"Mahilig ka rin gumawa ng tula?" tanong ni fritz kay eizs, "medyo..." "anung medyo?pabasa nga..." pagkaraan ng ilang minuto ay..."anung medyo?magaling ka!" nagkukulitan ang dalawa ng biglang may lumapit kay eizs,si klay...isa sa mga it girls ng section nila.
"Marunong ka bang sumayaw?"tanong nito,
"medyo..." sagot ni eizs,"puro medyo sagot mo...!" sabi ni fritz na halatang naiirita na.
"Di kasi ko sigurado sa sarili ko kung sapat na ba yun para masabing oo..."
pagsalag ni eizs.
"Sali ka samin,bubuo kami ng dance group,section lang natin...kasi may competition eh..."Bata palang si eizs ay madalas na syang sumali sa mga pyestahan sa pag sayaw kaya madali lang para sa kanya ang umoo dito...
lalo silang nagkalapit ni Fritz,hanggang tuluyang aminin sa isat isa ang nararamdaman,sa mga sandaling ito,tinanggap na ni eizs,na si maam mayla,isang malayong pangarap...na malabong maabot. Si fritz,ang babaeng nagpalimot sa nararamdaman nya kay mayla...
Isang araw,sinubukan nyang bumisita sa mga kaibigang guro sa dati nyang paaralan. kamustahan at tawanan sa mga balita ni eizs at kwento sa eskwelahan nya sa kolehiyo,higit pa dito ay namissed nya marahil ang mga taong ito. maya maya ay may biglang pumasok,si mayla... nakikitawa ito ngunit parang may dinadala...
nang magpaalam na ang ibang teachers dahil magsisipagturo na sa kani kanilang klase,naiwan si mayla...tinanong sya ni eizs kung okay lang ba sya,at walang klase...hindi ito kumibo...maya-maya ay isinarado nito ang pinto ng department,at bumalik sa upuan na kaharap ng upuan ni eizs. nagitla si eizs ng bigla itong yumakap sa kanya...may problema pala ito.
"sige,sandal ka lang..." tanging words to comfort ni eizs para sa kaibigan.
VO:"kung ako ang nagmamahal sayo,hindi kita paiiyakin...grabe,ang bango nya..."habang nakayakap sa kanya si mayla ay tahimik itong humihikbi,wala silang imikan,tanging puso lamang nila ang nangungusap,matagal ang yakap na yun ni mayla at tila talagang masakit ang pinagdadaanan nito,hindi naman sya inaabala ni eizs dahil alam nyang kailangan nito ng tahimik na tagapakinig,alam nya ang sakit dahil pinagdaanan nya ito kay ms.vargas,nung malaman nyang buntis ito...ang kaibahan lang,kay mayla...si mr.alonzo ang nakabuntis...
Nang parang nabawi na ni mayla ang sarili sa pag iyak,naikwento nya ang pinagdaanan nya kay mr.alonzo,nagpaalam pala itong uuwi ng probinsya at pagbalik ay nakabuntis na pala ito...nasaktan si mayla at alam ni eizs na hindi sya ang makapag aalis nito,ngunit habang kailangan ng kaibigan ang kanyang balikat ay okay lang.
Nang mga panahong ito ay masaya na si eizs sa piling ng maganda nyang girlfiend na si fritz,magkasama sila araw araw sa ensayo sa sayaw at higit pa dun,sweeet na girlfriend ito.
Napadalas ang pagdalaw ni eizs kay mayla dahil nga hindi ito okay,hanggang isang araw ay kinausap sya ng isa pa nilang kaibigang teacher na si ms.luis...
"eizs,alam mo iniisip namin dito may gusto sayo si mayla..." bigla itong nabanggit ni ms.luis habang naglalakad sila sa mall.
"nyek,panu mo naman nasabi?"
"lagi ka nyang bukangbibig lalo na nung malaman nyang lesbian ka."
"Nu ka ba?may girlfriend na ko,mahal ko si fritz maam...at hindi na to basta girlfriend lang dahil may pinagsaluhan na kami..."
"anu???!"gulat na tanong ng kaibigan...
"hahaha...oo nga po. di na ko bata."
"ikwento mo!ngayon na..." pagpapaamin ni ms.luis kay eizs.
"Hindi pwede,sagrado yun..." sagot ni eizs.
"Gusto kong malaman kung may gusto rin sayo si mayla." bawi ni ms.luis,
"paano naman?" pagtatakang tanong ni eizs.
"akong bahala..."
BINABASA MO ANG
Si Ma'am ay isang pangarap...
RomanceIsang kwentong kahit ako hindi naniniwalang posible at magiging posible sa loob ng isang malakahong lipunan...ang AKADEMIYA. marahil kahit ikaw ang una mong iisipin, malabo...imposible... pero sa maniwala ka at sa hindi... NANGYAYARI...hahaha...para...