habang nasisira na ang ating mga pangarap...

291 9 0
                                    

Maaga palang ay nasa tapat na ng Burger King si eizs,nakabohemian polo na gusot mayaman sya at pantalon na fitted,isang white leather shoes na may lining na kakulay ng details ng kanyang suot na bohemian polo...kung titignan mo,malayo palang habang suot ang shades na bohemian cut din ay parang pinaghandaan nya ang porma sa araw na to,pero ang totoo...normal sa kanya sa lahat ng lakad ang matagal na pagbibihis. Mahilig syang magpangalan sa pormang dadalhin nya sa araw na yun dahil sabi nya nga,yun ang personality ng nagsusuot... ilang sandali pa'y may pumasok na matangkad na babae,nakauniporme at maiksi ang buhok,malayo pa lamang ay maganda na ang ngiti nito,halatang maganda ang gising.

"Good morning,wala ng mas gaganda sa araw na to..." sabay ngiti ng matamis.

simpleng ngiti lang ang ibinato ni eizs,sakto lang...

nagtaxi na sila dahil sa porma nya mukhang maglalagkit sya pag nagjeep sila. sakto ang dating nila sa paaralan ni ms.Vargas,pagpasok ng gate napansin ni ms.vargas ang pagkailang ni eizs.

"Ayos ka lang?"tanong nito kay eizs.
yumuko lamang si eizs bago nagsalita.

"May problema ba sakin?"

"bakit?"parang naguguluhan si ms.vargas.

"kanina pa nila ko tinitignan..." napangiti si ms.vargas,hinatak nito si eizs sa kamay at lumakad na papuntang covered court...alam na alam ni ms.vargas ang ugali ni eizs,alam nyang mahiyain ito ng sobra kahit makulit ito.pag ito ay yumuko na at tumahimik ay mayroon na itong pinangingilagan at malamang na maiilang na ito pagkatapos ng ilang minuto.pinisil ni ms.vargas ang kamay niya,marahil ay matagal na rin nitong gustong gawin ang mahawakan ulit ang kamay nya. unti-unting binitawan ni eizs ang pagkakakapit na yun.

"Grabe,mukha syang mabango..." narinig nila pagdaan sa tumpukan ng mga estudyante,napalingon si ms.vargas...

"Hindi mukha...mabango talaga sya! Gusto mo ibagsak kita?!" nataranta si eizs sa ipinakitang ugali nito,umikot si eizs sa likod ni ms.vargas,hinatak nya ito sa uniform at bumulong...
"Wag kang gumawa ng eksena dito...kahit kailan ka talaga..."

ngumiti lang si ms.vargas,alam nyang pag ganito ang usapan ay napapahiya ang maliit na si eizs at ayaw nito ang mga ganung galaw.

dumiretso sila sa classroom na naka arrange na ang mga upuan,maliit lamang ang room ngunit napakalinis,may mga estudyante ng naghihintay sa loob ngunit tahimik ang mga ito.

perfect...

VO ni EIZS:"mukhang napaghandaan ng husto ni ms.vargas,nakakainis mga estudyante dito parang ngayon lang nakakita ng tao,lahat nakatingin,lahat parang kakainin ka ng buo...bwisit!"

pinaupo sya nito sa isang upuan na katabi ng teachers table,maya maya ay nagsalita ito ng malakas...

"pakitapat yung dalawang electric fan kay eizs,di yan pwedeng naiinitan."
napataas ang kilay ni eizs,ayaw nya ng ganung pag aalaga,yung tipong lahat ng atensyon nasa kanya...kahit kalmado ay nagsalita ito...

"panu sila?" nakataas parin ang kilay nya,suplada talaga to lalo na kapag galit...hindi nya mapigilan ang hindi magsalita.

"Sanay silang mainitan,ikaw hindi...parang kabababa mo lang ng eroplano.nakakainis ka.ang sarap mong kainin ng buo,yang dimples na yan..." bulong sa kanya ni ms.vargas na halatang siniguradong maglalakbay ang mainit na hininga nito sa bawat tangkay ng nerve cells nya...

VO:"WHATTHE!!! anung ginagawa nya?wala sa usapan namin yung mga ganitong kaharutan!eizs umayos ka!alam mo ang dahilan ng pagpunta mo dito!hindi mo to kaibigan...sya lang naman yung babaeng araw-araw kang pinatutulog ng umiiyak dati!"

binalya ng konti ni eizs ang mukha ni ms.vargas para makalas ito sa tenga nya at maramdaman ng huli ang discomfort na dala ng move na yun...
sinimulan na ni eizs ang atake nyang strategy sa araw na to...nagtext sya sa mystery texter nya...

Si Ma'am ay isang pangarap...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon