simula ng tag ulan...

312 11 0
                                    

Nagsimula na ang tag ulan sa relasyon nila eizs at mayla...

"dito tayo uupo,okay lang sayo?"

nakatitig si eizs sa isang bangkitong may katabing bilihan ng yosi...

"magpakacowboy ka naman kahit minsan..."si ms.vargas.

"cowboy ako." masungit na sagot ni eizs.

umupo na ang dalawa pero hindi parin kumportable si eizs na makakatabi nya ang babaeng minsang nanakit sa kanya.

nagsimula ng basagin ni eizs ang katahimikan nila.

"Bakit sabi ni mayla,sinabi mo raw na kung meron kang pinakanakakadiring karanasan yun yung atin?"

tahimik lang si ms.vargas habang hindi na napigilan ni eizs ang pagluha.

"Nararamdaman ko na nung mga panahon na yun na magiging ganito ang sitwasyon,sa sobrang takot ko na mahalin ka nya at mahalin mo sya inunahan ko na ng ganung kwento at salita si mayla." tahimik si eizs,tila di nya manguya ang lahat ng paliwanag na yun.

"ganun?at yun ang paraan mo?that was so unfair!"galit si eizs.

"nanganak ako mag isa,sa lahat ng taon na yun,lagi akong umiiyak sa table ko...pinagsisisihan ko kung bakit hinayaan kitang tumalikod sa simbahan. sa bawat iyak ko,iniisip ko...sana ikaw nalang,sana ikaw ang katabi ko...dahil pakiramdam ko kahit kailan hindi ako magiging masaya.pakiramdam ko yung happiness ko hawak mo lang. Iba ang ngiti ko kapag ikaw ang kaharap ko,parang kahit magugunaw na ata ang mundo basta katabi kita okay lang ang lahat." sabay na silang lumuluha...

"Nung iwan mo ko sa simbahan sabi ko sa sarili ko,itutuloy ko yung panakot ko sayo." pagpapatuloy ni ms.vargas.

"Bakit itinuloy mo kahit alam mong masasaktan ako?"si eizs.

"Bakit tumalikod ka kahit alam mong ikaw ang buong buhay ko?" sinagot ng tanong ni ms.vargas ang tanong ni eizs.

"Bakit hindi mo ko pinigilan nung tumalikod ako?" nakaharap na si eizs habang patuloy ang pag agos ng kanyang luha.

"Bakit pinili mong tuluyang tumalikod kahit alam mong hindi ko kaya?"si ms.vargas.

"Bata pa ko nun,magulo pa isip ko...ni hindi ko pa nga maamin sa pamilya ko na ganito ko. Natatakot ako dahil nakita kong sakin na umikot ang mundo mo. panu kung di ko pala kaya?panu kung magbago pa pala ko?panu kung hindi pa pala sapat ang kakayahan ko?panu kung di naman pala matanggap ng pamilya ko?ikaw ang matanda sating dalawa sana mas inunawa mo yung pinagdadaanan ko." sagot ni eizs.

"Sorry..."Tuluyan ng umulan,at sa gitna ng bawat patak nito ay hindi inaanod ang sakit na kanilang nararamdaman.

"Hindi ako masaya,at hindi na magiging masaya kahit kailan...ikaw?masaya ka sa kanya?"tanong ni ms.vargas.

"Minsan..." sagot ni eizs

"bakit minsan?"

"Tama na yung minsan,minsan masaya ka...minsan hindi...para naman magkaroon ng kahulugan yung minsang masaya ka...dahil kung palagi,hindi mo na makikita ang halaga nung minsang mapapangiti ka dahil malalim ang kaligayahang nararamdaman mo..." sagot ni eizs.

umiiyak man ang dalawa alam nilang hindi na posible ang lahat...si eizs masaya na sya at kuntento sa piling ni mayla habang si ms.vargas ay wala ng magagawa sa sitwasyong mayroon sya.nagsimula na itong ikwento ang naging buhay nya sa asawa...umiiyak siya na tila napakalalim ng sakit.pakiramdam ni eizs sya ang may kasalanan sa lahat ng sakit na pinagdaanan nito sa buhay,dahil hindi naging sapat ang tapang nya para sabihing mahal nya ito at kaya nyang panindigan ng mga panahong iyon.

"Hindi mo na ba ko mapapatawad?"tanong nito kay eizs.

"Napatawad ko na ang sarili ko..." si eizs.

"bakit ang sarili mo?"tanong nya na may halong pagtataka...

