...
"okay,fine...sige,meron...ikaw."
VO:"takte!teka,teka!rewind!bawiin mo! bawiin mo eizs habang may oras pa!habang hindi ka pa nasasampal o napapahiya!nakalimutan mo na ba?bestfriend mo si mayla!bad ka!hindi pwede to!Lord kung maibabalik ko lang ang sinabi ko,kung suka lang yun na lumabas sa bibig ko...willing po akong kainin ulit yun!yikes!"
lumapit si mayla kay eizs,isinarado ang pinto ng department...hinawakan sya nito sa balikat at ibinaba ang mukha nito malapit sa mukha nya...napatiim si eizs,kinakabog na ng sampong drums ang dibdib nya,alam nyang rinig ito ni mayla...Dugdugudong!dugdugudong!bom bom!!!
"ako?seryoso?" niyakap ni mayla si eizs,ibang yakap na di tulad nuong magkaibigan palang sila...yakap na parang nagsasabing iyo ako,at akin ka...nakakabuo ng pagkatao...nakakapagbigay ng pakiramdam na parang okay ang lahat...
"okay lang yun..."tumayo na si eizs,"tara na,hatid na kita..."bago sila lumabas ng department,niyakap sya ulit ni mayla...di nya maintindihan kung anong nangyayari...inihatid na nya ito sa sakayan na nasa loob ng mall,pero bago yun,bumili muna sila ng pabango...pabango ni mayla.
hindi alam ni eizs kung ang mga hakbang na ito ay palayo sa pangarap nya o palapit ba?dahil minsan habang lumalapit tayo sa mga pangarap natin,nakakatakot na baka di natin magawang alagaan at mapalayo lang ito,ang malinaw lang...sira na ang pagiging magbestfriend nila.whether magprogress ito o hindi...hindi na sila makakabalik pa sa sitwasyon na magkaibigan lang sila.
BINABASA MO ANG
Si Ma'am ay isang pangarap...
RomanceIsang kwentong kahit ako hindi naniniwalang posible at magiging posible sa loob ng isang malakahong lipunan...ang AKADEMIYA. marahil kahit ikaw ang una mong iisipin, malabo...imposible... pero sa maniwala ka at sa hindi... NANGYAYARI...hahaha...para...