panaginip sa umaga

1.1K 14 0
                                    

VO ni Eizs:Ilang araw ng kinukotkot ng mukha nya ang isip ko,parang kahit hindi ko naman gusto panay ang takbo nya dito...hindi kaya napapagod yun?paulit ulit kasing sya ang laman ng isip ko...

isinarado na ang kanyang notebook sa Filipino,review nila para sa nalalapit na NSAT, may pumasok na teacher,nakaside view ito...pamilyar ang itsura. "si Maam!" halos mapasigaw ang maliit na si eizs...hindi nya mapagtakpan ang kagalakang muli nyang nakita ang kanina pa nyang iniisip...
VO:"kanina,panaginip lang kita?ngayon totoo ka na...hahaha...nakakatuwa ah?mukhang may swerteng dala ang araw na to... " madalas na kausapin ni eizs ang sarili,soliloquy kumbaga...ginagawa nya itong hobby kapag pakiramdam nya mas tamang sya lang ang nakaaalam ng mga opinyon nya...nagsimula na ang review at matamang magtama ang tingin ng dalawa,tila pamilyar sila sa isa't isa...tila puso nila ang nag uusap. makulit ang klase nila eizs,madalas na mapagalitan ng adviser dahil sa kaharutan at kakwelahan na ikinatutuwa naman ng ilang guro,at kinabubwisitan ng ilan...marami na kasi silang teacher na napapaiyak dahil sa kakulitan nila,tulad nalang ng minsang pagtripan nila ang kanilang guro sa matematika ng malaman nilang takot pala ito sa pusa...nung minsang akalain ng matandang guro na may naghaharutan sa tabi ng bintana,upang makalusot ay sinabi ni jai na pusa iyon sa labas ng bintana...nakita nilang takot pala ang istriktong guro sa pusa kaya pagkatapos ng araw na yun ay sinubukan ng mga itong tignan kung gaano katakot ang kanilang guro sa pusa...nagbaon si jai ng totoong pusa at ikinulong ito sa cleaning materials cabinet,nakawala ito at lumapit kay eizs habang takot naman ang huli sa pusa...naapakan ni eizs ang pusa at sa gulat ng pusa ay napatalon ito sa ibabaw ng mesa ng guro,sa pagkagulat ng guro ay hinimatay ito at ng magising ay pinapunta silang lahat sa guidance office,imagine?buong klase silang nasa guidance dahil walang umamin kung sinong may kasalanan...dahil sa dami nila ay minabuti nalamang ng guidance councilor na kunin ang kanilang mga pangalan at pabalikin sila sa klase...

Habang patuloy ang pagrereview ng kanilang klase ay matamang nakatingin si eizs sa labi ni mayla,parang may kakaiba sa labing ito,parang nahahalina sya nito habang nagsasalita ang guro...naputol ang kanyang maagang imahinasyon ng biglang may isang kaklase si eizs na sumagot at binara ni mayla ng pabiro...hindi napigil ni eizs ng mistulang nais pagtripan ng klase si mayla...si eizs ang kanilang direktor...kahit sya ang pinakabata sa klase,sya ang bise presidente ng mga ito,kung kaya may bigat ang salita nya sa kanyang mga kamag aral...ngunit tipikal na bata man si eizs alam nya ang kalibre ng mga kaklase,hindi rin nya ito madalas basagin sa mga trip nila,dahil naniniwala syang alam ng mga ito ang tama at mali...at biglang nag ingay ang lahat ng "weeehhh...epal!" naaawa man si eizs kay mayla,dahil mukhang nais ng klaseng barahin at basagin ang maam na maganda,ay hindi nya to pinigilan...dahil ang unang rule ng klase,walang guro ang makakapangbara o makakapahiya sa kahit kanino sa kanila sa loob ng kanilang klase,isa laban sa lahat at lahat laban sa kahit sino man...ganyan katibay ang samahan ng kanilang section. bago kasi si mayla at galing sa pribadong paaralan kaya hindi pa mulat sa tinatawag nilang masang pakikisama...di pa siguro nya kilala ang mga estudyanteng gaya ng mga nakakaharap nya ngayon... nakaraos naman si mayla ng review na hindi umiiyak. Nang matapos ang klase ay agad na lumapit si eizs kay mayla,
"Ma'am,ako po yung..." di pa man nya natatapos ang sasabihin ay isang ngiti na ang isinukli nito sa kanya...
"san ka po?hatid ko na po kayo..." sabi ni eizs...di naman sya napahiya kasi iniabot agad ni mayla ang gamit nya,sabay tanong ni eizs ng"kilala nyo po si Ms.Vargas?" tumingin lang si mayla sa kanya sabay sagot..."yeah,bestfriend ko sya since college" by the way,si Ms.Vargas ang bida sa isa ko pang kwento,kwentong ilalabas ko pagkatapos nito...kapag pumatok to...hahaha...

si Ms.Vargas ay isa ring guro na unang naging girl friend ni eizs.Ooopps,hindi lalaki si eizs...isa syang lesbian,pero hindi mo mahahalata kasi mahaba ang kanyang buhok,maliit lamang sya pero maraming nagsasabing cute sya dahil daw may biloy na dalawa sa magkabilang pisngi.
"Bakit?close kayo?" tanong ni mayla,
"Sobra" kasabay ng pilyong ngiti...
"nalipat na sya ng school kasi nasa ibang school ang permanent item nya"pagpapatuloy ni maam...
"ahhh...okay po. may contact kayo?"tanong ni eizs.
"Syempre naman." maiksi na sagot ni mayla habang patuloy sa paglakad.

nung mga panahong ito,hindi pa uso ang cellphone kaya landline lang ang meron,at beeper. kaya mahalaga kay eizs ang malamang maaari syang makikamusta kay ms.vargas mula sa kahit kanino pang tao.