"Napatawad ko na ang sarili ko dahil minahal kita ng higit sa buhay ko nuon...nakalimutan kong magtira para sa sarili ko...kaya nung bitawan mo ko...para kong namatay...para kong nawalan ng buhay. dahil nuon,ikaw ang naging buhay ko..."

{"Nagagalit na si nanay...bakit daw tayo laging magkasama?bakit daw pag nasa paligid kita hindi ako mapakali...sobrang sakit ng mga sinabi nya eizs,kung kaya ko daw bang tignan sya ng nakahubad?dahil yun din daw ang meron ka?anu daw ba ang nakita ko sayo?"Si ms.vargas.

tuloy tuloy ang agos ng luha ni eizs habang nakaupo sa mahabang upuan sa simbahan ng sto.domingo...

"Ganun ba?anung sinagot mo?"si eizs.

"umiiyak lang ako.grabe...pinapili nya ko,kung ikaw ba o sila?"

"Anung sinagot mo?"si eizs.

"Hindi ba pwedeng sabihin mo na sa mama mo?"nangingilid na ang luha ni ms.vargas.

"Hindi ko ata kaya...di ko alam.naguguluhan ako..." panay pa rin ang pag iyak ni eizs. Alam nyang sya ang may kasalanan sa sakit na nararamdaman ng minamahal nya.

"kailangan kong umalis,mag iisip ako.pagbalik ko...baka kaya ko na.tama na tong usapan na to..."si eizs.

"Ganun lang?wala ka man lang gagawin para sakin?napakaduwag mo naman!"si ms.vargas...

"2 months lang naman akong mawawala...pagkatapos ng bakasyon,tapos na...baka handa na ko?"si eizs.

"BAKA?anu yun?di ka pa sigurado?"

tumayo na si eizs para tumalikod ng biglang nagsalita si ms.vargas...

"Kapag tumalikod ka...ibibigay ko to sa unang lalaking manliligaw sakin!"

napahinto si eizs,pero hindi na sya lumingon,at tuluyang tumalikod...

kring

kring

kring

May nag angat ng awditibo ng telepono...

"hello?"

"Pwede po kay ms.vargas?"si eizs.

"ay wala sya,nasa date...nanuod ng sine." alam ni eizs na nanay ni ms.vargas ang sumagot.

"sige po bye..."parang binagsakan ng mundo si eizs...alam nyang totoo ang narinig nya.bigla syang napaluwas para habulin ang babaeng pinakamamahal nya...

Sabay ang pagluha nila habang hawak ni ms.vargas ang mukha ng batang si eizs.

"Hindi na ko pwedeng bumalik sayo...hindi na ko malinis..."

unti-unting bumabagyo na sa pakiramdam ni eizs...hindi na patak ng ambon ang pagluha nya...dahil sinakluban na ng madilim na ulap ang kanyang mga mata habang unti-unting inaanod ng kalungkutan ang batang puso nya na nangarap na isang araw sya at si ms.vargas ay magiging isa...}

"eizs,mahal na mahal parin kita... hanggang ngayon,ikaw lang...ikaw parin...ikaw parin ang happiness ko..."

sa salitang ito,bumalik si eizs sa kasalukuyan...naalala nya ang masaklap na sandaling yun...
---------------------------------------------
pre,nakakapagod ang maghapon...pero masaya. masaya dahil marami tayong nagawa,ganun talaga kapag mga taong "WALANG TIME",salamat kagabi,napatunayan ko kung gaano ang itatagal ng pagkakaibigan natin...at gaya ng sinabi ko sa maraming tagpo dito at sa personal...mauubos ang bukas,pero ang pasensya ko...hindi. salamat sa alaga.salamat din sa napakasweet na pamilya mo...kayo na!
---------------------------------------------
at para sa babaeng minamahal ng puso ko ngayon,masarap ang bawat oras katabi ka...gaya ng sinabi ko sayo,kakayanin ko...at wala ng break up...di ko kasi talaga kayang makita kang umiiyak,alam kong mahal mo ko kahit madalang ang iloveyou...tatandaan mo na kahit mahirap pa ang lahat,hindi ako magsasawang umupo sa tabi mo habang patuloy na papahiran ko ang bawat pagluha mo...sorry sa mga kalokohan ko,alam ko na,tuwing magseselos ka...isang sabi mo lang...titigil na po ako.ikaw ang babaeng nakapagpapaupo sakin na hindi ko pagsasawaang sayawan at titigan...LOVE YOU PA MORE...hehehe...

Si Ma'am ay isang pangarap...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon