"Eizs,mahal na mahal parin kita...hanggang ngayon,ikaw lang....ikaw parin.Ikaw parin ang happiness ko..."
"Tama na yan,pwede mo ba kong samahan?sa dang wa?may bibilhin lang ako?"sagot ni eizs.
pumayag si ms.vargas. Bumyahe sila pauwi dahil ang lugar na gustong puntahan ni eizs ay lugar na malapit sa tinitirahan ni ms.vargas,bakas sa mukha ni eizs ang lubusang kaligayahan ng makita nya ang napakaraming murang bulaklak. Sanay syang magbigay ng bulaklak kay mayla,halos 3 o 4 na beses sa isang linggo kung bigyan nya ito ng bulaklak,ngunit inoorder nya yun sa isang flower shop. Iba ngayon,gusto nyang bigyan ito ng marami...natuwa sya ng makita nya ang gerbera na paborito ni mayla,bumili sya ng anim na piraso at sinamahan nya ito ng iba pang bulaklak,ipinaarrange nya ang mga ito at excited na tinitigan...
VO:"para sa mhajal ko to..."
Halos ay ayaw tignan ni ms.vargas ang mga bulaklak na pinipili ni eizs,parang pinupunit ang kanyang puso sa nakikita nyang kaligayahan sa mukha nito,gayong ang mga bulaklak na hawak nito ay hindi naman para sa kanya...
"thank you,sinamahan mo ko..."
"Maganda.paborito nya yan?"tanong ni ms.vargas,ngumiti lang si eizs.
"Uwi na tayo?excited na ko..."
Mahal na mahal parin kita...paulit ulit na bumabalik kay eizs ang mga katagang binitawan ni ms.vargas,at ang mga tingin nito sa bulaklak na hawak nya,pumara na sya sa jeep na sinakyan nya.naglakad ng kaunti at maya maya pa ay umakyat na sa kanilang apartment,naabutan nya si mayla na may ginagawa,hinapit nya ang beywang nito,hinalikan sa labi at iniabot ang bulaklak na nakatago sa likod nya na hawak ng kanyang kanang kamay.
"hmmm..." nagulat si eizs na hindi man lang ito nagulat o natuwa...inilapag lang nito ang bulaklak sa lamesa na malapit sa kanilang lababo,sa maliit na kwartong naging comfort zone nila...
umupo si mayla sa kama at sumandal sa bintana ng kanilang room.nakangiti pa rin si eizs,half expecting na ngingiti ang kanyang prinsesa at magpapasalamat...
pero wala parin...
humiga si eizs sa kama at nag unan sa kandungan ng kanyang mahal,tinititigan nya ito at iniiiwas naman ni mayla ang kanyang tingin.
"Mhajal,may problema ba?"si eizs.
"Bee,san ka galing?yung totoo?"
Sinabi ni eizs simula umpisa hanggang dulo ng pangyayari kay mayla...simula sa text ni ms.vargas hanggang sa pag upo nila sa bangkito...maya maya ay nagwika ito.
"alam ko,alam mo kung bakit?"hindi na nito hinintay na sumagot si eizs.
"Napanaginipan ko,nanaginip ako na nakatanggap ako ng bulaklak...nung tingnan ko ang card ang nakalagay pangalan ni ms.vargas"
"galit ka ba mhajal?" tanong ni eizs.alam naman nya ang sagot.
"hindi."ito ang ikinagulat nya.marami pang pagkakataon na lumabas si ms.vargas at si eizs,karamihan ay nag uusap lamang sila. ikinukwento ni ms.vargas ang lahat ng kanyang pinagdaanan...
Isang araw ng bigla nalang inimbitahan sya ni ms.vargas na pumunta ng eskwelahan. Nagpunta naman sya,pumayag sya dahil alam nyang di rin sya pwedeng magtagal dahil may pasok sya sa fast food pagkatapos...
niyaya sya nitong manuod ng sine,di okay si eizs ng mga panahon na to...katatapos lang na malaman nya na si mayla ang pinagmulan ng salitang "bossing bossingan"...
iilan lang ang tao sa sinehan at ramdam na ramdam ni ms.vargas ang lamig na parang nanunuot sa kanyang kalamnan habang si eizs ay umiiyak at ikinukwento ang mga pangyayari...
BINABASA MO ANG
Si Ma'am ay isang pangarap...
RomantikIsang kwentong kahit ako hindi naniniwalang posible at magiging posible sa loob ng isang malakahong lipunan...ang AKADEMIYA. marahil kahit ikaw ang una mong iisipin, malabo...imposible... pero sa maniwala ka at sa hindi... NANGYAYARI...hahaha...para...