"Pwede ba kong makisuyo na magpadala ng regalo?"pakiusap nya sa kausap,"okay,ang sweet mo naman" habang parang mas lumalim at personal ang titig ni mayla dito...huminto ang dalawa ng makitang nasa harapan na pala sila ng department ni maam mayla.
"pasok ka muna" pag iimbita nito kay eizs,pumasok naman ang huli dahil pamilyar naman sya sa department na to at lagi naman syang laman nito nuong si ms.vargas pa ang naririto...maya maya ay dumating ang isa pang teacher na kaclose rin ni eizs,si ms.cruz,maliit na babaeng mahaba ang buhok,balingkinitan ang katawan at ang taas ay katamtaman,kasabay ng department head nila na si mrs.alcantara...na nasa pagitan ng edad na 50's.
"uy,andito si eizs?"bati nilang may kasamang pagtataka dahil sa tagal nyang iniwasan ang mapapunta sa bahaging ito ng paaralan simula ng maghiwalay sila ni ms.vargas.
"alam mo bang bestfriend ni mayla si ms.vargas?" yumuko lang ito dahil muli ay naipaalala ng sitwasyon ang una nyang pag ibig...alam din kasi ni eizs na may alam sila sa namamagitan sa kanila ni ms.vargas... maliban kay mayla.
"bago ko pong angel" sagot ni Maam,mayla ang pangalan ni maam...nabanggit nya rin habang naglalakad silang dalawa kanina... "pahiram muna ko ng angel ni ms.vargas" sabay tingin ni mayla kay eizs...

VO:"angel?angel? nakakademonyo naman yang angel na yan,kung alam mo lang maam kung anong nasa isip ko, magugulat ka kung bakit mo ko tinatawag na angel..."

lumipas ang maraming araw at lagi na silang magkakasama napalapit na sya ng husto kay Ma'am,at nalaman na rin nya na si ms.vargas ay magpapakasal na...sa december...kahit mukhang may crush si eizs kay mayla,nananagili parin ang pagmamahal nya kay ms.vargas lalo na ang puso nya,dala ng sakit na naramdaman ay lalong napalapit ng husto ang dalawa habang pinipilit ni eizs na kalimutan si ms.vargas,isinubsob nya ang sarili sa ibat ibang aktibidad ng eskwelahan...habang si mayla naman ay ng mga panahon na to,may bf,teacher din...ngunit sa ibang eskwelahan.

isang umaga nagkasabay ang dalawa sa paglalakad.kinuha ulit ni eizs ang gamit ni mayla at parang sanay na ito sa lambing ng kaibigan dahil madalas naman nya itong gawin,ay mabilis nitong iniabot ang kanyang mga dala,kinamusta ni eizs si mayla,at sila ni bf...tahimik si mayla kaiba sa mga ordinaryong araw na normal na naikukwento nya ang bf nya,"may problema po ba?"tanong ni eizs,"wala na.tapos na"maiksi pero malamang sagot ni maam."break na kayo?" pagpapatuloy nito ngunit ngumiti lang si mayla..."bakit?" pahabol na tanong pa ni eizs,halatang interesado...
"isang araw nagising nalang ako na hindi ko na sya mahal" sabi ng kaibigan..."huh?ganun?anu yun?na fell out of love ka?"
"parang ganun..."pagtatapos nito sa usapan.
habang naglalakad sa covered court ay naharang sila ng isang teacher ni eizs nung first year,si ms.trinidad..."hoy mayla nang aagaw ka ng minamahal ah?" napatigil ang dalawa...itong teacher na to ang unang naging crush ni eizs ng lihim...sa eskwelahang ito.makulit kasi at sweet kaya laging pinagseselosan ni ms.vargas nuon..."anu?" gulat na tanong ni mayla..."alam mo bang pinangakuan ako ng kasal nito,sabay na nagtawanan ang tatlo."wala na,di na nya itutuloy yun...umasa ka ba?" pabirong sagot ni mayla habang tumatawa,ang maliit naman na mama ay nasa gilid lamang habang kanina pa ay gusto ng kainin ng lupa...

Kapagdaka'y naghiwalay na sila ng landas ni ms.trinidad,"totoo yun?" tanong ni mayla "ang ano?""na pinangakuan mo sya ng kasal?" "oo,bata pa ko nun,sa poem yun...di ko naman alam na seseryosohin nya"sagot nito..
"mukha namang di nya sineryoso..." sagot ni mayla...bumalik na si eizs sa kanyang klase pagkatapos syang ihatid.

VO ni eizs:"wala namang posibilidad ang samin ni mayla,kasi bf na nga ang meron sya inayawan nya pa,at walang bakas na posible ang lahat...mukhang sa panaginip ko lang sya pwedeng mahalin..."

sa una palang ay dama na nito ang kapalaran ng lihim nyang pagtangi kay mayla...kaya isang araw nagdesisyon sya na magmahal nalang ng iba...yung kapwa nya estudyante,yung posible...yung maaangkin nyang kanya dahil may liwanag syang nakikita,di tulad nito...parang nananaginip lang sya sa umaga...

Si Ma'am ay isang pangarap...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon