ang pagpiling abutin ang isang pangarap...

487 14 1
                                    

"Ate, pagalitan mo nga tong anak anakan mo,kasi sasama sa overnight kay fritz!" pagsusumbong ni mayla kay ms.luis habang sabay sabay silang naglalakad sa mall.

"bakit?hayaan mo sya,binata yan eh." pagtatanggol ng huli sa kaibigan.

maya maya ay naghiwalay na ang tatlo,inihatid na ni eizs si mayla sa sakayan,bigla itong nagtanong...

"sa bahay ka kaya matulog?"
"hindi ako nagpaalam?"sagot ni eizs.
"ako tatawag sa mama mo..." bumaba ulit si mayla sa fx na sinakyan nito at naghanap ng pay phone,maya maya ay humarap kay eizs...

"tara na?" nakangiti nitong aya.
"pinayagan ako?"bati ni eizs.
"ako pa ba?" nakangiti na ang magandang dalaga.

malayo ang byahe nila,tahimik si eizs,iniisip nito kung tama ba ang lahat ng nangyayari.nagugulumihanan ito sa bilis ng tinatakbo ng kwento,sinasakmal sya ng takot na baka hindi maging maayos ang lahat at mawala ang best friend nya sa kanya...dahil mas importante ito kaysa sa pag ibig...ang tunay nilang pagkakaibigan,sa byahe inaalala ni eizs ang lahat ng mga kulitan nila ni mayla,pati na ang mga oras na sya ang ipinagtatanggol nito o sya naman ang tumatayo para dito. paano na nila haharapin ang buhay kung hindi na sila magkaibigan?

nakarating na sila sa lugar na malapit kina mayla.
"saan tayo?"tanong ni eizs.

"tricycle nalang at andun na tayo..."sagot ni mayla. hinawakan nito ang kamay ni eizs,alam nyang kinakabahan ito.
pagdating sa bahay nila mayla ay dumiretso sila sa kwarto nito,nakita nya ang itsura ng kabuuan nito,maganda ang paligid,nakita nyang walang kama,at isang sofa na natatanggal ang sandalan,sofa bed pala...

"Ligo lang ako,tapos tulog na tayo..."
pinahiram sya nito ng damit dahil biglaan ang naging lakad nila. nakapaligo rin sya sa wakas, malamig ang tubig at napreskuhan sya...

nagulat sya pagpasok nya ng biglang nasa lapag ang latag ni mayla.

"dyan tayo?"tanong ni eizs...
"oo,ayaw mo?massage mo ko?"
"sige...okay lang."sagot ni eizs.

habang tumutugtog ang kantang TANGING YAMAN,ay nagsimula ng imassage ni eizs si mayla.

VO:"anu ba naman po to lord?bakit binibigyan mo ko ng mga ganitong pagsubok?kaya ko ba to?hirap lumunok...nakakapaso,nakakatakot...baka di ko to malampasan...hay naku naman nanay ko!help,tulong,tabang naman dyan!"

magaling magmasahe si eizs,alam nyang isang maling galaw ay posibleng may maganap kaya ganun nalang ang pag iingat nya kahit di nya na halos mapigil ang sarili nya...maputi si mayla at napakakinis ng balat nito. tila inaanyayahan sya na magpakalulong sa sitwasyon,ganun na lamang ang pagdadasal nya na sana...sana hindi sa madarang sa apoy ng gabi habang inaabot nya ang kanyang pangarap...

habang minamasahe nya ang likod ni mayla,di nya napigilang halikan ito sa batok...habang inaabangan nya na ang pagharap nito para batukan sya,biglang nagitla sya ng magtaas to ng mukha at bumulong...

"kapag natanggal mo yang hook na yan...sayo na ko..."

nagulat si eizs,napahinto sya...anu kaya ang gagawin ni eizs?itutuloy nya kayang abutin ang matagal nya ng pangarap?kaya ba nyang panindigan ang mga ito?

----------------------------------------------
sorry sa late na pag update,may activity kasi ako bukas inuna ko muna yun...sa kaibigan kong tinambayan ko ngayong gabi...maraming salamat po sa pag aaccommodate,masarap ang kwentuhan lalo na kapag may wifi...para naman sa nagsasabing number 1 fan ko sya,uhm...salamat parin po kahit na alam mo na.yaan mo na yun.okay na yun...oh panu?hanggang sa susunod na pag aupdate ah?pahinga na po kayo...

Si Ma'am ay isang pangarap...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon