"alam kong malaki pa ang baon mo sa tuition mo,hindi naman yun ang point dito anak...ang point sayang ang panahon.bakit ba?anu bang nangyayari sayo?masyado mo ng pinaiikot ang buhay mo sa girlfriend mo,hindi ba kayo nagkakasawaan?" parang umeecho kay eizs ang sakit na nararamdaman ng kanyang ina,habang patuloy ang pag ani ng papuri ng organisasyon nila...ito marahil ang kapalit.
VO:"bakit hindi patas ang buhay?parang ang hirap naman,parang sobrang bata ko pa para sa mga ganitong conflict?hay...sabagay,ako naman ang gumawa ng mga to...wala na kayang pakialam sakin si mhajal?mas importante na kaya talaga sa kanya ang business?kasi mas may panahon sya dun...mas marami ang oras nya dun...minsan nalang kami nagkikita tapos nagtatalo pa kami.
42 BUWAN NG AKING BUHAY
Apat na pu't dalawang buwan...ako at ikaw,
Isang libo,dalawang daan,pitong pu't limang araw...
Tatlong pung libong oras ng aking abang buhay;
Ligaya,lungkot,tawa,iyak na iyong ibinigay...
Ang hiningang bumubuo,sa pagkatao ko'y inialay...Maraming pagtatalo sa bawat pagkulimlim...
Pagsusumamo't,pag aayos ang aking panimdim,
Kinakapa't hinahagilap...bawat isa'y nasa dilim;
Upang sa hapdi'y mailigtas...ako na ang aangkin.
At sa pagtulo ng luha,ikaw ay aking yayakapin.Anuman ang mapuntahan ng ating paglalakbay,
Sa panginoon,lahat ng ito'y akin ng ibibigay...
Kung wala ng ni isa mang sa atin ay aakay,
Sukluban man ng itim itong aking bangkay;
Mawala man ang ngiti,kumupas man ang mga kulay...Mahal,kung sa pagtila ako ma'y mapapagod...
Puso mo sana ang sa puso ko'y humagod,
Mawala man ang mga paa,at ipagdamot ang tungkod;
Sa paglalakbay man na ito,ako ma'y malulunod...
Sa pag ibig mo parin sana ako maianod.12:55 ng umaga
Hunyo 11Monthsary nila at kung mababasa mo ang tula nagpasaring na si eizs,pagpapakitang may problema sila...hindi naalala ni mayla ang araw na to,gaya ng nakagawian,sinabi nyang maganda ang tula,ngunit dala ng pagiging abala sa trabaho at business nila, hindi nito nabati ang kapareha...
VO:"parati nalang ganito,mahal pa kaya talaga nya ko?nakakainis talaga...pag ako napagod...bahala na sya."
Nagmatured na si mayla sa relasyon,habang ang kanyang minamahal na katipan ay naiwan sa gitna ng lahat ng mga katanungan...nabuo na marahil ni mayla ang kanyang mundo,buhay na kanyang plinano kasama si eizs. habang ang batang si eizs ay hinahanap ang dating lambing ng kanyang girlfriend...
LAPIS AT PAPEL
Kung tatanungin mo ko kung gaano kita kamahal, sasabihin ko sayo:
tulad ng pagsasama ng lapis at papel,
na mula sa kawalan ay nakabubuo ng napakaraming kabuluhan.Ako ang lapis
at ikaw ang papel!Susulatan kita ng lahat ng aking pangarap,
mga kwentong masaya at nakakaiyak,
guguhit din ako ng mga larawang makulay,Mula duon ay nagsimula ang ating daigdig...
ang buhay na pagsasaluhan natin
habang kaya ko pang sumulat
at hanggang may espasyo pa 'ko
sa mapag aruga mong papel...Ngayon,
at kung sakaling magsawa ka na,
at ayaw mo na kong makasama,
h'wag kang mag-alala,
dahan-dahan itutupi kita
upang maging isang eroplanong papel!
sabay paliliparin sa hangin,
sa ilalim ng malawak na langit.Mula sa itaas makikita mo marahil ang ibang mundo,
mundong wala nuong magkasama pa tayo.Kasama ng 'yong pagiging malaya
ang pagpili kung saan mo gustong lumapag
nandito lang ako at masayang mananalangin,
na sana higit kaysa sa'kin
ang mapuntahan mo...
at kung malaglag ka sa lupa
at walang sinumang pumapansin
dahil hindi ka na 'sing ganda at tayog
'nong nasa taas ka pang lumilipad,
kung lahat ng inaasahan mong pupulot sa'yo
ay dinadaan-daanan ka lang,
kasabay sa paglubog at pagsikat ng araw...Doon,doon ako darating upang kunin ka
at muling ialok ang mundong binuo ko para sa'yo.Iaayos ko at papantayin ang mga tupi
at nalukot mong bahagi nuong eroplano ka pa!
ibabalik kita bilang isang papel
at ako parin ang lapis-
na walang sawang susulat sa'yo
at magiging kasama mo,
habambuhay...'pag naging totoo na ang mga bagay
na hindi natin inaasahan,
saka mo 'ko tanungin kung gaano kita kamahal-H'wag ngayong masaya tayong magkasama...
(published by:THE TORCH)
paboritong tula ito ng dalawa,madalas nila itong pag usapan...napakatotoo ng manunulat na may akda nito.napakalalim ng pagmamahal.
"Hi,kamusta?" isang text ang natanggap ni eizs mula sa isang numerong hindi naka save sa kanyang phonebook. Hindi nya ito pinansin,hindi sya basta nagrereply sa mga text lalo na't hindi ito nagpakilala.
Sino kaya ang taong to?may kinalaman kaya ito sa buhay ng ating mga bida?tignan natin sa mga susunod pang update...
------------------------------------------
Sa aking CM,salamat po sa pagpapatuloy,bigla tuloy akong natutong magluto ng tinola.ganun talaga kapag single,maraming time magbakasyon...huhuhu...kaso,hindi na po open ang puso ko.kung may plano ang ibang mag apply...ayoko ng magmahal MUNA ulit,nakakapagod.para naman sa babaeng lagi kong kausap sa telepono,katext at kamessenger,nakakatuwang kahit mag isa ko ay hindi ko kinakailangang maghanap ng girlfriend,dahil ikaw lang sapat na...sobrang thank you sa friendship,ngayon ko lang naranasan ang lumakas ang loob ng ganito,takot kasi kong mag isa sa buhay pero dahil sayo...parang magiging madali ang lahat.Ang tyaga mo...kaya mahal kita. pinagpapasensyahan mo ang mga moodswing ko,lalo na ang mga pangungulit ko.. nag aupdate nga lang ako dito dahil alam kong malulungkot ka kapag walang update. You are my fuel to keep on writing. thank you po!
BINABASA MO ANG
Si Ma'am ay isang pangarap...
RomanceIsang kwentong kahit ako hindi naniniwalang posible at magiging posible sa loob ng isang malakahong lipunan...ang AKADEMIYA. marahil kahit ikaw ang una mong iisipin, malabo...imposible... pero sa maniwala ka at sa hindi... NANGYAYARI...hahaha...para...