unti-unting pag abot sa pangarap at paggising sa panaginip

586 13 0
                                    

Mahaba ang pila ng mga estudyanteng nakatoga,ito na marahil ang isa sa pinakamahalagang araw para sa magulang,dahil sa totoo lang naman,hindi naman para sa mag aaral ang diplomang yun...kundi para sa mga magulang na nagpakahirap para matulungan ang mga anak na unti-unting abutin ang kanilang mga pangarap...
"eizs,ang ganda mo..." bati sa kanya ng kanyang katabi...
"bagay pala sayo ang kulot?"
VO:"walang hiya,pinagtripan ata ako ng tita at nanay ko kaya kinulot ako ng ganito...di ko makita si mayla ah?nasan kaya yun?"

habang pumapasok na ang mga mag aaral, malayo ang tanaw ni eizs,nakatingin sya sa mga nauna nyang kaklase ng biglang may lumitaw na magandang babae sa harap nya... si mayla. binati sya nito habang naglalakad sa aisle. ang mga ganitong activity sa paaralan ay binibigyan ng grado kung kaya ito ay pinaglalaanan ng oras ng pag eensayo bago ang mismong araw. ang hindi naensayo ni eizs ay ang pagkagulat ng unti-unti syang lapitan ni mayla sa gitna ng hall at halikan...hindi sa pisngi,hindi rin ito beso lang...oooppsss,hindi naman sa labi...sa nuo...parang hindi rin naman sa nuo,sa pagitan ng kanyang mga mata. parang bumagal ang paligid at nawala ang lahat ng mga mag aaral,guro at magulang...pagkatapos nun ay nagkatitigan pa silang dalawa,kapwa nagtatanong kung bakit parang bumagal din ang tibok ng kanilang mga puso.

Isang tulak ang nakapag pagising kay eizs...
"Hoy!bilis na ang layo na nung unang estudyante oh?" puna ng kaklase nyang nasa likuran nya...hindi yun panaginip,totoong nangyari ang halik na yun sa kabila ng maraming tao sa hall...parang habang lumalayo ang magkabilang mundo ni mayla at eizs,parang lumalapit naman ang kanilang mga puso...

pero alam ni eizs,na sya lang ang may ganitong pakiramdam,at kay mayla,ay walang malisya ito...

lumipas ang bakasyon at ang napakahabang mga araw...

isang bagong buhay,bagong simula at bagong eizs... mas matapang,mas agresibong abutin ang pangarap at mas malalim ang pananaw sa buhay...sa buhay single!

"Good morning manila!" tuwang tuwa ang batang si eizs sa nakikitang ito,puting uniporme, mga bagong kaklase at higit sa lahat bagong pagkatao,wala na ang batang batang sya,medyo bata nalang sya ngayon...

Nagsimula ng magpakilala isa isa ang kanyang mga kaklase.
VO:"walang jo ah?,requirement ba dito pag nagpakilala ka may karugtong na accomplishments?parang lahat ng tao dito matatalino!parang lahat ng tao dito magiging principal pag lumaon..."

nung si eizs na ang nagpakilala,naghintuan ang lahat...
"Hi,im eizs...wala naman akong medal nung grumadweyt maliban sa medal of loyalty sa CAT,anu bang pwede kong ipagmalaki?dito na ba agad?hindi ba pwedeng pagkatapos nalang natin dito saka magbilangan ng accomplishments?kasi,di pa naman finish line...magkikita kita parin naman sa finals..." nagtawanan ang lahat pero bukod tangi ang ngiti ni fritz...maganda sya,kaklase ni eizs na ang kahawig ay ang dating artistang si sarah kristoppher? nakatitig lang sya kay eizs,parang nagulat dahil sa mga tinuran nito.

"ang kulit nung kanina ah?ganun ka talaga?" nakatalikod si eizs ng marinig ang boses mula sa kanyang likuran,
"ay,oo...OA ba?kairita kasi parang halos lahat valedictorian,gusto ko na tuloy isipin baka nagkamali lang yung nagcheck ng papel ko dito nakakapagtaka kasi paano ko nakapasa dito,di naman ako kasing talino nyo..." sagot ni eizs.
"sus,wala naman yun dun!ako alam ko bakit ka nakapasa..." maganda ang ngiti ni fritz, "bakit?" dahil dito,sabay sundot sa pisngi ni eizs sa dimples nito...tumalikod si fritz,pagkatapos nun, kasabay ng pagtalikod nya ay nagpatuloy na rin sa lakad nya si eizs,habang nasa cat walk ang dalawa at bumabagtas ng magkabilang daan,naisip ni eizs humingi ng sign...
VO:"Lord,kapag ito lumingon,ito na po!hahaha!" habang kinikilig...isa,dalawa,tatlo...sabay lingon si eizs.
🎶this guys in love with you mare...
parati nalang bumabagal ang segundo kay eizs,lumundag ata ang puso nya na pareho silang nakalingon ni fritz!

Si Ma'am ay isang pangarap...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon